Ang karamihan sa mga KKK Updates ay makikita sa opisyal na Lipunang Kabataan para sa Asal at Sambayanan Facebook page o kaya naman sa City of San Jose del Monte National Science High School page. Ang KKK ay kilala sa mga iba't ibang mga tampok na programa at aktibidad na pinapakilala at pinapanatili kada taon.
Ang CSanSci Bazaar ay ang tampok na aktibidad ng KKK at performance task ng AP 9 sa ikalawang markahan. Nagsimula ito noong SY 2022-2023 sa ilalim ni Pres. Georgina Temblique at nagtapos sa SY 2024-2025 sa ilalim ni Pres. Helaine Magwa. Ang mga ika-9 baitang ay nahahati mga grupo sa ilalim ng 3 kategorya: Sweets, Drinks, at Snacks. Sila ay gagawa ng mga sariling booth, posters, business proposals, at produkto na itinitinda sa covered court. Sa panahon ni Pres. Gabrielle Temblique, naka-integra ang bazaar sa science exhibit ng mga mag-aaral ng ikasiyam na baitang sa science month.
Ang community services ay nagsimula sa isang hamon ni Ma'am Mara Ramos sa mga KKK Officers upang mapagpatuloy ang sinimulan ni Pres. Condalor. Sa unang taon nito, nagkaroon ng Historybook kung saan nakipagtulungan ang KKK sa SSLG at Lexicon upang mapasaya at mabigyan ang mga batang Heights. Sa ikalawang taon sa panahon ni Pres. Magwa, nagsimula silang magdonate sa napiling simbahan ng Tala.
Ang Araw ng Watawat at Kalayaan ay pinagdiriwang mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12. Pinagdiriwang ito ng paaralan sa pamamagitan ng pagdidisplay ng mga flaglets.
Ang Buwan ng Kasaysayan ay pinagdiriwang ng KKK alinsabay ng Buwan ng Wika ng Lexicon. Nagsasagawa ng mga aktibidad at quizbees para mahasa ang mga batang SanSay ukol sa kasaysayan, partikular na sa Pilipinas.
Ang Buwan ng Nagkakaisang Bansa ay pinagdiriwang kaalinsabay ng Buwan ng mga Katutubo. May mga aktibidad at quizbees ang KKK ukol sa daigdig at mga katutubo.
Histoquizbee
Sagisag Kultura
Population Development
Mapakasaysayan
Ang mga fundraising activities ay isinasagawa ng LIKAS upang matustusan ang mga aktibidad at pangangailangan nito. Bilang mga mag-aaral ng AP, naisasabuhay din nila ang kaalaman sa ekonomiks para sa ikauunlad ng organisasyon.