Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga British sa Malaysia
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga British sa Malaysia
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa Malaysia ng pangkapuluang Timog Silangang Asya
Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa Malaysia ng pangkapuluang Timog Silangang Asya.
Ang Imperyong British ang kinilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa kasaysayan ng daigdig.
Tulad ng mga Olandes, ang mga British ay nagtalaga rin ng kompanya na siyang namahala sa pagtatatag ng mga himpilang pangkalakalan sa Asya sa pamamagitan ng British East India Company.
Ang Great Britain ang lumilitaw na pinakamalakas na bansa sa Europa noong huling bahagi ng ika-17 dantaon dala ng pangunguna nito sa Industrial Revolution.
Noong 1824, nakuha ng Great Britain ang Malacca mula sa mga Olandes kapalit ng base sa Kanlurang Sumatra na okupado ng mga British.
Sa pagsisimula, iniwasan ng mga British na makialam sa mga estado ng Malay ngunit nabago ang sitwasyong ito nang maganap ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga aristokratang sultan na namumuno sa mga estado ng peninsula. Dahil sa hindi pagkakaunawaang ito, napinsala ang komersiyo sa lupain na naging sanhi ng pakikialam ng mga British.
Dahil na rin sa pagnanasa ng mga British sa yamang minahan ng tin sa Perak, na matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Malaysia, kinumbinsi ng mga British ang mga namumuno sa estado ng Perak na sumang-ayon na pangasiwaan ng mga British ang minahan. Dito nagsimula ang pakikialam ng mga British sa mga estado ng Malay.
Ginamit ng mga British ang pagkakataong nagkakagulo ang mga estadong Malay, na binubuo ng iba't ibang pangkat-etnikong naninirahan sa bansa, sa pagsasaayos ng komersiyo sa kabisera ng bansa. Divide and Rule ang tawag sa estratehiyang ito ng mga British.
Pormal na naging kolonya ng Britain ang Malaysia noong 1874 matapos makipagkasundo si Sultan Abdullah Perak sa mga ito upang matulungan siya laban sa kaniyang mga katunggali. Sa pagkakataong ito, nagsimulang makipagkasundo ang mga British sa bawat estadong Malay. Dito nagsimula ang pamamahalang PARLAMENTARYO ng mga British sa bansa.
PAMAHALAANG PARLAMENTARYO
Isang demokratikong pamahalaan kung saan ang partido na may pinakamalaki o malakas na representasyon ang siyang bubuo sa lehislatura ng pamahalaan at ang namumuno naman dito ang tatayong punong ministro o chancellor ng bansa. Nakapaloob sa pamahalaang ito ang prinsipyong pag-uugnayan para sa pagsasaayos ng lipunan.
Rubber
Orihinal na matatagpuan sa South America. Dinala ng mga British ang mga buto nito sa Malaysia upang pasimulan ang plantasyon ng rubber tree sa rehiyon.
Sa simula ng pakikipagkasunduan ng mga British sa mga sultan, ang mga British ay hindi pa mapanupil bagama't kontrolado na nila ang pangangasiwa ng pamahalaan. Nagawa nilang maipadama sa mga katutubong lokal na sila ay may katayuan at kapangyarihan sa pamahalaan.
Ang mga sultan ay tinawag nilang mga pinuno sa kabila ng katotohanang wala silang kapangyarihang mamuno. Kung kaya't ang prinsipyong nakapaloob sa pamahalaang parlamento na dapat sana ay pinangangasiwaan ng ehekutibo at lehislatibong sangay (na binubuo naman ng mga British residence sa Malaysia) ay hindi nadama ng mga Malay ng mga panahong ito.
Activity #6
Piliin ang tamang sagot.
Isa-isahin ang mga uri ng kaayusan na ginamit ng Great Britain upang mapailalim ang estado sa Malaya.
Tugon ng mga Malaysian sa Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga British
Anong estratehiya ang ginamit ng mga British upang maiwasan ang pagkakaroon ng pakikipaglaban sa mga Malayan?
Ano ang kaiba sa pagtugon ng mga Malayan sa pagtugon ng mga Pilipino at Indones sa pamamahala ng mga kolonyalista?
Ang mga naunag pakikipaglaban ng mga Pilipino at Indones sa mga Kanluranin ang nagtatag ng higit na pakikibaka upang matamo ng Pilipinas at Indonesia ang kasarinlan. Sa kabilang dako, hinubog naman ng impluwensiyang British ang nabuong pagkakakilanlan ng mga Malayan sa simula pa lang ng pagsisikap nitong makapagsarili.