Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Pranses sa Vietnam
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Pranses sa Vietnam
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa Vietnam ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya.
Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa Vietnam ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya.
Gia Long
Itinatag ni Nguyen Anh, na tinatawag ding Gia Long ang Dinastiyang Nguyen.
Sa pamumuno niya, napalitan ang pangalan ng bansa mula sa katawagang kaharian ng “Annam”, napalitan ito ng Nam-Viet o pinagsamang “Annam” at “Viet” (o Yue, sinaunang katawagan para sa Vietnam).
Upang maiwasan naman ang pagkalito sa nauna nang “Nanyue” sa kasaysayan, minabuti ng emperador ng Tsina na ipagpalit na lamang ang mga pangalan at tawagin ang bansa bilang “Vietnam” na sumisimbolo sa pagkakaisa ng hilaga at katimugang bahagi ng bansa sa ilalim ng dinastiyang Nguyen.
Nagsimulang lumabo ang magandang pakikipag-ugnayan ng Vietnam sa France nang mamatay si Gia Long.
Humalili sa kanya si Minh Mang na isang konserbatibong tagasuporta ng Confucianismo. Noong 1826, tinapos ni Minh Mang ang anumang diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang kaharian.
Kung kaya, noong 1833, isang pag-aalsa laban kay Minh Mang ang isinagawa ng oposisyon at sinuportahan naman ng mga Katolikong Vietnamese at misyonerong Pranses.
Ngunit natalo rin ang mga rebelde noong 1835 at nagsimula ang maraming pag-uusig laban sa mga Katoliko.
Activity #9
Anong estratehiya ang ginamit ng mga Pranses sa pananakop sa Indochina?
May pagkakaiba ba ito sa estratehiya ng mga British?
May pagkakaiba ba ang pamamahala ng mga Pranses sa Cambodia at Vietnam?
Tugon ng mga Vietnamese sa Pamamahalang Kolonyal ng mga
PRANSES
Naging maganda ba ang pamamalakad ng mga Pranses sa Vietnam?
Sa paanong paraan nagkatulad o nagkaiba ang pagtugon ng mga Cambodian at Vietnamese sa pamahalaang kolonyal ng mga Pranses?
Ipinatupad ng mga Pranses ang kolonyal na pamamahala sa Vietnam upang palawakin ang kanilang kapangyarihan, ngunit hindi ito nagpahina sa diwa ng mga Vietnamese na patuloy na lumaban at nagkaisa para sa kalayaan at modernisasyon ng kanilang bansa.