Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot.
1. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop ng Timog-Silangang Asya?
A. Pagsugpo sa kalakalan
B. Pagpapalaganap ng industriyalisasyon
C. Pagkuha ng likas na yaman tulad ng pampalasa
D. Pagpapalakas ng lokal na pamahalaan
2. Ano ang tinutukoy sa “3G’s” na dahilan ng kolonyalismo?
A. Gahum, Ganda, Ginto
B. Ginto, Gloria, God
C. Glory, Gold, God
D. Glorya, Gahaman, Gulo
3. Anong aspeto ng pananakop ang tumutukoy sa pagpapalawak ng relihiyong Kristiyanismo?
A. Gold
B. Government
C. Glory
D. God
4. Aling bansa ang unang nakarating sa Asya upang maghanap ng bagong rutang pangkalakalan?
A. Britain
B. Netherlands
C. Portugal
D. France
5. Ang mga bansang Kanluranin ay nagnanais ng spices mula sa:
A. Latin America
B. Middle East
C. Timog-Silangang Asya
D. Africa
6. Ano ang naging epekto ng Treaty of Tordesillas sa mga bansang Europeo?
A. Pagkakaroon ng kapayapaan sa Europa
B. Pagkakahati ng daigdig sa pagitan ng Spain at Portugal
C. Pagbabawal ng kalakalan sa Asya
D. Pagwawakas ng imperyalismo
7. Aling bansa ang mas aktibo sa ikalawang yugto ng imperyalismo?
A. Spain
B. Belgium
C. Portugal
D. Ottoman Empire
8. Ano ang pagkakatulad ng unang at ikalawang yugto ng imperyalismo?
A. Parehong ginamitan ng tren at radio
B. Parehong may layuning industriyal
C. Parehong nagsagawa ng kolonisasyon
D. Parehong nangyari noong ika-20 siglo
9. Bakit mahalagang pag-aralan ang imperyalismo?
A. Para makalimot sa kasaysayan
B. Para gumaling sa Math
C. Para maiwasan ang pananamantala muli
D. Para sumuporta sa ibang bansa
10. Paano nakatulong ang teknolohiya sa ikalawang yugto ng imperyalismo?
A. Pinabilis ang komunikasyon at transportasyon
B. Mas naging madali ang pag-aaral ng wika
C. Pinataas ang paniniwala sa relihiyon
D. Nabawasan ang kompetisyon sa lupa
11. Alin sa sumusunod ang HINDI pangunahing layunin ng mga bansang Europeo sa pananakop ng Timog-Silangang Asya?
A. Pagpapalawak ng teritoryo
B. Pagpapalaganap ng relihiyon
C. Pagtulong sa lokal na pamahalaan
D. Paghahanap ng yamang likas
12. Ano ang ibig sabihin ng patakarang “Reducción”?
A. Pag-alis sa mga katutubo sa kanilang tahanan
B. Pagtuturo ng edukasyon
C. Pagpapalaganap ng Muslim na relihiyon
D. Pagbibigay ng lupain sa katutubo
13. Paano nakaapekto ang patakarang ekonomiko ng mga Dutch sa mga mamamayang Indones?
A. Nagkaroon sila ng pagkakataong magnegosyo sa Europe
B. Napilitang magtanim ng pananim para sa mga Dutch
C. Nakapagtayo sila ng sariling pamahalaan
D. Naging makabago ang kanilang teknolohiya
14. Paano nagkaiba ang pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas at ng British sa Malaysia?
A. Ang Espanyol ay hindi ginamit ang relihiyon bilang kasangkapan
B. Ang British ay direktang namuno sa mga lokal
C. Ang Espanyol ay mas pinairal ang edukasyon kaysa relihiyon
D. Ang British ay gumamit ng mga lokal na pinuno upang mamahala
15. Alin sa mga sumusunod ang patakarang ginamit ng British upang kontrolin ang Malaysia nang hindi direktang namumuno?
A. Divide and Rule
B. Encomienda
C. Direct Rule
D. Indirect Rule
16. Bakit masasabi nating ang paggamit ng wikang Ingles noong panahon ng Amerikano ay anyo ng pakikibagay?
A. Dahil ito ay sapilitang ipinatupad
B. Dahil ginamit ito upang mapanatili ang kulturang Pilipino
C. Dahil pinilit ng mga Pilipino na tanggihan ito
D. Dahil tinanggap ito bilang paraan ng pagkatuto at pakikipagkomunikasyon
17. Bakit maituturing na isang estratehikong pagtutol ang ginawang pakikipaglaban ng Aceh sa Dutch?
A. Dahil ginamit nila ang tulong ng mga Amerikanong sundalo.
B. Dahil tumagal ang digmaan nang higit 30 taon.
C. Dahil ang Aceh ay may pinakamaraming kalaban sa Indonesia.
D. Dahil sumuko agad ang Aceh sa Dutch.
18. Alin sa mga sumusunod ang estratehiya ng mga Malay na nagpapakita ng tahimik ngunit matalinong pagtugon sa kolonisasyon?
