Mga Pamamaraan ng Pagtamo ng KASARINLAN
ng mga Piling Bansa
Mga Pamamaraan ng Pagtamo ng KASARINLAN
ng mga Piling Bansa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naipaliliwanag ang pagtamo ng kasarinlan ng mga piling bansa sa Timog Silangang Asya
Nilalaman
B. Nasyonalismo at Pagtamo ng Kasarinlan ng mga Piling Bansa sa Timog Silangang Asya
1. Pilipinas
2. Burma
3. Indonesia
4. Vietnam
Lubos na naramdaman ang kalupitan ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil sa mga hindi makatarungang patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin sa mga lupain na kanilang sinakop.
Nagdulot ang mga patakarang ito ng paghihirap, kawalan ng dignidad at kalayaan, pagbabago ng kultura, at pagkakawatak-watak ng mga Asyano, na siyang nagbigay-daan sa pag-usbong ng damdaming NASYONALISMO rito.
PILIPINAS
https://sinaunangpanahon.com/the-philippines-from-spanish-colony-to-american-territory/
Ilustrado - pangkat na binuo ng mgaPilipinong elitista na nakapag-aral sa mga bansang Kanluranin
Nagsimulang sumibol ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino noon lamang huling bahagi ng ika-19 na dantaon nang buksan ng mga Espanyol ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan sa paghubog ng pangkat ng mga edukadong Pilipino na kung tawagin ay mga ilustrado.
Nang mapagbintangang nagpasimula ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872, sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora ay ipinabitay sila ng mga Espanyol.
Malaki ang naging impluwensiya ng pangyayaring ito sa sumunod na mga nasyonalistang Pilipino na pinangunahan ni Dr. Jose Rizal.
https://en.wikipedia.org/wiki/Propaganda_Movement
Si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga nagtatag ng Kilusang Propaganda na nasundan ng La Liga Filipina.
Sa pamamagitan ng pahayagang La Solidaridad, inihayag ng mga ilustrado ang hangad na paglikha ng reporma sa Pilipinas.
Isinulat din ni Dr. Jose Rizal ang katiwalian ng mga Espanyol.
Ang Noli Me Tangere
ay naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
Sa mapayapa at hindi tuwirang paraan, ang aklat na ito ay nakaimpluwensiya sa mga rebolusyong inilunsad ng mga Pilipino.
Samantala, ang El Filibusterismo naman ay isang nobelang pampolitika na nagpadama at gumising sa nag-aalab na hangarin ng mga Pilipinong matamo ang tunay na kalayaan.
facebook.com/photo/Trivia and Facts Philippines/𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗚𝗔𝗗 𝗟𝗔𝗪𝗜𝗡
Ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino ay mas lalo pang pinaalab ng
Unang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan.
Sama-samang pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula, ang papel na tanda ng kanilang pagka-alipin sa mga Espanyol.
facebook.com/photo/National Quincentennial Committee, Republic of the Philippines
Noong Hunyo 12, 1898, kaagad idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit ang inaasahang kalayaan para sa bansa ay naantala nang pormal na angkinin ng Estados Unidos ang Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa Paris.
Hindi kinilala ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang pag-angkin ng Estados Unidos sa kapuluan.
https://www.quora.com/What-was-the-Philippines-like-as-a-US-colony
Naganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano mula 1899 hanggang 1902.
https://www.facebook.com/photo/Maharlika Organization
Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang pagsisikap na mapagkalooban ng kasarinlan hanggang sa ito ay matapos sa pagkakabihag kay Heneral Emilio Aguinaldo noong Marso 23, 1901.
facebook.com/photo/UST History Society
Sa haba ng prosesong bureaucratic ng pamahalaang Amerikano, nagsuspetsa na ang mga Pilipino na pinagpapaliban lamang ng mga Amerikano ang pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas.
https://darthphilatelist.blogspot.com/2014/03/today-in-philippine-history-tydings.html
Nadama ng mga Pilipinong politiko at nasyonalista na habang nagaganap ang mahabang negosasyon ay pinagsasamantalahan na ng mga ito ang yamang likas ng kapuluan at patuloy na ginagamit ang bansa bilang base militar nito.
