Ang Timog-Silangang Asya ay isang rehiyon na kilala sa magagandang anyong lupa at anyong tubig. Dahil sa lokasyon nito, naging mahalaga ito sa kalakalan at ugnayan ng mga tao noon. Sa pag-aaral ng lokasyon at pisikal na katangian ng Pilipinas at ng buong rehiyon, malalaman natin kung paano ito nakaapekto sa kasaysayan at kultura ng mga sinaunang mamamayan.Â