A. Pagpapabagsak ng mga pamahalaang British
B. Pagbuo ng mga mapayapang kasunduan sa pagitan ng Sultan at ng British
C. Pagtayo ng armadong hukbo sa kabundukan
D. Pag-alis ng mga dayuhang relihiyon
19. Alin sa sumusunod ang hindi karaniwang naging anyo ng pakikibaka sa mga bansang ito?
A. Armadong rebolusyon
B. Edukasyong kolonyal
C. Mapayapang negosasyon
D. Kooperasyon sa pananakop
20. Ano ang layunin ng mga kilusang nasyonalista sa Pilipinas, Indonesia, at Malaysia noong panahon ng kolonyalismo?
A. Maging bahagi ng mga bansang mananakop
B. Magsimula ng bagong relihiyon
C. Magtamo ng kalayaan at sariling pamahalaan
D. Magpalawak ng teritoryo sa Asya
21. Ano ang epekto ng pangangamkam ng lupa ng mga Pranses sa mga Cambodian?
A. Dumami ang may-ari ng lupa sa mga kmunidad
B. Nawalan ng kontrol sa lupa ang maraming mamamayan
C. Lalong yumaman ang mga magsasaka
D. Umusbong ang industriyang agricultural ng mga Cambodian
22. Ano ang naging epekto ng pag-alis ng hari at Buddhist monks sa gobyerno noong panahon ng kolonyalismong Briton?
A. Lumakas ang paggalang sa mga dayuhan
B. Nawalan ng simbolo ng pambansang pagkakakilanlan ang mga Burmese
C. Tumaas ang bilang ng mga Buddhist schools
D. Naitatag ang matibay na demokrasya
23. Paano ipinakita ng mga Pranses ang kontrol sa isipan ng mga mag-aaral?
A. Sa pamamagitan ng pag-aarmas sa kanila
B. Sa pagbibigay ng libreng pagkain
C. Sa paggamit ng sariling kasaysayan sa mga aklat
D. Sa pagtuturo ng banyagang wika at kultura
24. Bakit mahalagang pagyamanin ang sariling wika at kultura?
A. Para sa modernisasyon ng bansa
B. Para makipagkumpitensya sa ibang lahi
C. Para mapanatili ang pambansang pagkakakilanlan
D. Para makapagtrabaho sa ibang bansa
25. Ano ang pangunahing epekto ng edukasyong kolonyal na ipinatupad ng mga Briton sa Myanmar?
A. Napalapit ang mga mamamayan sa tradisyonal na lider
B. Naging pantay ang oportunidad sa edukasyon para sa lahat
C. Nalayo ang elite class sa masa, na naging sanhi ng elitismo sa pulitika
D. Naging bukas ang Myanmar sa mga karatig-bansa
26. Ano ang naging epekto ng etnikong pagkakaiba sa Myanmar sa ilalim ng kolonyalismo?
A. Nagkaisa ang mga grupo laban sa Britanya
B. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Britanya at Tsina
C. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga etnikong grupo
D. Lumipat ang mga grupo sa ibang bansa
27. Ang pagsasanib ng Myanmar sa British India ay nagdulot ng:
A. Pag-unlad ng ekonomiya
B. Pagtaas ng pagkakaisa
C. Pagtanggap sa kolonyalismo
D. Pagkawala ng identidad bilang hiwalay na bansa
28. Anong uri ng pagtugon ang ipinakita ng kilusang “Go East Movement”?
A. Pag-alsa
B. Pag-angkin
C. Pag-angkop
D. Pananakop
29. Ano ang pangunahing layunin ni Phan Chu Trinh?
A. Gumamit ng dahas upang palayasin ang Pranses
B. Magreforma gamit ang edukasyon at batas
C. Magtatag ng komunismo
D. Itayo ang imperyo ng Vietnam
30. Ano ang ibig sabihin ng “intelektwal na pagtugon”?
A. Labanan gamit ang armas
B. Makipag-alyansa sa dayuhan
C. Gamitin ang ideya at edukasyon bilang paraan ng paglaban
D. Pagtanggap sa kolonyalismo
31. Alin sa sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas?
A. Pagbagsak ng Bataan
B. Pagbalik ni Heneral MacArthur sa Leyte
C. Pagtatatag ng pamahalaang puppet
D. Paglaganap ng edukasyong liberal
32. Ano ang pangunahing layunin ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Palawakin ang edukasyong kolonyal
B. Ipagtanggol ang Pilipinas mula sa Amerika
C. Maging bahagi ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
D. Itatag ang Komonwelt ng Pilipinas
33. Bakit lumakas ang damdaming makabansa ng mga Indones sa panahon ng pananakop ng Hapon?
A. Dahil sa pag-asenso ng kanilang kabuhayan
B. Dahil sa kabutihang ipinakita ng mga Hapones
C. Dahil sa pagsasamantala at panlilinlang ng mga patakaran ng Hapon
