Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya : Teoryang Austronesian Migration
Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya : Teoryang Austronesian Migration
Ang Teoryang Austronesian Migration ay nagpapaliwanag kung paano kumalat ang mga sinaunang tao mula sa rehiyon ng Timog Tsina at Taiwan patungo sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya at sa mga karatig na isla. Ayon sa teoryang ito, ang mga Austronesian ay bihasa sa paglalayag at paggamit ng bangka, kaya’t nakarating sila sa maraming pulo at nagdala ng kanilang wika, kultura, at teknolohiya. Sa pag-aaral ng teoryang ito, mas mauunawaan natin ang pinagmulan ng maraming pangkat-etnolingwistiko at kultura sa Timog-Silangang Asya, kabilang na ang Pilipinas.