Pangkalahatang Pinuno (Overall Head)
Antonio Miguel Reyes
Bahagi ng Council of Student Committees (CSC), ang Alunsina ay ang komiteng Sandigan para sa pagpapanatili at pagtataguyod ng mga wika at kulturang Pilipino. Nagmula ang pangalang Alunsina mula sa isang diyosa sa Panay na asawa ni Tungkung Langit, ang lumikha ng mundo. Layunin ng Alunsina na pag-isahin ang depinisyon ng pagiging isang Atenista at Pilipino, at itanim sa puso ng bawat mag-aaral ng ASHS ang pagmamahal sa bayan upang ito ay magbunga ng positibong pagbabago sa lipunan. Pinahahalagahan nito ang pambansang minorya, produktong lokal, at ang pagbuo ng isang institusyon kung saan pantay-pantay ang bawat wika at kulturang Pilipino. Para sa Alunsina, kaakibat ng pagkamulat at pag-unawa ang serbisyo at pamumuno; inuudyok nito ang bawat Atenista na maging isang tao para sa—at kasama ang—kapuwa.
Alunsina is the committee for the promotion and preservation of Filipino cultures and languages. It envisions an Ateneo Senior High School of truly Filipino individuals in a community wherein no Filipino culture is looked down upon. It aims to plant and cultivate in the hearts of ASHS students the seed of loving one’s country, in the hopes that this will later grow into the passion to become a positive transforming difference in Philippine society.
Ang “Gabay sa Pagpapatakbo ng Sandigan: Edisyong 2023” ay ang opisyal na manwal ng Sandigan Alunsina. Dito makapaloob ang mga sumusunod: a) Introduksyon ng Sanggu-SHS; b) Introduksyon ng Komite, at; c) Protokol at Pamamalakad ng Komite. Ang mga batayang prinsipyo at patakaran, mga gawi, at mga pinahahalagahan na nakatakda sa manwal ay nagsisilbing gabay sa pamamalakad ng Sandigan Alunsina.
Layunin ng Alunsina na pag-isahin ang depinisyon ng pagiging isang Atenista at Pilipino gamit ang iba’t ibang paraan, gaya ng pagmumulat sa mga mag-aaral ukol sa mga suliraning kinakaharap ng bansa, lalo na sa kultura at wika; magsilbing tulay para sa pagpapalago ng mga produktong lokal; pagsasaayos ng kahulugan ng nasyonalismo at patriyotismo, pati na rin ang pagbura/pag-alis ng mga karaniwang pananaw sa mga Atenista. Ang Alunsina, bilang isang komiteng Sandigan, ay naglalayong itanim at palaguin sa puso ng bawat mag-aaral ng ASHS ang pagmamahal sa sariling bansa, sa pag-asa na ito’y mag-uudyok sa kanila na maging positibong pagbabago sa bansa.
(The mission of Alunsina is to merge the definitions of being Atenean and being Filipino through different means, such as keeping the students up-to-date and critical of social issues regarding culture and language, bridging gaps between the students and locally made products of small time businesses, recalibrating the meaning of nationalism and patriotism, escaping the attributes and attitudes of common stereotypes for Ateneans. We, as a Sandigan committee, aim to plant and cultivate in the hearts of ASHS students the seed of loving one’s country, in the hopes that this will later grow into the passion to become a positive transforming difference in Philippine society for the greater glory of God. We seek to constantly remind the students that the vision and mission of the school itself position the university as an educational institution which is first and foremost Filipino.)
Tinatanaw ng Alunsina ang Ateneo Senior High School bilang isang institusyong binubuo ng mga tunay na Pilipino, kung saan pantay-pantay ang bawat kulturang Pilipino; kung saan ang banyaga ay hindi angat sa lokal; kung saan ang wikang Filipino at iba pang wika sa bansa ay pinahahalagahan at tayong mga Atenista ay lubusang iniibig ang mga wikang ito; at huli, kung saan ang “Pinoy Pride” ay nagtataglay ng mas malalim na pag-unawa para sa bansa at kapwa Pinoy. Naniniwala ang komite na sa pamamagitan ng pag-unawa na ang mga Atenistang nagpapahalaga sa serbisyo at pamumuno ay nakatanim sa bawat tao, inuudyok hindi lamang maging isang tao para sa kapwa, ngunit pati na rin isang tao kasama ang kapwa.
(Alunsina envisions an Ateneo Senior High School of truly Filipino individuals in a community wherein no Filipino culture is looked down upon, wherein foreign is not inherently better than local, wherein the national and native languages are equal, wherein Atenean are inclined towards Filipino languages, and lastly, wherein “Pinoy Pride” is a heightened sense of understanding for our country and fellow countrymen, rather than an inflated ego built on ignorance and unspoken apathy. The committee believes it is through this understanding that the Atenean values of service and leadership are sown in each person, empowered not only to become a person for others, but also a person with others.)
Nilalayon ng Alunsina na mapag-isa ang mga miyembro ng komite at iba pang mag-aaral ng ASHS sa kabila ng mga pagkakaiba upang makalikha ng isang inklusibong komunidad ng iba’t ibang kulturang Filipino at wika sa bansa.
(Alunsina strives to form unity in diversity among our committee members and students in the ASHS; thus creating an inclusive community of various Filipino languages and cultures will form.)
Nakaugat ang Alunsina sa kulturang Filipino at mga wika sa bansa. Sa gayon, ang mga proyekto, hangarin, and layunin ay nakatuon sa paghulma ng mga miyembro ng sandigan at iba pang mag-aaral ng ASHS na maging mga makabayang Pilipino.
(Alunsina is rooted on Filipino culture and languages; thus, our projects, goals, and thrusts are centered on forming our committee members and the students of the ASHS to become nationalistic Filipinos.)
Bagaman hindi orihinal na kasama ang Alunsina sa pagtatatag ng mga Sandigan noong 2017, malinaw at tuwiran ang intensyon ng pagtatatag nito– itaguyod ang kahalagahan ng mga wika at kulturang Filipino. Sa mahabang paggulong ng pagpaplano at pagsasaayos, opisyal na napasama sa ASHS-CSC ang Alunsina noong ika-7 ng Marso, 2019 sa pamamagitan ng maikling programa sa ASHS Main Foyer. Sa pagsisimula nina Neo Aison, Joan Ramos, Miguel Lorenzo Tan, at Ryan Orquiza, matagumpay na nagsimula ang sandigan hanggang sa lumago at lumawak ang adbokasiya nito tungo sa pagsasalin ng mga pahayag ng Sanggunian sa Filipino, paninindigan sa mga karapatan ng pambansang minorya, at pagpapaigting ng diwang makabayan ng mga mag-aaral sa ASHS.