Mga Hamon sa Pagkabansa ng Pilipinas Matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Mga Hamon sa Pagkabansa ng Pilipinas Matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Kasabay ng paglipas ng mga taon ay ang pagbabago ng kalagayang politikal, pang-ekonomiya, pangkultura at panlipunan ng Pilipinas. Sa mga pagbabagong ito ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon din ng mga HAMON.
Patuloy ngunit masugid na sinisikap ng bansa na harapin ang mga HAMON NG PAGKABANSA sa pag-asang mapagtitibay pa ito para sa kagalingan ng susunod pang henerasyon ng mga Pilipino.
Anong mga hamon ang nararanasan ng Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagsisikap nitong mapagtibay ang pagkabansa?
Sa kabila ng pagtatamasa ng kasarinlan, nagpatuloy ang kapangyarihan at impluwensiya ng United States sa Pilipinas sa pamamagitan ng makabago at tahimik na paraan ng pananakop na tinatawag na NEOKOLONYALISMO.
Ang neo ay nangangahulugang bago, samantalang ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng malakas na bansa upang makakuha ito ng kanilang mga pangangailangan.
Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa paggamit ng iba’t ibang puwersang politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan ng isang bansa upang maimpluwensiyahan ang isa pang bansa, na kalimitan ang huli ay dating nasakop ng una.
Bahagi ng napagkasunduan ng Pilipinas at Amerika ang pagkakaroon ng mga Amerikano ng base-militar sa bansa, nagtagal ang mga ito ng apat na dekada hanggang sa magwakas ang kasunduan noong 1991 at pinili ng Senado ng Pilipinas na hindi na ito ipagpatuloy.
Ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ang pagpunta ng mga Amerikanong sundalo sa bansa upang magsagawa ng mga pagsasanay. Nakikilahok naman ng mga Pilipinong sundalo sa mga military intervention na ito na isinasagawa ng United States.
Bahagi ito ng pagkilala sa nilagdaang MDT (Mutual Defense Treaty) noong 1951 na pinagtibay pa ng VFA (Visiting Forces Agreement), 1999, at EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement), 2014.
Patuloy rin ang impluwensiya ng United States sa kalagayang pulitikal ng bansa kabilang na ang ELEKSIYON.
Mahalaga para sa kanila na ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay sumusuporta sa mga polisiya nila.
Halimbawa, ang pagpapadala ng CIA kay Edward Lansdale hindi lamang upang sugpuin ang Huk kundi tumulong din na mailuklok sa katungkulan ang isang pangulong mananatiling tapat sa Estados Unidos.
Nagpatuloy rin ang pangungutang ng Pilipinas sa mga pandaigdigang pinansiyal na institusyon gaya ng IMF (International Monetary Fund) at World Bank,
at ginamit ang mga ito bilang mga mekanismo para magpatupad ang pamahalaan ng mga patakaran at polisiyang pang-ekonomiya na PABOR sa INTERES ng
United States.
Dahil na rin sa naging mahinahong paraan ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay mas naging MADALI para sa kanila na IMPLUWENSIYAHAN ang ASAL at PANINIWALA ng mga Pilipino sa pamamagitan ng media, wika, edukasyon, at maging ng relihiyon.
Hanggang sa kasalukuyan, ang sistema ng edukasyon na umiiral sa bansa ay batay sa sistemang ipinakilala ng mga Amerikano. Malawakan din ang paggamit ng wikang Ingles sa bansa. Hindi rin maikakaila na ang panlasa ng mga Pilipino sa pagkain, pananamit, at iba pa ay may pagkiling sa kulturang Amerikano.
Nagsisilbing Hamon ang Neokolonyalismo sa Pilipinas bunsod ng sumusunod na Dahilan:
PATULOY NA UMAASA ANG PILIPINAS SA MGA DAYUHANG PAMUMUHUNAN AT TULONG.