https://en.wikipedia.org/wiki/Manuel_L._Quezon#/media/File:Manuel_L._Quezon_(November_1942).jpg
Noong Nobyembre 1933, isinagawa ni Pangulong Manuel Quezon ang huling misyon para sa kasarinlan na naglayong makamit ang mas maayos na batas para sa Pilipinas. Sa pagkakataong ito, hindi rin siya naging matagumpay sa dahilang ang ipinagkaloob ng Estados Unidos na Tydings-McDuffie Act ay kinapalooban din ng mga probisyon tulad ng sa Hare-Hawes-Cutting Act, maliban sa paglalaan ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.
https://x.com/edhistoryph/status/1062872001038041088/photo/1
https://www.facebook.com/photo/Trivia and Facts Philippines
Noong 1935, itinatag ang Commonwealth ng Pilipinas matapos itong aprubahan ng Estados Unidos at si Manuel Quezon ay nahalal bilang unang pangulo ng bansa.
Noong Hulyo 4, 1946, ang Pilipinas ay napagkalooban na ng ganap na kasarinlan bilang Republika ng Pilipinas.
https://www.facebook.com/photo/Trivia and Facts Philippines
Mula 1946 hanggang 1962 ay ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan tuwing July 4.
Sa bisa ng Philippine Independence Act o Batas Tydings-McDuffie, nakamtan ng ating bansa ang ganap ng kalayaan na ating ipinaglalaban mula panahon ng Kastila noong July 4, 1946.
Noong May 12, 1962, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 28 ni Pangulong Diosdado Macapagal, inilipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan mula July 4 sa araw ng June 12, ang kalayaang idineklara ng mga Pilipino.
PANUTO :Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Kailan binitay ang GOMBURZA?
A.17 Nobyembre 1869
B.20 Enero 1870
C.17 Pebrero 1872
D.19 Setyembre 1874
2.Sa paanong paraan nakatulong ang La Solidaridad?
A.Humingi ng panlipunan at pampolitikang pagbabago
B.Ipinakilala ng mga repormista ang husay sa pagsulat
C.Napaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino sa Espanya
D.Hinimok ang mga Pilipino na maging prayle upang lumaya
3.Ano ang dahilan ng pagpunit ni Andres Bonifacio at ng mga Katipunero ng kanilang sedula?
A.Hindi na nila ito kailangan at dapat nang palitan.
B.Kasama ito sa mga dokumento ng Katipunan at ayaw ipabasa sa iba.
C.Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng Katipunan.
D.Upang maipakita na sisimulan na ang pakikipaglaban.
4.Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896?
A.Hindi malinaw ang layunin nito.
B.Kaunti ang bilang ng mga mamamayang Pilipino noon.
C.Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino.
D.Wala itong mahusay na pinuno.
5.Dahilan kung bakit ginusto ng mga Pilipino na magkaroon ng Malasariling Pamahalaan.
A.Para mapaalis ang mga Amerikano
B.Dahil sabik ang mga Pilipino sa kalayaan
C.Upang mapatunayan ang kanilang angking galing
D.Upang mapaghandaan ang pamamalakad sa sariling bansa
MAKABULUHANG PAGNINILAY
Wika ni dating Senador Claro M. Recto,
“Pinagyayaman ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kasaysayan ang nasyonalismo. Mahalagang malaman ang nakaraan upang magkaroon ng lubos na pang-unawa ang mga tao sa kasalukuyan sa mga kaisipan, gawa at pamumuhay ng mga tao noon.”
Sang-ayon ka ba sa kaniyang sinabi? Ipaliwanag ang sagot.
MYANMAR (BURMA)
Nang mga panahong nahahati na sa siyam na magkakahiwalay na lalawigan ang Burma, malinaw na hangad ng mga British na mapamahalaan ang mga Burmese sa estratehiyang divide and rule.
Dahil sa ramdam ng mga Burmese ang layon ng mga British, sinikap ng ilang samahan na mapag-isa ang mga pangkat-etnikong bumubuo sa bansa.
Itinatag ng mga Burmese ang Young Men's Buddhist Association na pinalitan ng kilusang General Council of Burmese Association noong 1900.
Ito ay upang makuha ang suporta ng magkakaibang aktibista, at pangkat etniko ng bansa para sa isang kilusang magbubuklod sa rebolusyonaryong mga Burmese laban sa mga dayuhang British.
http://bios.myanmar-institut.org/2018/10/21/174/
Ang lakas ng damdaming nasyonalismo ng mga Burmese ay naipahayag lamang noong dekada 30 sa pamumuno ni Saya San.
