Ang Pilipinas ay tinaguriang third world country o developing na bansa. Paano kaya nasusukat iyon? Paano rin ito nakukumpara sa ibang mga bansa sa mundo?
Kung kaya, gumagamit ng dalawang palatandaan ang pamahalaan sa pagsukat ng pambansang kita: ang Gross National Income at Gross Domestic Product. Ano ang pagkakaiba ng mga ito?
Ito ang halaga ng kabuuang produkto at serbisyo kasama ang partisipasyon ng mga dayuhang negosyante sa produksyon sa bansa sa loob ng isang taon. Upang madaling tandaan, pakaisipin na ito ay Gawa Dito sa Pinas.
May tatlong paraan sa pagkuha nito. Upang mas maipaliwanag ang koneksyon ng dalawa rito, ating balikan ang ikalimang modelo ng ekonomiya o bukas na ekonomiya.
Pansinin ang mga broken boxes. Sa isang ideyal na ekonomiya, ang mga ito ay may pantay na kantidad. Gayundin, pinagpapalagay na ang:
Sa payak na ekonomiya o ikalawang modelo, ito ang pinakapundamental na palitan. Ang gastos ng sambahayan ay kita ng bahay-kalakal. At ang kita ng sambahayan ay gastos ng bahay-kalakal. Ang mga lumalabas na pera mula sa modelong ito ay tinatawag na leakages. Samantala, ang mga perang bumabalik sa paikot na daloy ay tinatawag na injection.
Dahil dito, ang unang dalawang pamamaraan ng pagkuha ng GDP ay pagkuha ng gastos at kita ng bansa. Ang ikatlong paraan naman ay ang pagkuha ng mga kontribusyon ng bawat malalaking industriya sa bansa. Pinagpapalagay na pare-pareho ang makukuhang resulta. Kung kaya kahit sa kahit anong paraan sa tatlo ay pwedeng makuha ang GDP. Ngunit mas ginagamit ng pamahalaan ang paraang batay sa gastos (expenditure approach) at paraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach).
Kung saan:
C = Gastos ng sambahayan sa personal na pangangailangan o personal consumption
G = Gastos ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa o government spending
I = Gastos sa negosyo o investments
X = Gastos sa paggawa ng mga produktong ilalabas o export
M = Gastos sa pagbili ng mga inaangkat na produkto o import
Ang halimbawa nito ay ang makikitang kompyutasyon ng Philippine Statistical Authority sa GDP at GNI ng 2020 sa paraang batay sa gastos.
Kung ang exports ay mas mataas sa imports, ang net exports ay magiging positibo at makakapagpadagdag sa GDP. Ngunit kapag ang imports ay mas mataas sa exports, ang net exports ay magiging negatibo at mas magpapababa sa GDP.
Kung saan:
Y = katumbas ang pinagsama-samang sahod, renta, interes, at tubo
IBT = nakolektang hindi tuwirang buwis mula sa mga Negosyo o Indirect Business Tax
Depresasyon = pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon
Kung saan pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa: ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo.
Ang halimbawa nito ay ang makikitang kompyutasyon ng Philippine Statistical Authority sa GDP at GNI ng 2020 sa paraang batay sa pinagmulang industriya.
Kung titignan, kapareho lang ng resulta ng GDP sa paraang batay sa gastos at paraan batay sa pinagmulang industriya. Kung kaya, kung gagamitin din ang iisa pang paraan batay sa kita, gayundin ang magiging resulta. Ngunit pinagpapalagay na mas mahirap kunin ang mga kita ng mga mamamayan sa bansa kung kaya hindi parating ginagamit ito.
Ito ay tinatawag din na Gross National Product. Ito ang halaga ng kabuuang produkto at serbisyo na nagawa ng buong ekonomiya (loob at labas) sa loob ng isang bansa. Upang madaling tandaan, pakaisipin na ito ay Gawa Ng Pinoy.
Maski ano pa man ang gamiting pamamaraan sa pagkuha ng GDP, iisa lamang ang pagkuha ng GNI. Mula sa GDP, idagdag lamang ang NPI o Net Primary Income. Ito ang kita mula sa mga Pilipino sa ibang bansa.
Tulad ng takoyaki business nila Penny, sa unang tingin ay malakas ang kinikita nila. Ngunit dahil lamang iyon sa tumataas ng presyo ng mga rekado. Gayundin sa pambansang kita. Kung kaya may dalawang uri ng pagsukat dito, ang nominal at ang real GDP o GNI.
Ito ay kilala rin bilang GDP o GNI in current prices o sa kasalukuyang taon. Kumakatawan ito sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
Ito ang karaniwang kompyutasyon ng GDP at GNI na nakukuha natin sa buong taon. Ngunit, hindi ito pwede kung magkukumpara na tayo sa mga nakaraang taon. Ito ay dahil sa realidad ng implasyon o pagtaas ng presyo. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo, nagmumukhang mas malaki ang GNI o GDP sa kasalukuyang taon. Ngunit kung gagamitin ang mga presyo ng kinukumparang taon, hindi gaanong kataas ito.
Ang tawag sa kompyutasyon upang maipakita ang tunay na GDP at GNI ay tinatawag na GNI deflator.
Ang GNI deflator ng 2020 mula sa batayang 2018 ay 102.6.
Kilala rin bilang GDP o GNI in constant prices o sa batayang taon. Kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year.
Gamit ang GNI deflator ng batayang taon (sa sitwasyong ito ay 2018), GNI deflator ng kasalukuyang taon, at ang nominal GNI at GDP. Ang GNI deflator ng batayang taon ay karaniwang 100.
Inaalam ang tunay na GDP at GNI upang mapagkumpara ang dalawa o higit pang taon kung may pagtaas o pagbaba ba ang GNI at GNI. Tinatawag itong Growth Rate. Ito ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kumpara sa nagdaang taon. Ihalimbawa na lamang natin ang 2019 at 2020 upang makuha ang growth rate na binalita sa comics.
Mahalaga ang growth rate dahil pinapakita nito ang mga sumusunod: Una, pinapakita nito ang economic performance ng isang bansa kumpara noong nakaraang taon. Negatibo ang naging growth rate ng Pilipinas sa 2019-2020 dahil nagsimula ang pandemya ng COVID-19 na lubhang nakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas. Ikalawa, sinasalamin nito ang kalakakasan o kahinaan ng ekonomiya ng bansa. Sa huli, naikukumpara nito ang pag-unlad sa mga karatig-bansa.
Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Jr., Mateo, A. P.; Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Yunit III [PDF]. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Payumo, C. S., Ronan, J. R., Maniego, N. L., &; Camba, A. L. (2014). Understanding Economics. Sampaloc, Manila: ALTEO Digital & Printers.
Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines. (2021). Retrieved 6 April 2021, from https://psa.gov.ph/national-accounts/base-2018/estimates
Arnel. (2021). MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita. Retrieved 29 March 2021, from https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/melc-aralin-13pagsukat-ng-pambansang-kita
Viloria, L. B. (2018). Paglinang sa Kasaysayan 9: Ekonomiks. Makati City, Philippines: Diwa Learning Systems.
Si Bb. Mara Danica Ramos ay ang AP Coordinator ng Pambansang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng San Jose del Monte. Siya ay nagtapos ng B Secondary Education (Social Studies) sa UP Diliman at ngayo'y nag-aaral ng Diploma in Social Studies Education sa UP Open University. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Araling Panlipunan 8 at 9.