Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga AMERIKANO sa Pilipinas
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga AMERIKANO sa Pilipinas
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa Pilipinas ng pangkapuluang Timog Silangang Asya
Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa Pilipinas ng pangkapuluang Timog Silangang Asya.
Matapos ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taong (333) pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino, ang Pilipinas ay muling napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang bansa – ang Estados Unidos.
Nilagdaan ng mga Amerikano at Espanyol ang Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898 na nagsalin ng pamamahala ng Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang $20 milyon.
Dalawang uri ng patakaran ang ipinatupad ng United States sa bansa. Ang isa, ang patakaran ng pasipikasyon at ang ikalawa ay ang patakaran ng asimilasyon.
Tulad ng Espanya, kinailangan ng mga Amerikano na mapatahimik ang bansa sa ilalim ng kanilang kapangyarihan. Kaya naman ang una nilang itinatag ay isang pamahalaang militar.
Nagpatupad sila ng iba't ibang batas upang supilin ang mga grupong tumangging tanggapin ang mga bagong kolonyalista. Pinasimulan ng mga Amerikano ang pacification campaign, na sa katotohanan ay digmaang kolonyal.
Sedition Act (1901)
Sa batas na ito, ipinagbawal ang ekspresyon ng suporta para sa kalayaan, kasarinlan, o pagsasarili ng Pilipinas. Higit sa lahat, ipinagbawal ang paghahayag ng saloobin ng isang Pilipino laban sa Estados Unidos.
Brigandage Act (1902)
Sa batas na ito, ang mga Pilipino ay pinagbawalang bumuo ng samahan o kilusang makabayan. Ang sinumang magpakita ng paglaban sa pamahalaang Amerikano ay itinuring na isang bandido o tulisan.
Flag Law (1907)
Nagbawal sa pagpapakita ng anumang bandila, sagisag, o device para sa pagsulong ng rebelyon o pag-aaklas laban sa United States.
Ang patakaran ng makataong asimilasyon o benevolent assimilation ay isinagawa naman sa pamamagitan ng pagtatatag ng sistema ng edukasyong pampubliko sa buong kapuluan.
Gamit ang mga ideyang "Manifest destiny" at "White man's burden," ipinalaganap ng
Estados Unidos na ito ay itinadhana ng Diyos na magmumulat sa mga tao na kabilang sa mga kabihasnan sa labas ng kanilang hangganan.
Gamit ang wikang Ingles bilang wika ng pagtuturo, unti-unting nabago ang pananaw at kamalayan ng mga Pilipino. Ang mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng curriculum na ipinatupad at mga aklat na ginamit ang naging daluyan ng mga kaisipang nagturo sa mga Pilipino na tangkilikin ang pamamahala ng mga Amerikano
at tanggapin sila bilang kakampi at kaagapay sa pag-unlad.
Pinagtibay rin ang Pensionado Act na nagbigay ng iskolarsip sa mga Pilipino para makapag-aral sa United States. Marami sa mga naging Pensionado ay nagmula sa naghaharing uri na sa kalaunan ay nagpalawak sa agwat sa pagitan nila at ng mas nakararaming Pilipino. Sila rin ang nakipagtulungan sa mga Amerikano sa pamamalakad sa Pilipinas at nakasamsam ng kayamanan bunga ng kanilang mga posisyon at mga pribilehiyong nakamtan.
Hindi naglaon, ang pacification campaign ay kinilala na bilang policy of attraction na idinisenyo upang maakit ang mga pangkat elitista at iba pang Pilipino na makiisa
sa pamahalaang Amerikano.
Pumayag ang Kongreso ng Estados Unidos na palitan ang Pamahalaang Militar at gawin itong Pamahalaang Sibil dahil nais nilang makuha ang kalooban ng mga Pilipino. Noong Hulyo 4, 1901, itinatag ng Philippine Commission, na pinamunuan ni William Howard Taft, ang pamahalaang sibil sa Pilipinas.
Ito ang pagsisimula ng pamamahalang modelong bureaucratic ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Ang pamahalaang bureaucratic ay tumutukoy sa pamamahala ng hindi halal na opisyal o pangkat ng mga opisyal ng pamahalaan na may matatag o pirmihang tungkulin.