Tulad ng mga kabataang bumuo ng kilusang nasyonalismo sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya, pinamunuan din ng mga mag-aaral ang mga kilusang nasyonalismo sa bansa.
Ang unang kilusang ito ay ang kilusang Dobama Asiayone (We Burmese Association) na itinatag noong 1937 sa Yangoon, dating Rangoon, na pinakamalaking lungsod at dating kabisera ng Burma.
Pinamunuan ni Saya San ang rebelyon ng mga pesante laban sa pamahalaang British-Burmese noong Disyembre 22, 1930 hanggang sa madakip at mabitay si Saya San noong Nobyembre 16, 1931.
https://en.wikipedia.org/wiki/Aung_San
Politiko, aktibista, at rebolusyonaryong Burmese. Siya ay kinikilala sa mga titulong “Father of the Nation, “Father of Independence” at “Father of the Tatmadaw” o Hukbong Sandatahan ng Myanmar.
ipinag-utos ng mga British ang pag-aresto kay Aung San na nakatakas naman at nakahingi ng suporta sa pamahalaang Hapones.
Noong Disyembre 1941, kaagad na ipinahayag ni Aung San ang pagtatatag ng Burma Independence Army (BIA) na binuwag naman ng mga Hapones nang sakupin nila ang bansa.
Nang sumuko ang mga Hapones sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagawa namang makontrol muli ng mga British ang bansa.
Sa pagkakataong ito, si Aung San at ang kaniyang mga kasama ay inakusahan ng pagtataksil at kolaborasyon sa mga Hapones. Sa panahong ito, naitatag ang Anti-Fascist People's Freedom League (AFPFL) na naging pinakadominanteng samahang nasyonalista sa Burma mula 1945 hanggang 1958.
Noong 1946, naganap ang isang malakihang pag-aaklas ng mga pulis ng Burma hanggang sa ito ay magmistulang pambansang pag-aaklas. Pinayapa ng gobernador-heneral na si Sir Hubert Rance, politikong British, ang sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan kay Aung San upang kumbinsihin itong makiisa sa konseho ng gobernador kasama ang samahang AFPFL.
Dito nagsimula ang negosasyon para sa kasarinlan ng Burma noong Enero 27, 1947 sa pamamagitan ng Aung San-Attlee Agreement.
https://kachinlandnews.com/wp-content/uploads/2013/02/image.jpg
Ang kasunduang ito ay hindi naging kasiya-siya sa mga komunista at konserbatibong sangay ng AFPFL habang nagtagumpay naman si Aung San sa pakikipagkasundo sa mga minoryang etnikong pangkat para sa pag-iisa ng Burma sa Panglong Conference noong Pebrero 12, 1947.
Sa pagtatagumpay na ito, ang araw ng Pebrero 12 ay itinalaga bilang Araw ng Pagkakaisa sa Burma.
Noong Abril 1947, si Aung San ay inihalal bilang punong ministro ng British Crown Colony ng Burma.
Ito na sana ang magbibigay-daan sa pag-isa ng bansa ngunit noong Hulyo 19, 1947, si Aung San kasama ang ilang opisyal ng kaniyang gabinete ay pinaniniwalaang namatay sa isang ambush na kagagawan ng karibal niya sa politika.
Ang araw na ito ay ginugunita bilang Araw ng Kagitingan o Martyr's Day sa Burma.
Ang Burma Independence Act ay inaprubahan ng parlamento ng Britain noong Disyembre 10, 1947 at ang kasarinlan ay nakamit ng Burma noong Enero 4, 1948 sa pamumuno ni U Nu bilang punong Ministro ng Republika ng Burma.
PANUTO :Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Sa Timog-Silangang Asya, maraming mga nasyonalista ang kumilos upang mapalaya ang kanilang bansa sa imperyalismo ng mga kanluranin. Ano ang pagkilos na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar?
A.Nakipaglaban si Ho Chi Minh sa mga Tsino at British.
B.Sinimulan ni Diponegoro ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Dutch.
C.Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang labanan ang mga Espanyol.
D.Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British noong 1930-1932.
