Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
Krrrrrring, krrrrring... Nag-alarm na iyong alarm clock. Ang iyong selpon. Kumakatok at tinatawag ka na ng iyong Nanay sa pinto. Ano ang iyong unang gagawin?
Maligo? Kumain? Dumiretso sa eskwelahan?
Syempre, ang imulat ang iyong mata! Pwera biro, alinman sa iyong pipiliin o gagawin, papasok ang pag-aaral ng Ekonomiks.
Hindi ba kahanga-hanga ang ating mga magulang? Pareho ang ating mga nanay at tatay ay nagpupursige sa trabaho at nagpaplano upang mapakain tayo sa araw-araw, mabayaran ang mga bayarin, at mapag-aral tayo hanggang mapagtapos. Maaaring ito ang naging inspirasyon ng mga Griyego dahil ang salitang Ekonomiks ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, oikos na ang ibig sabihin ay pamamahala at nomos na ibig sabihin ay tahanan. Kung kaya, ang literal na ibig sabihin nito ay "pamamahala sa tahanan".
Kung susumahin, ito ang pinakamainam na pakahulugan ng Ekonomiks:
Ang Ekonomiks ay sangay ng Araling Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
Ito ang ilang mga puntos na dapat isa-alang-alang:
Ito ay pag-aaral sa ilalim ng Araling Panlipunan.
Ito ay tinutukoy ang mga pangangailangan at kagustuhan.
Ito ay kinikilala ang mga pinagkukunang-yaman at ang limitasyon ng mga ito.
Ang ekonomiks ay agham panlipunan: ito'y gumagamit ng scientific method habang sinasa-alang-alang ang paggalaw ng tao sa lipunan.
Gumagamit ng mga eksaktong modelo na may obhektibong pananaw upang mataya ang epekto ng ekonomiya sa tiyak na paraan.
Nakabatay sa personal na reaksyon o opinyon ng mga tao o lipunan.
Malawak din ang pag-aaral ng Ekonomiks kaya nahahati ito sa dalawang sangay:
Sumusuri sa pamilihan at galaw ng presyo ng mga produkto.
Pag-aaral tungkol sa ekonomiya ng buong bansa.
Tulad ng iba pang mga agham, may mga dalubhasa na nag-aaral ukol sa ekonomiks. Ang mga ekonomista ay mga eksperto na pinag-aaralan ang interaksyon ng tao at pamilihan. Kalimitan, nag-aaral sila ng mga kursong Ekonomiks sa mga pamantasan at nagsisilbi sa iba't ibang mga larangan.
Matutukoy mo ba ang mga ekonomista sa ating bansa?
Naranasan niyo na ba ang mawalan at maubusan ng pera? O kaya magka-brownout o mawalan ng tubig sa inyong lugar? Bakit nga ba walang poreber dito sa mundo?
Ang kakapusan ay likas na umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman. Paminsan, nagkakaroon ng kakulangan kung mayroong natitirang yaman ngunit hindi magamit dahil sa limitadong kakayahan ng tao.
Ibig sabihin, ang lahat ay may hangganan, may katapusan. Ito ay isang katotohanan ng buhay, ang kakapusan. Ngunit, sadyang dahil sa hindi natin maayos na pamamahala sa ating mga likas-yaman, nakakaranas tayo ng kakulangan. Hindi man natin matatakasan ang kakapusan, ngunit sa maayos nating pagdedesisyon at pagkilos ay maaari nating malimitihan ang kakulangan.
Dahil sa kakapusan, kailangan mamili ang tao sa pagitan ng:
Mga bagay na dapat mayroon ang tao upang mabuhay at magamit sa araw-araw na gawain.
Halimbawa: Kailangan mamasahe ni Mario upang makarating sa trabaho bilang isang tubero.
Mga bagay na hinahangad ng tao na nagdudulot ng higit na kasiyahan.
Halimbawa: Bumili si King Koopa ng isa pang mamahaling sasakyan para madagdag sa kanyang koleksyon.
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino?
Gaano karami?