Ano ang una mong maiisip sa isang industriyalisadong bansa?
Maaaring ang una mong inaasahan ay mga matatayog na gusali. May mga hi-tech na mga gamit at produkto. Hindi ba iyan ang pangarap ng bawat isa sa kanilang bansa?
Ngunit, sa lahat ng sektor ng ekonomiya, sa industriya tayo pinakamababa. Ano ito at paano natin mapapaunlad ito?
Ang industriya ay isang pangkabuhayang gawain na kaugnay sa pagproseso ng hilaw na sangkap o materyal upang makagawa ng mga bagong produkto.
Ang industriyalisasyon naman ay tumutukoy sa paggawa ng mga kalakal sa malalaking sukat at tumutukoy din sa proseso kung saan lumilipat ang isang lipunan o estado mula sa isang ekonomiya sa agrikultura patungo sa isang industriyalisadong ekonomiya.
Mahalagang magkaroon ng matatatag na industriya ang isang bansa dahil dito nagmumula ang mga tapos na produkto sa pamilihan na may bagong anyo, hugis, at halaga. Kung magpagpapatayo ng mga pagawaan, dadami rin ang bilang ng mga manggagawa. Kung makakaengganyo rin ng mga mamumuhunang dayuhan, nagpapasok ng dolyar sa bansa na nagbubunsod sa pagtaas ng halaga ng salapi.
Pagmimina - Paghuhukay at pagkuha ng mga yamang mineral (metal, di-metal, o enerhiya) na kalimitang matatagpuan sa ilalim ng lupa.
Pagmamanupaktura - Pagbabago ang mga hilaw na materyal na sumasailalim sa paghahanda at paghuhubog gamit ang pamamaraan na pagpukpok, pagbanat, pagpapainit o kaya naman ay ginagamitan ng kemikal upang makagawa ng bagong produkto.
Konstruksyon - Pagtatayo ng gusali, bahay, tulay at iba pa na binubuo sa pamamagitan ng paggawa, pagtatayo o pagbubuo ng iba pang imprastraktura.
Utilities - Paglalatag ng mga imprastraktura at angkop na teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo ng tubig, telekomunikasyon, at sasakyan para sa transportasyon, kuryente, at gas sa lahat ng tao.
Pagmimina
Pagmamanupaktura
Konstruksyon
Utility
Ang mga maliliit na negosyong ito ay hindi hihigit sa 100 ang manggagawa. Kalimitan ay mga gawang-kamay o handmade ang mga produkto rito.
Ito ay may 100 to 200 na manggagawa. Ito ay ginagamitan ng mga payak na makinarya.
Ito ay may higit sa 200 ang manggagawa. Ginagamitan ng malalaki at komplekadong makinarya. Kadalasan ay nasa planta o pabrika.
Policy Inconsistency - Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.
Import Liberalization - Ang malayang pagpasok ng mga murang produkto mula sa ibang bansa ang pumapatay sa lokal na industriya.
Inadequate Investment - Kung may sapat na kakayahang pinansyal, mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktng may mataas na demand. Ngunit dahil sa mababang antas ng Piipinas, mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang teknolohiya o makabagong produkto kahit na mataas ang demand sa mga ganitong klase ng produkto..
Macroeconomic Volatility and Political Instability - Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga local at dayuhang mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa.
White Elephant Projects - Ang mga imprastrakturang pinagawa ng pamahalaan ngunit hindi natapos o hindi magamit dahil ginamit sa korapsyon. Imbes na makatulong sa mga lokal na industriya ay nasasayang ang mga ito, gayundin ay nabulsa ang kaban ng taong-bayan.
Lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
Paggamit ng teknolohiya laban sa paggawa.
Paglipat ng mga negosyante sa ibang lugar o bansa.
Nagdudulot ng polusyon at pagkasira ng kapaligiran.
Pagbabawas sa produksyon at pagtaas sa presyo ng produkto.
Pagsasara sa mga lokal na industriya at pagkawala ng hanapbuhay ng maraming mamamayan.
R.A. 7942 (Mining Act of 1995) - Namamahala sa lahat ng pagpapatakbo ng pagmimina sa bansa at may kasamang iba't ibang mga hakbang upang maprotektahan ang kapaligiran at tumutukoy sa mga lugar kung saan maaaring payagan ang pagmimina.
Filipino First Policy - Naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang mga negosyanteng Pilipino o lokal na negosyo kaysa sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
Executive Order (EO) No.226 o ang Omnibus Investment Code of 1987 - Upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of Investment (BOI).
RA No. 8293 o The Intellectual Property Code of the Philippines - Ito ay bilang proteksyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay.