Nang maitatag ang Philippine Assembly, ito ang nagsilbing lower house o mababang kapulungan at ang Philippine Commission naman ang nagsilbing mataas na kapulungan ng sangay lehislatibo mula 1907 hanggang 1916.
Noong 1916, sa bisa ng Spooner Amendment, ang lehislatura ng pamahalaang Pilipinas ay pinamahalaan na ng mga Pilipino. Ito ay binuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa pagkakataong ito, si Manuel Quezon ay nahalal na pangulo ng senado at si Sergio Osmeña naman ay nahalal bilang tagapagsalita ng kapulungan o speaker of the house.
Sa kabila ng umunlad na partisipasyon ng mga Pilipino sa pamahalaang sibil, ang gobernador-heneral na Amerikano pa rin ang makapangyarihan sa likod ng pamahalaan. Ang gobernador-heneral, kasama ang pangulo ng Estados Unidos, ay may kapangyarihang mag-veto o ipawalang-bisa ang anumang batas na ipinapasa ng lehislaturang Pilipino.
Maaari ring ipawalang-bisa ng Kataas-taasang Korte Suprema ng Estados Unidos ang anumang desisyon ng Kataas-taasang Korte Suprema ng Pilipinas. Higit sa lahat, kontrolado rin ng Kongreso ng Estados Unidos ang kalakalan ng Pilipinas. Ito ay patunay na mabagal ang proseso sa modelong bureaucratic na ginamit ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Activity #4
Piliin ang tamang sagot.
Tugon ng mga Pilipino sa Kaayusang Kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas
Noong Hunyo 12, 1898, kaagad idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit ang inaasahang kalayaan para sa bansa ay naantala nang pormal na angkinin ng Estados Unidos ang Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa Paris. Ngunit, hindi kinilala ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang pag-angkin ng Estados Unidos sa kapuluan.
Noong Enero 22, 1899, ipinroklama ng asamblea ng Kongreso sa Malolos ang Unang Republika ng Pilipinas, na kinilala bilang rebolusyonaryong kongreso. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang naging pangulo ng pamahalaang ito. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa kanilang paghihimagsik para sa tunay na kalayaan ng bansa at sa pagkakataong ito ay laban sa panibagong mananakop, na mga Amerikano.
Naganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano mula 1899 - 1902. Ang pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano ay inihudyat ng unang putok na naganap sa panulukan ng Silencio at Sociego Sta Mesa noong Pebrero 4, 1899. Nang sumunod na araw, ipinag-utos ni Heneral Arthur MacArthur Jr. (ama ni Douglas MacArthur) na tapatan ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa labanan.
Nagsimula ang labanan mula San Juan hanggang Pasig at iba pang kalapit na pook at sa loob lamang ng ilang araw, napasok na ng mga Amerikano ang Guadalupe, Pateros, Marikina, at Caloocan. Matapos ito, ang labanan ng mga Pilipino at Amerikano ay naganap na sa maraming bahagi ng bansa. Ang Labanan sa Maynila ay pinamunuan ni Heneral Antonio Luna, ang kinilalang may pinakakakayahang kumander ng hukbong Pilipino. Matapos ang labanan sa Maynila, nagsimula nang habulin ng mga Amerikano si Aguinaldo.
Noong Marso 31, 1899, hinabol ni Heneral Arthur MacArthur Jr. si Aguinaldo sa Malolos, ngunit hindi na niya dinatnan ang pangkat ni Aguinaldo na nakalikas na patungong Bayambang, Pangasinan. Ito ang nagtakda ng pagbagsak ng Kongreso ng Malolos. Noong Nobyembre 1899, ang pamahalaang Pilipino ay lumikas pahilaga at patuloy na naghimagsik laban sa mga Amerikano. Sa pagkakataong ito, ginamit ng mga Pilipino ang estratehiyang gerilya sa pakikipaglaban. Bunga ng malalakas na sandata ng mga dayuhan at sa tulong ng Macabebe Scouts, ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang pagsisikap na mapagkalooban ng kasarinlan hanggang sa ito ay matapos sa pagkakabihag kay Heneral Emilio Aguinaldo noong Marso 23, 1901.
Pamprosesong mga Tanong:
Isulat ang iyong sahot sa kwaderno.
1.Ano ang nais ipadama ng mga Amerikano sa liham?
2.Naging tapat ba ang mga Amerikano sa kanilang inihayag? Bakit?