2.Kinilala bilang “Father of the Nation,” “Father of Independence,” at “Father of the Tatmadaw” o Hukbong Sandatahan ng Myanmar.
A.Saya San
B.Aung San
C.Sir Hubert Rance
D.U Nu
3.Sa kalagitnaan ng 1990s, nabuo ang grupo na "We Burmans Association". Tinatawag ang mga lider nito bilang "masters". Ano ang "masters" sa wikang Burmese?
A.Lugi
B.Pegu
C.Sayagi
D.Thakins
4.Noong 1947, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga lider ng Myanmar at ng pamahalaang Britanya na tinatawag na ‘__________' na nagbigay daan sa kalayaan ng Myanmar.
A.Aung San-Attlee Agreement
B.Kasunduan sa Paris
C.Kasunduan sa Geneva
D.Panglong Conference
5.Kailan opisyal na nakamit ng Myanmar ang kasarinlan mula sa Britanya?
A.Agosto 15, 1947
B.Disyembre 25, 1948
C.Enero 4, 1948
D.Pebrero 12, 1947
MAKABULUHANG PAGNINILAY
Sa iyong palagay, matagumpay kaya ang naging pagkakaisa ng Burma kung si Aung San ay hindi pinaslang at tuluyang naging pinuno ng bansa?
INDONESIA
Tulad ng naganap sa Pilipinas, ang mga kabataan mula sa Indonesia na nagtamo ng edukasyong European ang nagsimulang magtatag ng unang samahang nasyonalista sa bansa.
Sa pulo ng Java nag-ugat ang malalim na damdaming nasyonalismo ng mga Indonesian. Isa sa mga samahang naitatag ang Budi Utomo na nangangahulugang dakilang pagpupunyagi o glorious endeavor.
Layunin ng Budi Utomo na ibangon ang kalagayan ng mga magbubukid na Javanese. Si Wahidin Sudirohusodo, repormador ng edukasyon sa Indonesia, ang nagtatag ng samahang ito noong 1908.
Ang Sarekat Islam (Islamic Association) naman ang unang organisasyong Islamiko sa Indonesia. Ito ay itinatag ni Omar Said Tjokroaminoto, isang maimpluwensiyang lider na Indones, noong 1912. Layunin ng samahang ito ang pagkakaroon ng repormang pangkapayapaan at pangkabuhayan.
Ang Partai Komunis Indonesia (PKI) ay isang partidong komunista na itinatag noong 1914 ni Henk Sneevliet, isang Dutch socialist. Ang pangkat na ito ay naglunsad ng pag-aalsa ngunit nasawata rin ng pamahalaang Dutch. Bagama’t hindi nagtagumpay, nagbigay daan naman ito sa pagkakatatag ng bagong kilusan.
Noong 1926, itinatag ang samahang General Study Club na hindi naglaon ay naging Nationalist Party of Indonesia sa ilalim ng pamumuno ni Kusno Sosrodihardjo o Sukarno, lider ng kilusan para sa kalayaan ng Indonesia. Layon ng partido o kilusang ito na himukin ang mamamayang naninirahan sa mga pook urban na makiisa sa kilusan sa paghahangad ng kalayaan.
Bunsod ng pagtuligsa ni Sukarno sa mga kolonyalista, siya ay nabilanggo ng dalawang taon (1929-1931) sa Bandung at mahigit na walong taon na ipinatapon sa Flores at Sumatra (1933-1942).
Nang dumating ang mga Hapones sa Indonesia noong Marso 1942, malugod silang sinalubong ni Sukarno na isang politikong Indones. Dahil sa naipatapon ng walong taon sa Flores at Sumatra ng Indonesia, itinuring ni Sukarno ang mga Hapones bilang personal niyang tagapagpalaya.
Dahil sa pangyayaring ito, si Sukarno ang naging pangunahing tagapayo, tagapagpalaganap, at tagapangalap ng mga manggagawa at sundalo ng mga Hapones.
Bilang kapalit, iginiit niya sa mga Hapones ang pagkakaloob ng kasarinlan sa bansa.
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, iginiit ng mga kabataang radikal na ideklara ni Sukarno ang kasarinlan ng bansa na tinataya nilang ipinagkaloob naman ng mga Hapones.
Naganap ang proklamasyon ng kasarinlan ng bansa noong Agosto 17, 1945.