Patuloy na nakikilahok sa ekonomiya ng Pilipinas ang mga dayuhang multinasyonal, na karaniwang dating mga kolonyalistang bansa. Dahil dito, ang Pilipinas ay nakatali sa mga tuntuning idinidikta ng mga namumuhunang ito, na maaaring magpahina sa kapangyarihan at kalayaan ng pamahalaan sa pagpapasiya. Maaari rin itong magdulot ng pagbabago sa polisiya at kawalan ng kontrol sa ekonomiya, lipunan, at politika ng bansa.
ANG PATULOY NA PAGPASOK NG PILIPINAS SA MGA KASUNDUANG PANGKALAKALAN AY MAAARING MAGDULOT NG PANANAMANTALA NG MGA MAKAPANGYARIHANG BANSA.
Maaari itong humantong sa paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas, pagkasira ng kalikasan, kaguluhan sa lipunan, at konsentrasyon ng yaman sa kamay ng mga dayuhan.
ANG MAHABANG PANAHON NG PAGKAKAUTANG NG PILIPINAS NA MAY MATAAS NA INTERES AT MAIKLING PANAHON NG PAGBABAYAD AY MAAARING MAGDULOT NG SIKLO NG PAG-ASA SA UTANG.
Ito ay maaaring magdulot ng kawalan ng katatagan ng pamahalaan at ekonomiya. Sa patuloy na pag-utang, maaaring masangkot ang bansa sa mga kasunduang hindi makatutulong sa mga hamong kinakaharap nito.
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at pumili ng sagot sa ibaba.
_____________________ 1.Isang patakaran ng United States na ipinatupad sa Pilipinas na nagpapatunay bilang pagpapasimula ng neokolonyal na katangian ng edukasyon sa bansa.
_____________________ 2.Karamihan sa bansa sa Timog – Silangang Asya ay labis na umasa sa mga mayayamang bansa tulad ng United States.
_____________________ 3.Ito ay maituturing na bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan ng impluwensiya o pagkontrol sa aspetong pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at kahit sa larangan ng pangmilitar ng isang maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa.
_____________________ 4.Ito ay ang pamamaraan ng anumang pautang na ipinapahiram ng International Monetary Fund (IMF)/World Bank o ng United States na may laging kasunduan o kondisyon.
_____________________ 5.Tumutukoy sa gawain ng mga neokolonyalistang bansa na guluhin ang isang pamahalaan ng isang bansa o ibagsak ito nang tuluyan dahil hindi mapasunod sa mapayapang paraan.
Panuto: Buuin ang pahayag sa ibaba. Piliin ang tamang salita na nasa loob ng kahon.
Ang Neokolonyalismo ay ang 6. ________________ paraan ng 7. ________________ sa pamamagitan ng pagpapanatili ng 8. ________________ sa kultural, 9. _______________, militar at pang-ekonomiya ng dating 10. ________________ sa mga bansang dating nasakop.
Palakasin ang soberanya ng bansa.
Lumaban sa anumang uri ng panghihimasok ng ibang bansa.
Tumutol sa mga polisiya na pabor sa malalaking bansa.
Hikayatin ang kabataan na magtuon sa practical arts o maging entrepenyur.
Mahalin ang sariling kultura.
Pagyamanin at tangkilikin ang lokal na produkto.
Pumili at bumoto ng mga pinunong magpoprotekta sa interes ng bansa.
Tatlong sangay ang bumubuo sa pamahalaan – ang ehekutibo na kinabibilangan ng Pangulo, ang lehislatibo o ang Kongreso, at ang hudikatura na kinakatawan ng mga Korte.
