Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa Pilipinas ng pangkapuluang Timog Silangang Asya
Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa Pilipinas ng pangkapuluang Timog Silangang Asya.
Bagamat hindi nagtagal si Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu, hindi ito naging dahilan upang hindi ituloy ng Espanya ang pagnanasang sakupin ang bansa.
Isinulong ni Philip II ang ekspedisyong Legazpi upang sakupin o gawing kolonya ang Pilipinas.
Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at paggamit ng dahas.
Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu noong Abril 27, 1565. Mula rito ay sinakop din ang iba pang lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa sa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya.
Ang GOBERNADOR ang siyang nangangasiwa sa pagtatalaga ng batas, pagbubuwis, at nagdedesisyon sa mga bagay na nakaaapekto sa kolonya.
Asimilasyon
Ang Pilipinas ay TUWIRANG PINAMAHALAAN ng mga Espanyol simula noong 1565. Gabay ng patakarang ASIMILASYON, ipinangaral ng mga misyonerong Espanyol ang kanilang relihiyon, sining, eskultura, pagpipinta, musika, at pati na pang-araw-araw na gawi at pamumuhay. Sa ganitong paraan, nakuhang mapangibabaw ng mga Espanyol ang kanilang lahi sa bansa. Ang mga Espanyol din ang umokupa sa matataas at mahahalagang posisyon sa simbahan at pamahalaan.
Sentralisadong Pamamahala
Dahil sa malayo ang Espanya, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng VICEROY o gobernador ng Mexico na noon ay kolonya rin ng Espanya. Ang VICEROY ay nanungkulan sa ngalan ng hari ng Espanya. Nang makamit naman ng Mexico ang kasarinlan noong 1821, inorganisa ng mga Espanyol ang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng GOBERNADOR-HENERAL na siya ring namuno sa ROYAL AUDIENCIA na siyang korte ng Espanya pati ng imperyo nito.
Pinailalim ang Pilipinas sa dalawang uri ng pamamahala: ang ALCALDIA na pinamunuan ng ALCALDE MAYOR at ang CORREGIMIENTO na pinamunuan ng CORREGIDOR.
Ang ALCALDIA ay para sa mga lugar na mapayapa na, habang ang CORREGIMIENTO ay sa mga lugar na kailangan pang patahimikin.
Upang mas mapadali ang pagsulong ng mga patakaran at mga batas ng Espanya, ibinukas nila sa mga TRADISYONAL NA PINUNO ang posisyon ng GOBERNADORCILLO at CABEZA DE BARANGAY. Binigyan sila ng mga PRIBILEHIYO AT KARAPATAN na sa kalaunan ay lumikha ng dibisyon sa pagitan ng mga tradisyonal na pinuno ng mga Pilipino at ng mga ordinaryong Pilipino.
Nawalan ang mga ordinaryong Pilipino ng mga namumuno na MANGANGALAGA ng kanilang kapakanan at MAGBUBUKLOD sa kanila upang maitaguyod ang kanilang mga mithiin at karapatan. Ito ay isang mahalagang dahilan kung bakit NAGTAGAL ang paghahari ng mga Espanyol sa Pilipinas ng higit sa tatlong daang taon.
Ngunit kahit nabigyan ng pagkakataon ng mga Espanyol ang mga tradisyonal na pinuno na makilahok sa pamahalaang kolonyal, hindi sila binigyan ng pagkakataon na UMANGAT sa mababa nilang puwesto. Bagama't naglilingkod ang mga ito para sa mga Espanyol, HINDI SILA TUNAY NA TINANGGAP ng mga Espanyol bilang kanilang kapantay.
Sinimulan din ng mga Espanyol ang sistemang REDUCCION at PLAZA COMPLEX kung saan ang mga katutubong naninirahan sa maliliit at magkakahiwalay na pamayanan ay sapilitang inilipat sa mga tirahang malapit sa simbahan, na naging mga bayan o población. Ito ay kanilang ginawa upang mapadali ang pamamahala sa mga katutubong pinagsama-sama sa pagbuong isang población kung saan dinig
TUGON NG MGA PILIPINO SA KAAYUSANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS
Dahil sa labis na paniniil ng mga Espanyol, pag-angkin sa mga lupain ng mga katutubo, at sapilitang pagpapaangkop sa relihiyong Katolisismo, ang mga Pilipino ay nag-alsa laban sa mga dayuhan. Ang mga pag-aalsang ito ay ibinunsod ng paghahangad na makalaya upang mapamahalaan ang sarili gayundin ng mithiing mapanatili ang nakagisnang kultura at gawi ng pamumuhay.
Pag-aalsa na pinamunuan ni Dagami
(1565) na naganap sa Leyte. Ito ang nagpasimula ng unang pagpapamalas ng hindi
pagsang-ayon ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
Pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy
(1649-1650) Ito ay naganap sa Palapag, hilagang Samar na ibinunsod din ng hindi makatarungang pagpapatupad ng sistemang polo y servicio, kung saan ang mga katutubo ay ipinadadala pa sa malalayong lugar tulad ng mga pagawaan ng barko sa Cavite at iba pang lugar.
Pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy
(1649-1650) Ito ay naganap sa Palapag, hilagang Samar na ibinunsod din ng hindi makatarungang pagpapatupad ng sistemang polo y servicio, kung saan ang mga katutubo ay ipinadadala pa sa malalayong lugar tulad ng mga pagawaan ng barko sa Cavite at iba pang lugar.
Pag-aalsa Laban saTributo
(1589) na naganap sa mga kasalukuyang lalawigan ng Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Ang mga katutubo ng rehiyon na binubuo ng mga Ilokano, Ibanag, at iba pa ay nag-alsa bunsod ng pang-aabuso sa pangongolekta ng hindi makatarungang buwis.
