"MGA NORMAL NA GINAGAWA NG KARAMIHAN NA BAWAL SA BIBLIYA"
1.PANONOOD NG PORNOGRAPIYA.
Matthew 5:28
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
2.PAGSUSUOT NG MGA DAMIT NA MAIKSI AT MGA ALAHAS.
1 Timothy 2:9
Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
3.PAGLALAGAY NG TATTOO SA KATAWAN.
Leviticus 19:28
Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay: ni huwag ninyong lilimbagan ang inyong laman ng anomang tanda; ako ang Panginoon.
4.PAGMUMURA.
Ephesians 4:29
Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.
5.PAGTSITSISMIS.
Proverbs 13:3
Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
6.PAMIMILOSOPO/PAGBIBIRO.
Matthew 12:36-37
³⁶At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.³⁷Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.
7.PAGPAPALIGAYA SA SARILI SA MALING PARAAN.
Genesis 38:9-10
⁹At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid.¹⁰At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman.
━Actually iilan pa lang ang mga yan, marami pang bagay na sinasabi ang Bibliya na hindi dapat natin gawin. READ BIBLE TO KNOW THE TRUTH, mayroong malawak na ipinapahiwatig sa atin ang Mahal na Panginoon sa pamamagitan ng Bibliya kung pag-aaralan natin ito.
Romans 6:23 says:
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
“TEMPTATION KEEPS KNOCKING ON OUR DOORS AND SOMETIMES, BACAUSE OF OUR LACK OF SELF CONTROL. WE TEND TO RESPOND ON IT, INSTEAD OF RESISTING IT.”
Pag isipan mo muna kasing mabuti, Wag kang sumugal sa bagay na sa una palang ay alam mo ng mali. Sapagkat mapang-akit ang kasalanan, mapanlinlang ang kasamaan. Wag kang um-oo sa temptasyon sapagkat dadalhin ka lang nito sa delikadong sitwasyon.
“Ang pagiging matuwid ang basehan sa paglilingkod sa Diyos, hindi ang kahusayan. God doesn't look for the gifted ones; He looks for the faithful ones.”