Magtanim ay 'di biro, maghapong nakaupo.
Hindi man lang makaupo, hindi man makatayo.
Kung tatanawin sa malayo, kapag nanood ka ng isang magsasakang nagtatanim, tila maiingit ka sa simpleng buhay nito. Pero sa realidad, tulad ng sa awitin, hindi madali ang magtanim.
Samantala, pinagpapalagay na ang Pilipinas ay bansang agrikultural. Tayo ay biniyayaan ng Diyos ng mayamang likas-yaman. Ngunit, nalilinang nga ba ang mga ito? Ano ang papel ng sektor na ito sa kaunlaran ng bansa?
Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman. Ito ay may kaugnayan sa hilaw na materyal mula sa likas na yaman.
Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran.
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ito ang ilan sa mga kahalagahan nito:
Pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa Sektor ng Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.
Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Pinagkukunan ng kitang panlabas.
Paghahalaman - Nakatuon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at pananim. Ang pangunahing pagkain sa bansa tulad ng bigas ay nagmumula sa gawain na ito. Ang mga pangunahing pananim ng Pilipinas na karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa ay mais, niyog, tubo, saging, pinya, atbp. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor ng paghahalaman taong 2012 ay Php 797.731 bilyon.
Paghahayupan - Binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Layunin nito ang pagsusuplay ng ating pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ito ay isang gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng mga tagapag-alaga ng hayop.
Pangingisda - Tumutukoy sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga isda at yamang dagat para sa pangtustos sa ating pangangailangan. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Ito ay nauuri sa tatlo: ang komersiyal, munisipal at aquaculture.
Pagtotroso - Tumutukoy sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga yamang gubat. Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Nililinang dito ang kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.
Paghahalaman
Paghahayupan
Pangingisda
Pagtotroso
Pagliit ng lupang sakahan
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa bansa
Climate change
Mapanirang operasyon ng mga komersyal na mangingisda
Epekto ng polusyon sa pangisdaan
Lumalaking populasyon ng bansa
Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
Pagkasunog at pagkakaingin
Nawawalan ng tirahan ang mga hayop
Pagbaha
Pagguho ng lupa
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 - Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL). Ito ang legal na basehan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anuman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito na isasagawa sa loob ng 10 taon.
Land Registration Act ng 1902 - Ang sistemang ito ay nakatutulong dahil karamihan sa mga lupaing pagmamay-ari o inuokupa ng mga tao sa buong bansa ay hindi pa sakop ng mga ibinigay na titulo ng pamahalaan.
Public Land Act ng 1902 - Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
Batas Republika Blg. 1160 - Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
Batas Republika Blg. 8485 (The Animal Welfare Act of 1998) - Ito ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.
Philippine Fisheries Code of 1998 (Batas Republika Blg. 8550) - Ito ang batas na itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas. Ito ay naglalaan para sa pagpapaunlad, pamamahala, at pag-iingat ng mga pangingisda at mapagkukunang pang-tubig, at pagsasama ng lahat ng mga batas na nauugnay dito.
National Integrated Protected Areas System (NIPAS) - Ang batas na ito ay kumikilala sa kritika na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkaka-iba-iba (natural and physical diversities) sa kapaligiran. Layunin nito na maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito.
Community Livelihood Assistance Program (CLAP) - Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
Presidential Decree No. 705, s. 1975 (Revised Forestry Code) - Binigyang kahulugan ang kagubatan, ang paggamit ng kontrata, lisensya, atbp. kasama na ang mga illegal loggers.
Sustainable Forest Management Strategy - Ito ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.
Nag-aambag sa pagkamit ng mga pambansang layunin tulad ng pagpapagaan ng kahirapan, pagbuo ng mga produktibong pagkakataon, pagpapaunlad ng katarungang panlipunan at katarungan, at pagtataguyod ng napapanatiling paglago ng ekonomiya kaugnay sa agrikultura.
Responsable para sa pag-iingat, pamamahala, pagpapaunlad, at wastong paggamit ng kapaligiran ng bansa at likas na yaman
Itinakdang magsagawa ng lahat ng mga programang repormang panlupa sa bansa, na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon.
Alumia, hm. "Sektor ng agrikultura." (2013). <https://www.slideshare.net/hillainemarie/sektor-ng-agrikultura-29287221?fbclid=IwAR1iZGRPDBWDPdkPPxkyUg1xwsaxYwY0mY0H-OXgf90Ta0s1QjSlrexmWP0>.
Comia, Aida S. Sektor ng Agrikultura (2016): 1-33. <https://www.slideshare.net/aidacomia11/sektor-ng-agrikultura-58794248?fbclid=IwAR3eB2aF3tl7lnIL5LjCQ3Jv75wMfctWIdbkMeR2gGy2orwBkbbaNJt0tGc>.
Temarieshinobi. Sektor ng Agrikultura (2015): 1-30. <https://www.slideshare.net/temarieshinobi/sektor-ng-agrikultura-47541561?fbclid=IwAR1s0Eux04OULRATNvYLE5e5CtEJHy0S0XhbAP3I9O0bGK48ywJfe8FROFo>.
