Pamamaraan at Patakarang Kolonyal
ng mga Pranses sa Cambodia
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal
ng mga Pranses sa Cambodia
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa Cambodia ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya.
Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa Cambodia ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya.
Naipit din sa tunggalian ng Siam at Vietnam ang Cambodia (Siamese-Vietnamese War, 1841-1845) na nagdulot ng pagpapatupad ng maraming mga patakarang Siamese at Vietnamese sa bansa.
Sa kabila nito, sinikap pa rin ng Cambodia na ipaglaban ang soberaniya nito at magkamit ng kalayaan sa pamumuno ni Ang Duong (r. 1848-1860).
Para tuluyang maisalba ang Cambodia, sinikap ni Ang Duong na KUHANIN ANG SUPORTA ng mga Europeo, katulad ng mga British, para hindi ganap na masakop ng Siam o Vietnam.
Namatay si Ang Duong noong 1860. Ipinagpatuloy ni Norodom I (r. 1860-1904), panganay na anak ni Ang Duong ang nasimulan ng kanyang ama.
Sa simula, ang Indochina ay binubuo lamang ng ilang malalayang estado. Di naglaon, ito ay pinag-isa ni Emperador Gia Long, isang prinsipeng Annamese sa tulong ng mga Pranses.
Ang pagkamatay ni Gia Long noong 1820 ay nagdulot ng kaguluhan sa bansa. Ang mga pinunong sumunod sa kanya ay nagpasimula ng kampanyang laban sa mga dayuhan na naging sanhi ng pagpatay sa mga misyonero at tagapayong Pranses.
Kasabay ng gradwal na pagkontrol sa ekonomiya ng bansa, kinontrol din ng mga Pranses ang administrasyon ng pamahalaan nito. Nang mga panahong ito, REPRESENTATIVE COLONIAL ang pinairal na pamahalaan ng mga Pranses.
Bagama’t kontrolado ng mga Pranses ang bansa, hinayaan ng mga Pranses na ipagpatuloy ng MONARKA ang kaniyang NABAWASANG KAPANGYARIHAN.
Activity #7
Piliin ang tamang sagot sa loob ng asul na kahon.
Kung ikaw ang nasa katayuan nina Ang Duong at Norodom I, gagawin mo rin ba ang kanilang naging estratehiya para mapanatili ang kaharian ng Cambodia?
Papasok ka rin ba sa kasunduan kasama ang mga Pranses? Bakit oo o bakit hindi?
Tugon ng mga Cambodian sa Pamahalaang Pranses
PAGNILAYAN:
Mula Pilipinas man hanggang Cambodia, bakit maraming pag-aalsa noong panahon ng kolonyal ang nagsisimula dahil sa buwis?
Napanatili ng Cambodia ang kanyang maharlikang pamilya noong panahon ng kolonyalismo, ngunit ang mga Pranses ang may tunay na kapangyarihan pagdating sa politika, panlabas na ugnayan, kahit na sa mga imprastruktura
at likas na yaman.