Ano nga ba ang sukatan ng isang mayaman na tao? Maraming pera? Maraming sasakyan? Malalaki ang mga bahay? Maganda nga ba ang buhay ng taong ito?
Ano nga ba ang sukatan ng isang mayaman na bansa? Matatayog na gusali? Mataas na pambansang kita? Maraming niluluwas kumpara sa inaangkat?
Bilang tayo'y nasa ikaapat na markahan, atin nang natutunan ang ekonomiks at ang dalawang sangay nito. Ngayon, ating titignan ang ating mga sarili kung tayo nga ba'y umuunlad at paano tayo makakatulong dito.
Ang pagsulong at pag-unlad ay dalawang termino na halos magkasinghulugan kung kaya madalas napagpapalit ang mga ito.
Ang pagsulong ay alinsunod sa tradisyunal na pananaw ng mga tao ukol sa pagyaman ng isang bansa. Tinatawag din itong econonic growth sa Ingles. Nasusukat nito ang pagtaas ng kapasidad na makapagprodyus ng mga produkto at serbisyo.
Samantala, ang pag-unlad sa makabagong pananaw ay ang pangkalatang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang bansa. Tinatawag din itong economic development sa Ingles.
Ang dalawang ito ay hindi maiihiwalay sa isa't isa. Kung hindi susulong ang bansa, hindi rin ito uunlad. Gayundin, walang pag-unlad ang bansa kung hindi ito sumusulong.
Upang magabayan at ma-engganyo ang mga bansa na umunlad, inilunsad ng United Nations ang Sustainable Development Goals (SDG). Ito ay mga tunguhin ng mga bansa upang magpatupad ng mga hakbangin tungo sa pag-unlad.
No Poverty - Dapat maalis ang kahirapan sa pamamagitan ng pagsiguro na ang bawat tao ay kumikita na sapat o higit pa upang mabuhay ang sarili at pamilya.
Zero hunger - Kailangan mawala ang kagutuman sa pamamagitan ng pag-unlad ng agrikultura.
Good health and Well-being - Kailangan maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Quality Education - Kailangan mayroong ingklusibo, pantay, at de-kalidad na edukasyon.
Gender Equality - Kailangang magkaroon ng pantay na karapatan at opotunidad ang lahat ng kasarian.
Clean Water & Sanitation - Kailangan mayroong maayos, malinis, at murang tubig at sanitasyon.
Affordable & Clean Energy - Kailangan mayroon ng suplay ng mura at renewable energy.
Decent Work & Economic Growth -Kailangang makaroon ng disenteng trabaho ang mga tao upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
Industry, Innovation, & Infrastructure - Kailangang magkaroon ng mga inobasyon at imprastraktura na labis na makakatulong sa industriyalisasyon ng bansa.
Reduced Inequalities - Kailangang mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa anumang aspeto.
Sustainable Cities & Communities - Kailangang ang mga pamayanan ay maayos na nakakapamuhay ng pangmatagalan,
Responsible Consumption & Production - Kailangan maging responsable sa paggawa at pagkonsumo ng mga produkto.
Climate Action - Kailangang kumilos ang lahat upang maibsan o mabawasan ang epekto ng Climate Change.
Life Below Water - Kailangang mapalagaan ang mga yamang-tubig at ang buhay na nakatira rito.
Life on Land - Kailangan mapangalagaan ang mga nilalang na namumuhay sa ibabaw ng lupa.
Peace, Justice, & Strong Institutions - Kailangang maging matatag ang mga institusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagbibigay-hustisya sa lahat.
Partnerships for the Goals - Kailangang lahat ng tao at bansa ay magtulung-tulungan para sa kaunlaran.
Dahil sa lawak ng kahulugan ng kaunlaran, nagkaroon ng iba pang mga sukatan nito. Isa na rito ang Human Development Index. Ito ay pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao. Sinusukat nito ang inaasahang tagal ng buhay (life expentancy), bilang ng mga nag-aaral (mean education), inaasahang tagal ng mga mag-aaral sa paaralan (expected education), at sukatan ng kita ng mga mamamayan (per capita income).
Sa taong 2020, ang Pilipinas ay may HDI score na 0.718, pang-107 sa ranggo kasama ng Indonesia at Bolivia. Samantala, sa buong mundo naman, ang Norway ang pinakamataas na may iskor na 0.957.
Ang United Nations Development Program o UNDP ay nakagawa ng isang sistema ng klasipikasyon batay sa sukatan ng pambansang kita (GNI at GDP), per capita income sa loob ng isang taon, antas ng industriyalisasyon ng bansa, antas ng HDI, at antas ng pagkakautang sa World Bank.
May mataas na Gross Domestic Product (GDP), Human Development Index (HDI), at income per capita.
Ito ay mga bansang may mga industriyang kasalukuyang pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng industriyalisasyon. Hindi pantay ang GDP at HDI.
Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay kulang sa industriyalisasyon, mababa ang antas ng agrikultura at may mababang GDP, HDI, at income per capita.
Bilang mga mamamayan, bawat isa ay may papel sa pag-unlad ng bansa. Tinanong ang mga mag-aaral sa akademikong taon ng 2020-2021 at ito ang kanilang mga kasagutan:
Maliban sa mga simpleng hakbangin na ito, may mas konkretong daluyan upang ang mga mamamayan at ang gobyerno ay tuwirang makaapekto sa pag-unlad. Iyon sa pamamagitan ng limang sektor ng ekonomiya: agrikultura, industriya, paglilingkod, impormal na sektor, at kalakalang panlabas. Sa pagtutulungan ng mga mamamayan at gobyerno, mapapaunlad ang mga sektor na magpapataas sa GDP at GNI. Sa pagsulong na ito, mapapaunlad din ang HDI at ang buong bansa.
Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Jr., Mateo, A. P.; Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Yunit III [PDF]. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
"MELC_Aralin 18-Konsepto At Palatandaan Ng Pambansang Kaunlaran". Slideshare.Net, 2021, https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/melcaralin-18konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran. Accessed 26 May 2021.
"PHL Ranks 107Th In UN Human Development Index, Up Four Places - Businessworld". Businessworld, 2021, https://www.bworldonline.com/phl-ranks-107th-in-un-human-development-index-up-four-places/. Accessed 26 May 2021.
Viloria, L. B. (2018). Paglinang sa Kasaysayan 9: Ekonomiks. Makati City, Philippines: Diwa Learning Systems.
Si Bb. Mara Danica Ramos ay ang AP Coordinator ng Pambansang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng San Jose del Monte. Siya ay nagtapos ng B Secondary Education (Social Studies) sa UP Diliman at ngayo'y nag-aaral ng Diploma in Social Studies Education sa UP Open University. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Araling Panlipunan 8 at 9.