PAGKUWENTUHAN
[Ang kuwentong ito ay mula sa Genesis 3; Job 38:4-7; Isaias 14:12-21; Pahayag 12:7-9]. Habang inilalagay ng Diyos ang pundasyon ng mundo, nanonood ang mga anghel - hangang - hanga at nag-aawitan sa tuwa! Nilikha niya ang magagandang anghel na ito para maglingkod sa kanya.
Pero ang ilan sa mga ito, sa pangunguna ni Satanas, ay nagrebelde sa Diyos. Ito ang simula ng kasalanan. Itinapon sila sa kadiliman, hanggang sa pagdating ng araw na sila'y paparusahan ng Diyos.
Isang araw, nag-anyong ahas si Satanas at lumapit kay Eba. Tinanong niya ang babae, "Totoo bang pinagbawalan kayo ng Diyos na kumain ng bunga ng alinmang puno dito sa hardin?"
Sumagot si Eba, "Puwede daw naming kainin lahat maliban lang sa bunga ng punong nagbibigay ng kaalaman ng mabuti at masama. Mamamatay kami kapag kinain namin iyon o kaya'y hinahawakan."
Sinabi ng ahas, "Hindi totoo 'yan! Sinabi 'yan ng Diyos dahil alam niyang kapag kinain n'yo 'yon, mabubuksan ang isip n'yo, at magiging katulad niya kayo na alam ang mabuti at masama."
Nakita ni Eba na maganda at mukhang masarap ang bunganga iyon. At dahil gusto niyang maging marunong, pumitas siya at kumain. Binigyan din niya ang asawa niyang katabi niya, at kumain din si Adan. Noon din ay nabuksan ang kanilang isip at nalaman nilang hubad sila. Nahiya sila at natakot. Kumuha sila ng mga dahoon, pinagtagpi-tagpi ang mga ito at ginawang pantakip sa kanilang katawan.
Noon din ay nabuksan ang kanilang isip at nalaman nilang hubad sila. Nahiya sila at natakot. Kumuha sila ng mga dahoon, pinagtagpi-tagpi ang mga ito at ginawang pantakip sa kanilang katawan.
Pagdating ng hapon, narinig nila ang Diyos na dumarating. Nagtago sila sa likod ng puno. Tinawag ng Diyos si Adan, "Nasaan ka?"
Sumagot si Adan, "Nagtago ako. Natatakot ao dahil hubad ako."
Tanong ng Diyos, " Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kinain mo ba ang ipinagbabawal kang kainin?"
Sagot naman ni Adan, " Ito kasing babaeng bigay n'yo sa akin. Ibinigay niya sa akin ang bunga ng punong iyon, kaya kinain ko."
"Bakit mo ginawa iyon?" , tanong ng Diyos kay Eba.
Sinisi naman ni Eba ang ahas, "Niloko kasi ako ng ahas na'to, kaya kumain ako."
Sinabi ng Diyos sa ahas, "Sa buong buhay mo'y gagapang ka at ang bibig mo ay palaging kakain ng alikabok. Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya."
Pinalayas sila ng Diyos. Dahil sa kasalanan, nalayo ang tao sa Diyos. Pumasok ang sakit, hirap at kamatayan. Bago sila paalisin, iginawa sila ng Diyos ng damit mula sa balat ng hayop at binihisan.
PAG-USAPAN
Ano ang nais ng Diyos sa tao? Ano ang utos niya?
Ano ang natutunan mo tungkol kay Satanas at sa pamamaraan niya?
Ano ang natutunan mo tungkol sa tao at sa kasalanan?
Ano ang kahalagahan ng kuwentong ito sa mga kahirapang dinaranas natin ngayon?
Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos at sa kanyang tugos sa kasalanan ng tao?
Paano nagtuturo ang kuwentong ito tungkol sa Panginoong Jesus at sa kanyang ginawa para sa atin?
NATUTUNAN NATING....
Si Satanas ay kaaway ng Diyos at siya ring tutukso sa atin para sumuway tayo sa Diyos.
Lahat tayo ay nahulog sa tukso, sumuway sa Diyos, at nagrebelde sa kanya.
Dahil nahiwalay ang tao sa Diyos, kaya merong mga kahirapan, kalamidad at kamatayan. Nasa ilalim tayo ng sumpa at parusa ng Diyos.
Pero napakabuti ng Diyos. Binihisan pa niya ang mga tao para matakpan ang kanilang kahihiyan. Nangako din siya na darataing ang isang tao na dudurog sa ulo ni Satanas. Ang katuparan nito ay ang pagdating ni Jesus at ang kanyang kamatayan sa krus at mauling pagkabuhay.
ROMA 3:10-12 ASD
Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa. Walang nakakunawa tungkol sa Dios, walang nagsiskap na makilala siya. Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa... Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.
SANTIAGO 1:14-15 ASD
Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ang kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantaong ito sa kamatayan.