Pag-aalsa ni Palaris
(1762-1765) na pinamunuan ni Juan de la Cruz Palaris na kilala rin bilang Pantaleon Perez ng Binalotongan, Pangasinan. Ito ay naganap bilang protesta sa pagpataw ng tributo
sa mga katutubo.
Agraryong Pag-aalsa
(1745-1746) na naganap sa kasalukuyang CALABARZON (partikular sa Batangas, Laguna, at Cavite) at Bulacan kung saan inangkin ng mga Espanyol ang mga minanang lupain ng mga katutubo na nagsimula sa Lian at
Nasugbu, Batangas.
Pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ladia
(1643), isang Moro mula Borneo na itinuring ang sarili bilang isa sa angkan ni Lakandula. Si Pedro Ladia ay nanirahan sa Malolos noong 1643 at ikinagalit ang pang-aangkin ng mga Espanyol sa kaniyang lupain sa Malolos.
Pag-aaklas ni Tamblot
isang babaylan, sa Bohol. Ito ay kaagad ding ipinagbawal ng mga Espanyol.
Ang Babaylan ay indibidwal na may kakayahang mamagitan sa daigdig ng mga espiritu na may sariling gabay at kakayahang makapanggamot, manghula at makabatid ng hinaharap o pangyayari.
Pag-aalsa ni Bancao
(1621-1622), isang datu mula sa Carigara, Leyte. Ito ay pag-aalsa laban sa pagpupumilit ng mga Espanyol na mapabago ang pananalig ng mga mamamayan sa kanilang lugar.
Pag-aaklas ng mga Itneg
(1625-1627) na pinamunuan ni Miguel Lanab at Akabahan. Sila ay nagmula sa tribo ng Mandaya ng Capinatan, hilagang-kanluran ng Cagayan. Pareho silang bininyagang Katoliko ngunit labag ito sa kanilang kagustuhan.
Noong 1872 ang tatlong pari na sina Father Mariano Gomez, Father Jose Burgos, at Father Jacinto Zamora ay hinatulan ng kamatayan dahil sa kanilang ipinaglaban; ang pagkakapantay-pantay ng lahat sa harap ng Simbahan. Nagsilbi itong mitsa para sa mga pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
Bagama't dati nang nagkaroon ng ganitong mga pag-aalsa, ito ang naghudyat ng simula ng PAGKAKAISA ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
Sa pagkakataong ito, nahati ang hanay ng mga Pilipinong nagsulong ng PAGBABAGO.
Ang isang grupo ay ang mga REPORMISTA na naniwalang kaya pang mabago ang pamamalakad ng mga Espanyol sa pamamagitan ng MAPAYAPANG PARAAN.
Ang isa namang grupo ay ang mga REBOLUSYONARYO na naglayong wakasan ang paghahari ng Espanya sa Pilipinas gamit ang DAHAS KUNG KINAKAILANGAN.
Ang isa sa pinakatanyag na repormista ay si Jose Rizal. Malaki ang kanyang naiambag upang mamulat ang ng mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat na aklat, nobela, mga tula, at artikulo. Ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo ay dalawa sa pinakatanyag niyang nobela na naglantad ng kabulukan ng sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol at ang malawakang pang-aabuso at pang-aapi sa mga Pilipino.
Kasama ni Jose Rizal sina Graciano Lopez Jaena na tagapaglathala ng
La Solidaridad, si Marcelo H. Del Pilar at si Mariano Ponce.
Habang masigasig na isinulong ng mga propagandista ang kanilang mga layunin sa Espanya, nabuo naman ang hanay ng mga rebolusyonaryo sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Buo ang pananalig ni Bonifacio na hindi na sapat ang pakikiusap, pagninikluhod, at pagsusumamo para sa pagbabago.
Itinatag ni Andres Bonifacio ang KATIPUNAN (Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong 1892, isang lihim na samahang naglayong patalsikin ang mga Espanyol sa Pilipinas upang maitatag ang kasarinlan sa pamamagitan ng isang rebolusyon at makabuo ng isang republika. Naglathala ito ng sariling pahayagan, ang KALAYAAN upang palaganapin ang mithiin ng samahan.
Natuklasan ang samahan nang hindi inaasahan, at napilitan silang ilunsad ang rebolusyon noong 1896. Sa kasagsagan ng rebolusyon nahati sa dalawang paksiyon ang mga rebolusyonaryo. Sa isang panig ay ang Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez at sa kabilang panig naman ay ang Magdalo na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Emilio Aguinaldo.
Noong 1897 sa Tejeros Convention, binuwag ang Katipunan at nagtatag ang mga rebolusyonaryo ng isang republika at nahirang si Emilio Aguinaldo bilang pangulo.
Bagama't lokal at hiwa-hiwalay ang mga pag-aalsang ito, malinaw na naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang paglaban sa hindi makatarungang pamamalakad ng mga kolonyalistang Espanyol. Hindi man naging matagumpay ang mga pag-aalsang ito ay nagkaroon ito ng mahalagang bahagi sa paghubog ng kasaysayan ng bansa, at higit sa lahat sa diwa ng pakikipaglaban na hindi naglaon ay nagpaningas ng higit sa malawakanat matagumpay na kilusan para sa
noong ika-19 at ika-20 siglo.
Activity #3
Pamprosesong mga Tanong:
Isulat ang iyong sahot sa kwaderno.
Bakit hindi naging matagumpay ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol ?
Ano sa palagay mo ang naging kahalagahan ng mga pag-aalsang ito sa kasaysayan ng kasarinlan ng Pilipinas?