KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan, patakaran, at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog-Silangang Asya.
Noong September 20, 1519 sinimulan ni Ferdinand Magellan ang paglalakbay upang tuklasin ang isla ng pampalasa, ang Maluku o Moluccas (na kasalukuyang bahagi ng Indonesia).
Tatlong tauhan ang pumalit bilang pinuno ng ekspedisyon matapos ang pagpanaw ni Magellan, : si Duarte Barbosa, na nasawi sa Cebu; si Juan Carvalho, na nag-utos wasakin ang barkong Concepcion at kalauna’y naalis sa pagkapinuno; at si Gonzalo Gomez de Espinosa.
Dalawang barko na lamang ang nagawang makarating sa Mollucas. Sa Ternate, Mollucas, naghiwalay ng landas sina Espinosa (kapitan ng barkong Trinidad) at Sebastian Elcano (kapitan ng barkong Victoria). Sinubukan maghanap ni Espinosa ng ruta pabalik sa Espanya ngunit sila’y nadakip ng mga Portugues.
Samantala, matagumpay na nakabalik sina Elcano sa katubigan ng Espanya noong September 6, 1522. Ang barkong Victoria, ang tanging barko ng Magellan-Elcano expedition na nagawang maikot ang mundo. Tanging 18 mula sa 245 na orihinal na tauhan ng ekspedisyon ang nagawang bumalik sa Espanya.
Ang Magellan-Elcano expedition ang siyang maituturing na kauna-unahang matagumpay na paglibot sa buong daigdig sa pamamagitan ng paglalayag (circumnavigation).
Paano nga ba nakarating sina Magellan sa Pilipinas?
Paano nakarating ang mga Europeo sa Timog-Silangang Asya?
Moluccas
Tinatawag ding Maluku
Kilala bilang Spice Island
Mataas ang paghahangad at pangangailangan ng mga Kanluranin sa mga pampalasa (nutmeg, cloves at mace, cinnamon, pepper)
Nais marating ng mga Kanluranin upang makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa
Halos kasinghalaga ang pampalasa ng ginto
Bakit maraming naghahangad na masakop ang Moluccas?
Bukod sa pampalasa sa mga pagkain, ang SPICES ay ginagamit din ng mga Kanluranin upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks at medisina.
ALAM NYO BA?
Bago ang pagtuklas at pananakop ay may ugnayan nang nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano.
Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinaka-tagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya.
Una, ang Hilagang Ruta, na nagsisimula
sa China at binabagtas ang mga disyerto
ng Samarkand at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa Lungsod ng Constantinople.
Pangalawa, ang Gitnang Ruta, mula sa India,
ang mga kalakal ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa Golpo ng Persia.
Mula rito ang mga kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga kamelyong naglalakbay patungo sa mga lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus.
At ang huli, ay ang Timog na Ruta
na nagsisimula sa India babagtasin
ang Karagatang Indian, babaybayin ang
Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa makarating sa Cairo o Alexandria sa Egypt.
Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman. Tanging mga Italyanong mangangalakal na lamang ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Asyano.
Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Ang pagnanais na makibahagi sa kalakalan ng spices ng Asya ang nagbunsod sa mga Europeo na galugarin ang mga karagatan at hanapin ang pinagmumulan ng mga pampalasa.
Nagsimula ang DAKILANG PANAHON NG EKSPLORASYON O ANG PANAHON NG PAGGALUGAD ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo noong ika-15 siglo. Ang eksplorasyong ito ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig.
MGA GINAMIT NOONG PANAHON NG EKSPLORASYON
Nagbibigay ng
tamang direksyon
Kagamitan upang masukat
ang anggulo sa pagitan ng dinaraanan at ng kalangitan
Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa heograpikal na katangian ng mga lugar
Kagamitan upang malaman ang latitude o layo ng barko pahilaga o patimog mula sa equator
Makitid at mahabang bapor na nagtataglay ng triyanggulo at lateen na layag
Mga Bansang Nanguna sa Eksplorasyon
Sa tulong ng mapa at watawat, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa ekplorasyon.
Activity #1
Pamprosesong mga Tanong:
Isulat ang iyong sahot sa kwaderno.
Bakit mahalaga ang pagkakatuklas sa mga bagong lupain?
Paano nakatulong ang mga manlalayag sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?
Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit?
Ang EKSPLORASYON ay nagbigay daan sa KOLONYALISMO.
