UNA AT IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
UNA AT IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naipaghahambing ang una at ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin
Hango ang salitang imperyalismo sa salitang Latin na ‘imperium’ na ang ibig sabihin ay command. Karaniwang iniuugnay ang imperyalismo sa pamamaraan ng isang makapangyarihang bansa na pangibabawan ang isa pang bansa o teritoryo.
Ang pagtuklas ng mga Europeo ng DAAN papuntang Silangan ay nagbigay-daan para MANAKOP sila ng mga teritoryo sa Asya na una nilang natuklasan.
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto.
Taong 1488, narating ni Bartholomeu Dias ang dulo ng Africa. Binansagan itong “Cape of Storm,” na kalaunan ay tinawag na “Cape of Good Hope.”
Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Aprika.
Narating naman ni Vasco da Gama ang Calicut, India noong 1498.
Nanguna ang Portugal dahil kay
PRINSIPE HENRY, THE NAVIGATOR
na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kanyang panahon.
Noong 1492, narating naman ng Italyanong manlalayag na si CHRISTOPHER COLUMBUS ang America.
Ang kanyang paglalakbay ay sinuportahan ng Spain.
Ang Italyanong eksplorer na si
AMERIGO VESPUCCI ay nagsagawa rin ng ekspedisyon sa South America.
Sa kanya ipinangalan ang AMERICA
at sa kanya ring paglalakbay napatunayan na ang NEW WORLD ni COLOMBUS ay isang bagong kontinente at hindi bahagi ng Asya.
Activity #2
HINDI rin maisasakatuparan ang mga paglalakbay ng Europeo sa malalawak na karagatan kung hindi dahil sa ilang SALIK.
Naging mahigpit na magkalaban ang Spain at Portugal.
Hindi nagtagal, nagkaroon sila ng alitan dahil sa kanilang mga inangking lupain.
Sa matinding tunggalian ng dalawang bansa ay namagitan si Pope Alexander VI at naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.
Nang matuklasan ng mga Kanluranin ang tuwirang ruta patungong Silangan, nasimulan din ang kolonisasyon ng mga lupaing kanilang natuklasnan.
Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN.
Bakit nga ba nagkaroon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
Nanatiling kontrolado ng mga Portuguese ang Timor-Leste
.
Noong 1815, pinalitan ng pamahalaang Netherlands ang Dutch East India Company sa pamamahala ng East Indies (Indonesia), at sa loob ng mahigit 100 taon ay nagawang makontrol ang kabuoang kapuluan kasama ang Sumatra at Bali.
Naangkin at naisama naman ng Britain ang Burma (Myanmar) sa imperyong India na kolonya nito noong 1886.
Unti-unti ring nakontrol ng Britain ang peninsular Malaya (Malaysia) noong 1874.
Nakolonisa naman ng France ang Vietnam, Laos at Cambodia noong 1887 at iprinoklama ito bilang French Indochina Union.
ANG KASO NG THAILAND BILANG MALAYANG BANSA SA PANAHON NG PAMAMAYANI NG IMPERYALISMONG KANLURANIN SA REHIYON NG TIMOG-SILANGANG ASYA
Naiwasan ng Thailand (dating Siam) ang makolonisa ng mga Europeo sa pamamagitan ng sumusunod na salik:
Kawalan ng interes ng mga Europeo sa lokasyong heograpikal ng Thailand
Ang Thailand na nasa pagitan ng Burma na kontrolado ng mga British at Indochina na kontrolado naman ng mga Pranses ay nagsilbing buffer zone ng mga bansang nabanggit.
BUFFER ZONE
Teritoryo o bansa sa pagitan ng dalawang bansa na maaaring may alitan o may posibilidad na magkaroon ng di-pagkakaunawaan
Hindi naging kaakit-akit ang lokasyon ng Thailand sa mga Europeo upang tuwirang ikolonisa. Maaaring upang maiwasan ng Britain at France ang hindi pagkakaunawaan, minabuti nilang mapanatiling malaya ang Thailand.
2.Pagsisikap ni Haring Chulalongkorn (Rama V) na magkaroon ng modernisasyon ang bansa.
Napagtanto ni Haring Chulalongkorn, ika-5 monarkiya ng Siam mula 1853-1910 ang kahalagahan ng transpormasyon ng bansa sa bersiyong Europeo.
Ipinatupad ni Haring Chulalongkorn ang mga reporma sa bansa kasama ang pagsasamoderno ng sistemang legal, estrukturang administratibo, military, at higit sa lahat ang paglikha ng mapang saklaw ang kabuuang Thailand.
Sa paraang ito, naipamalas ng mga Siamese sa mga Europeo na kaya nilang pangasiwaan ang kanilang sarili. Nakadagdag din ang pag-angkop ng mga Siamese sa ilang gawi at makabagong teknolohiyang Kanluranin bilang pagpapakita na nakahanda ang mga Siamese sa modernisasyon.
3.Konsentrasyon ng kapangyarihan
Nagtatag din si Haring Chulalongkorn ng propesyonal na hukbong militar.
Ipinamalas nito ang kapangyarihan ng hari na makontrol ang mga lokal na pamunuan sa loob ng bansa. Ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa katauhan ng hari ay naglalarawan sa Thailand bilang isang bansang may kinalaman sa pangangasiwa ng kanilang sariling pamahalaan.
4.Pagpapatibay ng nasyonalismo at pagkakakilanlang kultural ng bansa.
Ginamit ng pamahalaan ang histograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan ng bansa upang mapagtibay ang kamalayang pagkabansa – na ang Thailand ay panghabangbuhay para sa mga Siamese o Thai. Ang wikang Thai ay itinalaga rin bilang opisyal na wika ng bansa. Ang bagay na ito ay nakahimok sa mga Thai na labanan ang kolonyalismo.
KRITIKAL NA PAG-IISIP
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
Sa iyong palagay, naging matalino ba si Haring Chulalongkorn sa kaniyang pinagpasyahang reporma upang hindi masakop ng mga Kanluranin ang Thailand o nasuwertehan lamang ng Thailand ang pangyayari? Patunayan ang sagot.