Ibig sabihin, ang Japan ang nagtalaga ng kalayaan sa Indonesia sa katwirang ang bansa ay kanilang nasakop noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Idineklara ng Central Indonesian National Committee si Sukarno bilang pangulo ng bansa at si Hatta bilang pangalawang pangulo.
Hindi rito natapos ang pagpupursigi ng mga Indones na makamit ang kasarinlan.
Noong 1946, kinilala ng United Nations ang pormal na pasabi ng Netherlands na ang Indonesia ay isa pa ring kolonya nito.
Naganap ang Indonesian War of Independence laban sa mga imperyalistang Dutch mula 1945 hanggang 1949.
Matibay na inilalarawan nito ang pagsisimula ng kilalang pambansang motto ng mga Indones na "Bhinekka Tunggal Ika" o “unity in diversity."
Ipinararating ng motto na ito na sa kabila ng maraming komposisyong etniko at etnolingguwistiko sa lipunan ng bansa, mararamdaman pa rin ang damdaming pagkakaisa o "Indonesianness" sa mga Indonesian.
Napilitang ilipat ng mga Dutch sa mga Indones ang kapangyarihan sa East Indies. Pormal na kinilala ng mga Dutch ang kasarinlan ng Indonesia noong Disyembre 27, 1949.
PANUTO :Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Java?
a.Pagkakaroon ng maraming turista
b.Pag-usbong ng edukasyon at kamalayan
c.Pagdami ng mga negosyo
d.Pagkakaroon ng mga modernong teknolohiya
2.Ano ang ibig sabihin ng "Budi Utomo?"
a.Dakilang Pagkakaisa
b.Dakilang Pagpupunyagi
c.Dakilang Pag-asa
d.Dakilang Pagmamahal
3.Ano ang layunin ng Sarekat Islam?
a.Pagkakaroon ng repormang pangkapayapaan at pangkabuhayan
b.Pagpapalaganap ng edukasyon
c.Pag-unlad ng teknolohiya
d.Pagpapalaganap ng kultura
4.Kailan naganap ang proklamasyon ng kasarinlan ng Indonesia?
a.Hunyo 17, 1945
b.Hulyo 17, 1945
c.Agosto 17, 1945
d.Setyembre 17, 1945
5.Ano ang pambansang motto ng mga Indones?
a."Bhinekka Tunggal Ika"
b."Unity is Strength"
c."One Nation, One People"
d."Together as One"
Ipaliwanag ang kahulugan ng motto na “unity in diversity” sa kaso ng pagtatamo ng kasarinlan ng mga Indones.
VIETNAM
Kaiba sa Myanmar ang naging sanhi ng pag-unlad ng nasyonalismo sa Vietnam. Ang kilusan laban sa mga Pranses ay unang nalinang sa industriyalisadong katimugang bahagi ng bansa.
Dalawang aspekto ng patakarang kolonyal ng mga Pranses ang nagpaunlad ng nasyonalismong Vietnamese.
Ito ay ang kawalan ng karapatang sibil ng mga katutubong Vietnamese at ang pagbubukod sa mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya ng bansa lalo na sa sektor ng industriya at kalakalan.
Sa panahong ito, ang lahat ng rubber plantation, minahan at industriya ay nasa kamay lamang ng mga Pranses. Dahil dito, walang sinumang katutubong middle class ang mayroong anumang ari-arian sa bansa.
Dahil sa kalagayang ito, itinatag ng mga Vietnamese ang kauna-unahang malakihang samahan ng mga rebolusyonaryong Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD) o ang Vietnamese Nationalist Party.
Ito ay naitatag noong 1927 na inorganisa batay sa Kuomintang o Nationalist Party ng China.
Nilayon ng samahang ito ang pagtatatag ng pamahalaang republican democratic na hindi napanghihimasukan ng mga dayuhan.
Noong Pebrero 9, 1930 ay naganap ang rebelyong Yen Bai mula sa garison ng Yen Bai, isang maliit na bayan sa hanggahan ng China.
Ito ay naganap matapos paulit-ulit na tanggihan ng mga Pranses na pagkalooban ang mga Vietnamese ng pagkakataong makiisa sa halalan ng mga opisyal ng pamahalaan.