Ang KOLONYALISMO ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Tatlong bagay (3 G’s) ang itinuturing na motibo para sa
KOLONYALISMONG DULOT NG EKSPLORASYON:
1.pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God)
2.paghahanap ng kayamanan (Gold); at
3.paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory).
TUNAY NA MOTIBO SA PAGPUNTA NG MGA EUROPEO SA ASYA
Sa pagsusuri, nakita na ang pangunahing layunin sa pagsikap makapunta ng mga Europeo sa Asya ay pang-ekonomiya. Kung nagpalaganap man sila ng relihiyon, ito ay pumapangalawang layunin lamang.
Ang pagtuklas ng mga Europeo ng daan papuntang Silangan na dumadaan sa Kanluran ay nagbigay-daan para manakop sila ng mga teritoryo sa Asya na una nilang natuklasan. Nagawa nila ito sapagkat mas superyor ang kanilang mga armas, gaya ng kanyon at baril kaya’t kahit sila ay kakaunti, kayang-kaya nilang manlupig ng maraming katutubo.
Sa sandaling masakop ang isang lugar, ito ay itinuturing na kolonya ng Europeong bansa na sumakop dito. Mahalaga para sa Europeo ang mga kolonya bilang mapagkukunan ng kayamanan.
Nagkaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ng mga bansa sa paramihan ng KOLONYA.
Isang PATAKARAN ng isang BANSA na MAMAMAHALA ng mga SINAKOP upang MAKAGAMIT ng LIKAS NA YAMAN ng mga SINAKOP para sa SARILING INTERES.
nagmula sa salitang latin na “COLONUS” na ang ibig sabihin ay MAGSASAKA
Kadalasan, ang una nilang ginagawa ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na nila ang loob ay saka nila isasakatuparan ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan at pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng kolonya, magtatatag ng pamahalaang kolonyal at magtatakda ng paniningil ng buwis at magsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop.
Sa madaling salita, ito ang PAGSAKOP sa isang bansa at pagkaroon ng kapangyarihang politikal sa lugar na ito. Ang tawag sa bansang sinakop ay KOLONYA. Ang tawag sa mananakop ay KOLONYALISTA.
MGA LAYUNIN NG KOLONYALISMO
Ito ay isang SISTEMA ng PANANAKOP kung saan ang isang MAKAPANGYARIHANG ESTADO ay SAPILITANG KINOKONTROL ang MAS MALILIIT at MAHIHINANG ESTADO.
Nagmula sa salitang latin na “IMPERIUM” na ang ibig sabihin ay COMMAND. Nagsimulang gamitin sa panahon ng Imperyong Roma. Nangangahulugan ng DOMINASYON ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong PULITIKAL, PANGKABUHAYAN at KULTURAL na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging PANDAIGDIGANG MAKAPANGYARIHAN.
Upang maituring na isang makapangyarihang estado ay kinakailangang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural.
Ang POKUS NG PANANAKOP ay makontrol ang POLITIKAL at EKONOMIKAL NA INSTITUSYON ng mas mahihinang bansa, dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo.
Magkakaiba ang pangkat-kultural ng mga mamamayan sa isang imperyo. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan.
Ang pagkakaiba-iba ng mga ito ay nagiging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at dahilan naman para sa MAS MAKAPANGYARIHANG PANGKAT upang makontrol ang mas mahihina sa kanila.
IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang bansa sa mga bansang kanilang nasakop:
KOLONYALISMO ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan.
PROTEKTORADO na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit KONTROLADO ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa ay makasisiguro ng PROTEKSIYON mula sa mas malakas na bansa.
ECONOMIC IMPERIALISM kung saan kontrolado ng mga pribadoong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa.
SPHERE OF INFLUENCE ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin.
CONCESSION ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes.
Ang EXTRA-TERRITORIALITY ay kasunduan sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa mga piling teritoryo na kabilang sa concession.
DALAWANG PARAAN ng mga mananakop upang ipakita ang pagpapasunod nila sa mga bansang kanilang nasakop:
Ang TUWIRAN o DIRECT CONTROL ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng mananakop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan ng mga mananakop. Dahil KOTROLADO ang POLITIKA ng mahinang bansa ay nakontrol na rin ng mananakop ang EKONOMIYA nito. Maging ang KULTURA ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop.
Ang DI-TUWIRAN o INDIRECT CONTROLay pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may LIMITADONG KAPANGYARIHAN at ang HULING DESISYON ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga LOKAL NA PANINIWALA ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa dayuhan.