D. Dahil sa pag-aaral ng wikang Nihonggo
34. Ano ang ibig sabihin ng "puppet government"?
A. Isang pamahalaang ganap na kinokontrol ng sariling mamamayan
B. Isang pamahalaang pansamantala habang may digmaan
C. Isang pamahalaang pinamumunuan ng lokal na lider ngunit kontrolado ng dayuhang bansa
D. Isang pamahalaang walang sinusunod na batas
35. Ano ang pangunahing epekto ng Japanese occupation sa Vietnam noong 1945?
A. Pag-unlad ng ekonomiya
B. Matinding taggutom
C. Pagbagsak ng edukasyon
D. Kalayaan sa media
36. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pag-aalsa laban sa mga mananakop?
A. Pagtanggap ng bagong relihiyon
B. Paglahok sa puppet government
C. Pakikipaglaban ng Viet Minh sa mga Hapon
D. Pagtanggap ng edukasyong kolonyal
37. Paano tumugon ang ilang lider sa Myanmar sa pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Nanatiling neutral at hindi nakialam
B. Nakipagtulungan sa pagbuo ng Burma Independence Army
C. Lumaban sa mga Hapon mula sa simula
D. Nag-alsa laban sa kapwa Asyano
38. Ano ang pagkakatulad ng pagtugon ng Pilipinas at Indonesia sa pananakop ng mga Hapon?
A. Kapwa tumanggap ng pamahalaang puppet
B. Kapwa nag-organisa ng armadong kilusan sa kanayunan
C. Kapwa tinanggap agad ang bagong sistema ng edukasyon
D. Kapwa nagpasimula ng demokratikong halalan
39. Ang pagtanggap ng mga elit sa bagong sistemang pampulitika ng mga mananakop ay isang halimbawa ng:
A. Pag-aalsa C. Pag-angkin
B. Pag-angkop D. Pananakop
40. Aling pahayag ang tama ukol sa tugon ng Vietnam sa kolonyalismo?
A. Tinanggap agad ng mga Vietnamese ang pamahalaan ng Hapon
B. Ang mga Vietnamese ay nagtatag ng mga alyansang panrelihiyon
C. Itinatag ng mga Vietnamese ang kilusang Viet Minh upang lumaban
D. Naging kanlungan ng mga Hapon ang kabundukan ng Vietnam
41. Ang mga spices na natagpuan ng mga Europeo sa Asya ay ginagamit nila sa kanilang__________?
A. pagpreserba sa kanilang mga karne
B. pagpapahinga
C. pakikipagkalakalan
D. palitan ng produkto sa kalapit na bansa
42. Ang kauna-unahang bansang Europeo na naglunsad ng eksplorasyon sa mga kalupaan at karagatan sa Silangan
A. Espanya C. Olandiya
B. Portugal D. Inglaterra
43. Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng Spain at Portugal kung saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang Portugal sa Silangan.
A. Pope Alexander IV C. Pope Alexander VI
B. Pope Alexander V D. Pope Alexander VII
44. Ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang bahagi sa Asya.
A. Alexandria C. Israel
B. Constantinople D. Jordan
45. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Parlyamentaryo
B. Pamahalaang Demokratiko
C. Pamahalaang Totalitaryan
D. Pamahalaang Komonwelt
46. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Jose P. Laurel noong panahon ng pananakop ng mga Hapones?
A. Totalitaryan B. Military C. Puppet D. Malaya
47. Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at pag- aalinlangan ang naghahari?
A. Panahon ng Kahirapan
B. Panahon ng Kapayapaan
C. Panahon ng Kadiliman
D. Panahon ng Kasayahan
48. Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa mga paaralan?
a. Kastila B. Niponggo C. English D. Tagalog
49. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?
A. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika.
B. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo.
C. Mga militar na Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan.
D. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.
50. Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa kabayanan?
A. upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino
B. upang mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino
C. upang mapadali ang pagsakop sa mga katutubong Pilipino
D. upang dumami ang kanilang masisingil na tributo o buwis