Bacani, Agatha Dominique. Mga Batas Pangkagubatan (2014): 1. <https://www.scribd.com/doc/239521599/Mga-Batas-Pangkagubatan?fbclid=IwAR3QMzp7V5qppQ4Vkbi6bwXFtkyVvupVCWnta7E2TNTvdvphQzQVug-LQqw>.
Cortez, Irvin. Mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga Hayop (2013). <https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/imbestigador/334614/mga-batas-na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop/story/?fbclid=IwAR2ihY1N_uT_i5VxEXl1mTDMbAYdnovLA2gKWSXboBKdd2tkQnKMRbL_eIQ>.
"Detailed Map Of The Philippines: Tracking Your Way Around The Philippines". Top Destination Choice The Philippines.Com, 2021, https://www.top-destination-choice-the-philippines.com/detailed-map-of-the-philippines.html. Accessed 3 June 2021.
Food and Agriculture Organizatin of the United Nations. "Philippines (National level)." FAOLEX Database (2021). <http://www.fao.org/faolex/results/details/en/c/LEX-FAOC016098/?fbclid=IwAR2BdSKQAECGi7REddqjcbj37e30K5rBlgPvU1YQ2pcASZENKoXJgVbu4DI#:~:text=Philippine%20Fisheries%20Code%20of%201998,thereto%2C%20and%20for%20other%20purposes>.
Lazaro, Lombard. "MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG PINAGKUKUNANG YAMAN." EKONOMIKS (2015). <https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-batas-ukol-sa-pangangalaga-ng-pinagkukunang-yaman/?fbclid=IwAR1iZGRPDBWDPdkPPxkyUg1xwsaxYwY0mY0H-OXgf90Ta0s1QjSlrexmWP0>.
Madriaga, Aldrin. "SEKTOR NG AGRIKULTURA." (n.d.). <https://quizlet.com/386851917/sektor-ng-agrikultura-flash-cards/?fbclid=IwAR3gFuKalH6Uz1hiOif_q0gqJM7p82u-n33xlIa5ySmHT_h_TclJlf-BXgQ>.
Magsalin, Kat. "Ang Sektor Ng Agrikultura." (n.d.). <https://www.scribd.com/doc/82947472/Ang-Sektor-Ng-Agrikultura?fbclid=IwAR06pXcoVlHMEi_3pd4DHkQRzQosJyB7cwGTw7syTVFApAthDzCeGVSxOL0>.
Obando, Cj. “AP Aralin 2 (Sektor Ng Agrikultura) Fourth Quarter.” SlideShare.Net, 8 Feb. 2016, www.slideshare.net/cristinejoyobando/ap-aralin-2-sektor-ng-agrikultura-fourth-quarter.
“PhilFSIS Partner Agencies.” Philippine Statistics Authority OpenSTAT, https://openstat.psa.gov.ph/Featured/PhilFSIS/PhilFSIS-Partner-Agencies. Accessed 25 May 2021.
Piyeahd. "Sektor Agrikultura: Batas at Programa." (2018). <https://quizlet.com/276210188/sektor-agrikultura-batas-at-programa-flash-cards/?fbclid=IwAR1ztuFpyf2hd6k3gtb1R19VdWfCYr7gWSBs3YjtK-krDM148-Jv3zZzHdU>.
Rey, Maestro Valle. "Sektor Ng Agrikultura – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Sektor Nito." (2019). <https://philnews.ph/2019/09/03/sektor-ng-agrikultura-ano-ang-mga-ibat-ibang-sektor-nito/>.
Wikipedia. "Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan." (2013). <https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Komprehensibong_Programa_sa_Repormang_Pansakahan?fbclid=IwAR1VywLCj_kBX5rj64rEX0xYvsOv7a1Eeurs1J2IEcbHCtigc8xMm7xcK8w>.
“BAKIT AGRIKULTURA?” YouTube, uploaded by PhilRiceTV, 26 Feb. 2015, www.youtube.com/watch?v=M80xDyzmO-c&feature=youtu.be.
Ang pahinang ito ay pinagsama-samang kontribusyon ng mga unang grupo sa ika-9 na baitang ng panuruang taon 2020-2021.
Lithium: Ajieska Abus, Yeshua Arjona, Tricia Barcelona, Myisha Garcia, Aina Porras, Sean Sarmiento, Rafael Silorio, & Andrea Tagtag
Beryllium: Carinh Bajado, Jhoanna Duka, Alyza Daguil, Dion Galvez, Couwee Vidal, Renzie Orate, Reign Acedera, & Ishi Valenzona
Helium: Abigail Cabison, Sean Endiable, Reign Nicole De Guzman, Abbygail Maglipas, Kim Juaneza, Kezia Licuanan, Lara Nalian, Jilliane Romero, Lyndzaye Cutoner, & Alleana Espiritu