Pantay-pantay ang tatlong sangay, dapat ay walang isa na higit na makapangyarihan at tungkulin ng bawat isa na tiyakin ang pagkakaroon ng check and balance.
check and balance - sistemang tumitiyak na walang may lubos na kapangyarihan sa mga desisyon, malinaw ang tungkulin ng bawat sangay, at may kooperasyon ang mga sangay sa pagtupad ng mga gampanin
Ngunit, hindi ito nasunod dahil nanatili ang herarkiya sa mga pinuno, kung saan ang presidente o pangulo ang pinakamataas. Dahil dito, nanatili ang malaking impluwensiya at kapangyarihan ng sinumang umupo bilang pangulo sa pagtalaga at pagbuo ng mga polisiya, paglalaan ng pondo, at pagtatalaga ng iba pang opisyal ng pamahalaan.
Ang politika ng Pilipinas ay pinamumunuan ng mga oligarkiya mula pa noong panahon ng mga mananakop. Mula sa sistemang cacique ng mga Espanyol, nabuo ang relasyong patron-client sa pagitan ng mga makapangyarihang politiko at mga ordinaryong mamamayan.
Ganoon din sa electoralism ng Estados Unidos, kung saan binigyan ng kapangyarihan ang mga mayayamang Pilipino sa pamamagitan ng halalan upang matiyak ang kanilang kooperasyon. Ang mga kondisyong ito ang nagbigay-daan sa pag-iral ng
ELITE DEMOCRACY sa bansa.
Ang demokratikong elitismo sa Pilipinas ay naglalarawan ng pagkakaroon ng kapangyarihan at impluwensiya sa kamay ng iilang mayayaman at edukadong tao, sa kabila ng pagsunod sa mga demokratikong proseso at institusyon.
Bagama't ito ay nagaganap sa Pilipinas, posible rin itong mangyari sa iba pang demokratikong bansa. Ang mga dinastiyang politikal at sistemang patronage ay ilan lamang sa mga aspeto na may kaugnayan sa demokratikong elitismo sa bansa.
Ang political dynasty o dinastiyang politikal ay tumutukoy sa isang kalagayan kung saan ang kapangyarihan sa politika ay naipapasa mula sa isang miyembro ng pamilya patungo sa isa pang miyembro ng parehong pamilya. Sa ganitong sistema, ang mga posisyon sa pamahalaan ay kadalasang hawak ng mga magkakamag-anak, na nagreresulta sa isang uri ng pamumuno na kontrolado ng iilang pamilya lamang. Ang mga political dynasty ay karaniwang makikita sa mga bansa kung saan ang mga pamilya ay may matagal nang impluwensya sa politika at ekonomiya.
Isyu Ngayon:
(#Magpakatotoo ka)
Magbigay ng halimbawa ng dinastiyang politikal sa Pilipinas.
Magbigay ng mga dahilan kung bakit nagtatagumpay ang dinastiyang politikal sa Pilipinas.
Sistemang padrino ang karaniwang tawag sa sistemang patronage rito sa Pilipinas. Ito ay tumutukoy sa pagkakaloob ng pabor, na maaaring pagtaas sa katungkulan o pagtatalaga sa pamahalaan ng isang kawani, bunsod ng kaugnayan nito sa isang politiko. Ang indibidwal na ito ay maaaring wala namang kakayahan o kwalipikasyon sa posisyong ipinagkakaloob dito.
Dito pumapasok ang mga sistemang nepotismo at cronyism.
Nepotismo - pagkakaloob ng pabor ng isang maimpluwensiyang pulitiko o kawani sa kamag-anak.
Cronyism - o ang pagkakaloob ng pabor ng isang politiko o kawani ng pamahalaan sa isang kaibigan, o kasamahan
EPEKTO ng Demokratikong Elitismo sa Bansa
Kawalan ng representasyon dahil ang kapangyarihan ay nakatuon sa iilang mayayaman at edukadong tao.
Korupsiyon: Ang mga elite ay may kakayahang manipulahin ang mga proseso at institusyon upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan at impluwensya.
Pagkakaroon ng Patronage System at Political Dynasties
Pagkakaroon ng Social Inequality kung saan ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman habang ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap.