Republic Act No. 6957 (Build Operate Transform law) - Ito ay kumikilala sa mahalagang papel ng pribadong sektor bilang main engine para sa pambansang paglago at pag-unlad at nagbibigay ng pinakaangkop na kanais-nais na mga insentibo upang mapakilos ang mga private resources para sa hangarin.
P.D. 1096 o National Building Code of the Philippines - Ang batayan sa pagtatayo ng iba’t-ibang uri ng istraktura sa buong bansa.
RA 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004 - Naglalayong protektahan ang mga katubigan ng bansa mula sa polusyon na gawa ng mga tao.
RA 7832 o Anti-electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994 - Ipinagbabawal ang pagnanakaw ng kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng jumper, flying connection, atbp. gayon din ang pagnanakaw sa materyales na ginagamit sa transmisyon o distribusyon nito.
Oil Deregulation Law - Hindi pakikialam ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo, pag-aangkat, at pagluluwas ng mga produktong petrolyo, at pagtatayo ng mga gasoline station, depots, at refineries.
Department of Trade and Industry (DTI) – Gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatag ng negosyo.
Board of Investments (BOI) - Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.
Philippine Economic Zone Authority (PEZA) – Tumutulong sa mga mamumuhunan na maghanap ng lugar upang pagtayuan ng negosyo.
Securities and Exchange Commission (SEC) – Nagtatala at nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
Department of Trade and Industry (DTI)
Board of Investments (BOI)
Philippine Economic Zone Authority (PEZA)
Securities and Exchange Commission (SEC)
Ang mga tinaguriang White Elephant projects ng Ilocos Sur. n.d. Video. 29 April 2019. <https://youtu.be/ftKd8iYMffM>.
Carlos, Ruth Abbey. Philippine News Agency. 18 March 2020. Article. <https://www.pna.gov.ph/articles/1096971>.
Department of Trade and Industry. n.d. <https://www.dti.gov.ph/>.
DepEd. Slideshare.net. 9 May 2015. <https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-learning-module-yunit-4>.
DepEd Click. 5 May 2021. Blog. <https://www.deped-click.com/2021/05/grade-9-4th-quarter-self-learning.html>.
g, fk. YouTube. 26 February 2017. <https://www.youtube.com/watch?v=DLW0Pccko5A>.
Kumar, Vinay. UpVey. 7 June 2020. Article. <https://upvey.com/business/cottage-industry/what-is-cottage-industry/>.
Lessons, Kto12. Youtube. 26 October 2020. <https://www.youtube.com/watch?v=0vHlVvrMG_c>.
Madriaga, Aldrin. quizlet.com. n.d. <https://quizlet.com/397376095/sektor-ng-industriya-flash-cards/>.
Maverick Technologies. n.d. Article. <https://www.mavtechglobal.com/industrial-automation/large-scale-project-execution/>.
News, ABS-CBN. YouTube. 28 January 2018. <https://www.youtube.com/watch?v=RdIootzQ5pg>.Philippine Board of Investments. n.d. <https://boi.gov.ph/>.
Philippine Mission to the United Nations and Other International Organization. 20 July 2015. 24 August 2015. <https://genevapm.dfa.gov.ph/archives/216-advisory-security-and-exchange-commission>.
"Philippines Industry And Mining - Mapsof.Net". Mapsof.Net, 2021, https://www.mapsof.net/philippines/philippines-industry-and-mining. Accessed 18 July 2021.
Rivera, Arnel O. Slideshare.net. 18 May 2018. 26 May 2021. <https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-22-sektor-ng-industriya>.
Sektor ng Industriya. Prod. Pasha Suzene. n.d. <https://youtu.be/H7MbtF3EDp4>.
Staff, CNN Philippines. CNN Philippines. 22 January 2021. Article. <https://cnnphilippines.com/business/2021/1/22/peza-optimistic-to-secure-100-billion-investment-commitments.html>.
Ang pahinang ito ay pinagsama-samang kontribusyon ng mga ikalawang grupo sa ika-9 na baitang ng panuruang taon 2020-2021.
Lithium: Darling Maningo, Nathalie Labramonte, Arfelle Pervera, Aisha Altarejos, Angela dela Peña, Olivia Gallano, Abigail Perez, Jhenna San Agustin
Beryllium: Sheelah Torres, Marydana Ibarra, Hannah Lorenzo, Marcus Macalanda, Liane Mallari, Murrielle Ostan, & Sophia Tayo
Helium: Brenan Ballen, Samuel Sevillena, Lianah Tupaz, Alleona Torres, Cinnen Cabalquinto, Janreb Payton, Christine Miel, MarkNiel Chan, & Ferdinand de Leon