Kahulugan ng NASYONALISMO, KASARINLAN, at PAGKABANSA
Kahulugan ng NASYONALISMO, KASARINLAN, at PAGKABANSA
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naipaliliwanag ang sumusunod na konsepto:
A. Nasyonalismo
B. Kasarinlan
C. Pagkabansa
Sa loob ng daang taon ay nakaranas ng pananakop ng mga taga-Kanluranin ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Iba-iba man ang kanilang naging mananakop ay malaki ang pagkakatulad ng kanilang mga karanasan. Malimit na ang mga patakarang kolonyal ay pabor sa mga Kanluranin, dahilan upang sila lamang ang umunlad at maabuso ang kanilang mga sinakop.
Ito ay tumutugon sa malakas o matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling nasyon o estado na karaniwang may kasamang paniniwala sa kahigitan o kaibahan ng sariling nasyon sa iba. Ito rin ay tumutukoy sa matibay na ugnayan ng isang pangkat ng taong may iisang kasaysayan, wika, relihiyon, at kultura.
Elementong Bumubuo sa Ideya ng Nasyonalismo
Kahalagahan ng Nasyonalismo
Ang damdaming nasyonalismo ay nahuhubog sa kalooban ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pagkakalantad nito sa pambansang awit, pambansang bandila, at mga pambansang lugar na may kinalaman sa mahahalagang kasaysayan ng bansa. Mahalaga ang pagtatamo ng damdaming nasyonalismo.
Ito ay bunsod ng sumusunod na dahilan:
Iginigiit ng mga paniniwala at kilusang nasyonalismo na ang estado at bansa ay kinakailangang magkasama sa ideyang nasyonalismo.
Uri ng NASYONALISMO
PAGKAKAIBA ng Makabayan at Nasyonalismo
Alin sa palagay mo ang nakahihigit o may mas malalim na pagmamalasakit sa bansa:
ang makabayan o ang nasyonalista?
Bakit? Patunayan.
KONSEPTO NG KASARINLAN
Ang kasarinlan ay tumutugon sa kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at malaya mula sa anumang impluwensiya o panghihimasok ng ibang bansa. Ibig sabihin, ang kasarinlan ay tumutugon sa kalayaan mula sa pagkontrol, pag-impluwensiya, at pagsuporta ng ibang bansa.
Activity #1
Word Hunt
Panuto: Hanapin sa loob ng grid ang mga salitang nakalista sa ibaba. Maaaring nakatago ang mga ito pahalang, patayo, pahilis, o paurong.
Matapos magising at mamulat sa kaisipang nasyonalismo, ipinagpatuloy ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa ilalim ng mga mananakop ang kanilang pagsisikap na makalaya at makamtan ang ganap na kasarinlan.