Bago pa nakatalima ang iba pang Vietnamese sa buong bansa, ang pag-aalsa ay mabilis na tinapos ng mga Pranses.
Nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, higit na sama ng loob ang nadama ng mga Vietnamese bunga ng mahigpit na pamamahalang pangkabuhayan ng mga Pranses sa kanilang bansa.
Noong 1930, itinatag ni Ho Chi Minh ang Indochinese Communist Party upang mapag-isa ang lahat ng mga kilusang komunista sa ilalim ng League for the Independence of Vietnam na kilala bilang Viet Minh.
Layon ng partidong ito na maisulong at pagkalooban ng pantay-pantay na karapatan ang mga mamamayan lalo na sa larangan ng edukasyon at batas.
Nang muling tangkaing sakupin ng France ang Vietnam, nagsanib-puwersa ang mga nasyonalista at komunistang
Vietnamese upang labanan ang mga Pranses.
Sa labanang ito, natalo ang mga Pranses at napilitang lumagda sa Kasunduan sa Dien Bien Phu noong 1954.
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling iginiit ng mga Pranses ang kanilang pamamahalang kolonyal sa bansa ngunit ito ay nilabanan ng mga gerilyang rebolusyonaryong komunista na pinamunuan ni Ho Chi Minh.
Noong huling bahagi ng taong 1950, sinimulan ng mga Viet Cong, mga rebolusyonaryong komunista sa Timog Vietnam, ang pakikipaglaban sa mga puwersa na laban sa mga komunista sa Timog Vietnam.
Hindi naglaon, ang mga Viet Cong ay sinuportahan ng hukbong militar mula sa Hilagang Vietnam.
Bunsod ng pangyayaring ito, nagpadala ang Estados Unidos ng mga sandata at hukbo sa Timog Vietnam upang suportahan ang bansa sa pakikipaglaban sa komunismo.
Nagwakas ang digmaan nang magtagumpay ang mga komunistang Vietnamese na mapabagsak ang pamahalaan ng Timog Vietnam noong 1975.
Muling naging isa ang Vietnam sa ilalim ng mga KOMUNISTA.
PANUTO :Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Ano ang dalawang aspekto ng patakarang kolonyal ng mga Pranses na nagpaunlad ng nasyonalismong Vietnamese?
A.Pagbibigay ng karapatang sibil at pagsasama sa edukasyon
B.Pagbubukod sa edukasyon at pagbibigay ng karapatang sibil
C.Kawalan ng karapatang sibil at pagbubukod sa modernisasyon ng ekonomiya
D.Pagbibigay ng karapatang sibil at pagsasama sa modernisasyon ng ekonomiya
2.Ano ang layunin ng Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD)?
A.Pagtatatag ng pamahalaang komunista
B.Pagbibigay ng karapatang sibil sa mga Vietnamese
C.Pagsasama ng mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya
D.Pagtatatag ng pamahalaang republican democratic na hindi napanghihimasukan ng mga dayuhan
3.Ano ang naganap noong Pebrero 9, 1930?
A.Itinatag ang Viet Nam Quoc Dan Dang (VNQDD)
B.Naganap ang rebelyong Yen Bai
C.Itinatag ang Indochinese Communist Party
D.Lumagda sa Kasunduan sa Dien Bien Phu
4.Ano ang layunin ng Indochinese Communist Party?
A.Maisulong at pagkalooban ng pantay-pantay na karapatan ang mga mamamayan lalo na sa larangan ng edukasyon at batas
B.Pagtatatag ng pamahalaang republican democratic
C.Pagbibigay ng karapatang sibil sa mga Vietnamese
D.Pagsasama ng mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya
5.Ano ang nangyari noong 1954 sa ilalim ng Kasunduan sa Geneva?
A.Naganap ang rebelyong Yen Bai
B.Nahati ang Vietnam sa Demilitarized Zone o DMZ sa Hilaga at Timog Vietnam
C.Itinatag ang Indochinese Communist Party
D.Lumagda sa Kasunduan sa Dien Bien Phu
Ang pag-unlad ng NASYONALISMO sa Timog-Silangang Asya
ay nagbigay-daan sa higit na pagsisikap ng mga
Pilipino, Burmese, Indones at Vietnamese na isulong
ang kanilang hangaring makamit ang KASARINLAN
para sa kani-kanilang bansa.