Ang LIKAS ay isang samahan na binubuo ng mga guro at mag-aaral mula sa Araling Panlipunan (AP) at Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP). Nagsisilbi itong samahan na naglalayong itaguyod ang makabuluhang pagkatuto, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapalakas ng mga pagpapahalaga sa kasaysayan, lipunan, at pagkatao. Sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain, proyekto, at kolaborasyon, pinapanday ng Likas ang mga mag-aaral upang maging kritikal, makabayan, at makatao.
Upang higit na makilala ang samahan, pindutin ang mga pindutan sa ibaba.