Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Dutch sa Indonesia
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Dutch sa Indonesia
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa Indonesia ng pangkapuluang Timog Silangang Asya
Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa Indonesia ng pangkapuluang Timog Silangang Asya.
Nagsimula ang Netherlands sa kanyang pakikipagsapalaran sa Asya sa pagbubukas ng ika-17 siglo. Naantala ang Netherlands sapagkat ang lahat ng kanyang panahon at atensyon ay nasa pakikibaka para sa kanyang KALAYAAN mula sa Spain. Nakamit ng Netherlands ang kanyang kalayaan noong 1648.
Dutch o Olandes ang tawag sa mga naninirahan sa Netherlands.
Ang itinuturing na bumuo ng imperyong Olandes sa Indonesia ay si Gobernador-Heneral Jan Pieterszoon Coen. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, natalo ng Dutch East India Company ang armada ng mga British at nahalinlan nila ang mga Portuguese sa Indonesia matapos ang maraming madugong labanan. Sa tagumpay na ito, naitatag ng mga Olandes ang kanilang kapangyarihan sa timog na bahagi ng Timog-Silangang Asya.
CULTIVATION SYSTEM
Sa sistemang ito, ang mga Dutch ang nagdedesisyon kung ANO AT GAANO KARAMI ang kailangang iprodyus ng mga magsasakang Javanese. Sa huli, ang bawat Javanese ay kailangang makapagtanim sa IKALIMANG BAHAGING SUKAT ng kanilang sakahan ng mga produktong kailangan ng mga Dutch sa loob ng 66 NA ARAW.
Ngunit sa pag-unlad ng pangangailangan ng Cash Crop na iniluluwas sa Europe, MAHIGIT pa sa ikalimang bahagi ng sakahan ang sapilitang pinatamnan ng mga Dutch at MAHIGIT din sa napag-usapang 66 na araw ang SAPILITANG PAGGAWANG ipinatupad sa mga magsasaka. Bukod pa sa mga ito, ang lahat ng kawalan o nalugi sa pagsasaka ay IPINATAW rin bilang responsabilidad sa mga magsasaka.
Ang walang patumangging pagsasamantala sa mga katutubong magsasaka ay naging sanhi ng KAGUTUMAN at paglaganap ng epidemyang CHOLERA noong 1840 sa gitnang Java at Cirebon sa hilagang-kanluran ng Java.
Dalawa ang layunin nito. Ang isa ay ang ipailalim ang buong kolonya ng Indonesia sa TUWIRANG PANGANGASIWA ng Kaharian ng Netherlands at turuan ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili.
Ang pangalawa ay ang pagpapalaganap ng papel ng mga lokal na elite na sumailalim sa EDUKASYONG KANLURAN sa pangangasiwa ng Indonesia (East Indies). Hindi nagtagal,
lalo nitong pinalawak ang agwat sa pagitan ng mga lokal na elite at ang kanilang kababayan na nasa mas mababang antas ng lipunan.
Activity #5
Piliin ang tamang sagot.
Pagnilayan:
Paano nagkakaiba ang patakaran sa pananakop ng mga Dutch at mga Espanyol?
Ipaliwanag kung paano naging pabigat ang cultivation system sa mga tao.
Maraming nagdusa sa pagpapahirap na naidulot ng mga patakarang kolonyal ng Dutch sa mga Indones. Tulad ng mga Pilipino, matapang ding hinarap ng mga katutubong Indones ang pananakop ng mga Dutch ngunit karaniwang HINDI nagtatagumpay ang kanilang mga pag-aalsa.