HAKBANG upang Malabanan ang Demokratikong Elitismo sa Bansa
Pagpapatupad ng mahigpit na batas na nagbabawal sa mga paboritismo at nepotismo sa pamahalaan
Pagpapalakas ng transparency at accountability
Pagpapalakas ng edukasyon na nagtuturo sa publiko tungkol sa mga epekto ng patronage at korupsiyon
Pagpapalakas ng media na nag-uulat tungkol sa mga isyu ng patronage at korupsiyon
Pagpapalakas ng mga institusyon ng pamahalaan na may tungkuling mag-imbestiga at mag-usig ng mga kaso ng korupsiyon
PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang sagot.
1.Paggamit ng halalan bilang bahagi ng demokrasya; kung sino ang manalo ang siyang may hawak ng kapangyarihan
2.Tumutukoy sa pagkakaloob ng pabor, na maaaring pagtaas sa katungkulan o pagtatalaga sa pamahalaan ng isang kawani, bunsod ng kaugnayan nito sa isang pulitiko.
3.Modelo ng demokrasya kung saan isang maliit na grupo lamang ng mga tao na karaniwang nagmumula sa mga mayayaman o nakapag-aral ang may kapangyarihan at impluwensiya sa mga desisyong politikal.
4.Pagkakaloob ng pabor ng isang politiko o kawani ng pamahalaan sa isang kaibigan, o kasamahan
5.Pagkakaloob ng pabor ng isang maimpluwensiyang pulitiko o kawani sa kamag-anak.
Mga Hamon ng Malawakang Katiwalian
Ang isyu ng KORUPSIYON o KATIWALIAN ay matagal nang balakid sa sinisikap na pagsasaayos ng pamamahala sa Pilipinas. Ayon sa isang pagsusuri (Nawaz, 2022), LAHAT ng uri ng korupsiyon mula simpleng panunuhol ay nagaganap sa Pilipinas.
Ang KORUPSIYON ay tumutukoy sa PANG-AABUSO ng kapangyarihang ipinagkatiwala sa isang indibidwal para sa sariling kapakinabangan upang makuha ang minimithing bagay sa pamamagitan ng hindi patas na paraan.
Ito ay may kinalaman sa hindi tamang paggamit ng mga pinagkukunang yaman, impluwensiya, at awtoridad ng mga indibidwal o pangkat na karaniwang nasa posisyon na sumasaklaw sa pampubliko at pampribadong sektor.
Noong Pebrero 1, 2022, itinala ng Transparency International's Corruption Perception Index (CPI) ang Pilipinas bilang ika - 116 sa iskor na 33 sa 180 bansa na tinatayang lebel ng korupsiyon sa pampublikong sektor sa daigdig.
Inihahayag ng Transparency International ang eskalang zero bilang "highly corrupt" at ang 100 naman bilang "very clean." Ibig sabihin, MATAAS pa rin ang kaso ng korupsiyon sa bansa.
Hinahadlangan ng KORUPSIYON ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ito rin ang nagiging sanhi ng kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaang makapagkaloob ng inaasahang kapakinabangang panlipunan at pang-ekonomiya.
Active ang panunuhol kung ito ay inialok bilang pangako o ibinigay kung ang isang indibidwal ay humiling o tumanggap nito.
Ang sumusunod ay ilan sa nagaganap na AKTIBONG PANUNUHOL:
Panunuhol upang makamit ang isang proyekto ng pamahalaan
Panunuhol upang mapabilis na maipagkaloob ang minimithing pondo
Panunuhol upang mapagkalooban ng malaki at mahalagang kontrata
Panunuhol upang mapadali ang pagproseso ng inspeksiyon
Panunuhol sa opisyal ng Bureau of Customs
Pagkakaloob ng hanapbuhay sa kamag-anak
Pagkakaloob ng mga sponsorship fee at panggastos sa pagbibiyahe
Ang passive na panunuhol o bribery ay nangyayari sa panahon ng pagganap ng tungkulin ng isang opisyal ng pamahalaan.
Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng PASSIVE NA PANUNUHOL:
Seguridad – suhol mula sa kriminal upang maganap ang pagnanakaw
Pagbili at pagkuha o purchasing at procurement – direktang paghingi ng “kickback”
Alokasyon ng produkto at serbisyo – pagpabor ng isang empleyado dahil sa suhol sa isang mamimili sa pamamagitan ng mas mabilis na pagkakaloob ng kailangan nito, sa halip na unahin ang mga naunang mamimili
Subastahan at tasahan sa pamahalaan – nagaganap kapag nagkakaroon ng anomalya sa public bidding, tulad ng nepotismo at cronyism
Mga BATAS na ipinatutupad upang tiyakin ang pananagutan ng mga magkakasala
• Anti-Graft and Corruption Practices of 1960
• Government Procurement Act of 2003
• Anti-Red Tape Act of 2007
Mga Hamon ng DIKTADURA
Ang panahon ng diktadura sa Pilipinas ay tumutugon sa panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Idineklara ni Marcos ang batas militar noong Setyembre 21, 1972 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081 at pinamahalaan ang bansa gamit ang awtoritaryan hanggang 1986.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malalim na epekto sa Pilipinas. Ito ay naging sanhi ng pagguho ng institusyong demokratiko sa bansa. Dahil sa isinuspinde ang Saligang Batas at pinawalang-bisa ang lehislatura, ang kapangyarihan ng bansa ay nalagay lamang sa kamay ni Marcos. Ito ay nauwi sa pagpigil ng mga karapatang sibil, pamamahayag, at pagsalungat sa pamahalaan.
Mga Hamon ng DIKTADURA
Kawalan ng Katatagang Politikal
Sa panahong ito, ang bansa ay humarap sa politikal na kaguluhan, alitan sa pagitan ng mga paksiyon sa pamahalaan, at armadong paghihimagsik. Dahil dito, idineklara ni Marcos ang batas militar upang maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Krisis Pang-ekonomiya
Naharap ang Pilipinas sa mga hamong pang-ekonomiya tulad ng mataas na implasyon, malaking utang, at kawalan ng katatagan ng salapi. Ang pagbagsak ng ekonomiya ay dulot ng maling pamamahala, labis na korupsiyon, at pagkakasangkot ng mga kapitalistang crony ni Marcos. Ang kanilang mga negosyo ay hindi nakaayon sa batas at patakaran, at napagkalooban pa ng pabor sa anyo ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis, na sana'y nakatulong sa ekonomiya at serbisyong panlipunan.
Papatatag ng Kapangyarihan
Hinangad ni Marcos na palakasin ang kanyang kapangyarihan at pahabain ang kanyang panunungkulan nang hindi naaayon sa Saligang Batas. Sa layuning ito, sinuspinde niya ang mga kalayaang sibil, binuwag ang Kongreso, pinatahimik ang oposisyon, at sinimulan ang pamamahalang awtoritaryan. Dahil dito, siya ay naging makapangyarihan na namumuno nang walang checks and balances at patuloy na nagpatupad ng mga batas na pabor sa kanyang administrasyon.
Noong panahon ito, patuloy na inilarawan ni Marcos ang kaniyang rehimen na nasa kaayusang demokratiko pa rin sa pamamagitan ng pagtatalaga ng halalan.
Ngunit tinatayang minanipula ang resulta upang matiyak ang kaniyang pananatili sa pamahalaan.
Nakilala ang 1986 snap presidential elections sa mga paratang ng malawakang pandaraya o panloloko at pagmamanipula ng resulta ng halalan.
Ang kasukdulan ng mga hamon ng diktadura ay tinapos ng EDSA People Power Revolution.
Ito ay isang mapayapang rebolusyon na sinamahan ng milyong Pilipino na sinuportahan ng mga kilalang opisyal ng militar na nakiisa sa pagtatapos ng rehimeng diktadura sa bansa.