PAGKUWENTUHAN
[Ang kuwentong ito ay mula sa Genesis chapters 1-2]. Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang mundo. Wala pa ang lahat ng bagay narito ang Diyos. Lahat ay nagmula sa Diyos at para sa karangalan ng Diyos.
Sa kapangyarihan ng kanyang salita, nilikka ang lahat. Nang sinabi niyang, "Magkakaroon ng liwanag", nagkaroon nga ng liwanag. Sinimulang buuin ng Diyos ang mundong magsisilbing kaharian ng Diyos. Sa loob ng anim na araw, pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman, ang tubig at kalawakan, ang tubig at lupa sa mundo. Nilikha niya ang araw, buwan at mga bituin. Pati ang iba't ibang uri ng puno at halaman. Pati ang mga isda, mga ibon at iba pang mga hayop. Nasiyahan ang Diyos sa ganda ng mga ginawa niya.
Pero may kulang pa. Pagkatapos niyang ihanda ang mundo, sinabi ng Diyos, "Likhain natin ang tao ayon sa ating larawan. Sila ang mamamahala sa mundo at sa lahat ng naririto." Kaya dumampot ang Diyos ng lupa. Hiningahan niya ito, nagkaroon ng buhay, at naging tao. Siya ang unang lalaki na ang pangalan ay Adan.
Sinabi ng Diyos, "Hindi mainam sa tao ang nag-iisa. Kaya igagawa ko siya ng kasamang makakatulong sa kanya." Pinatulog ng Diyos si Adan. Mula sa isa sa kanyang mga tadyang ay nilikha si Eba, ang unang babae. Sa ganyang paraan nilikha ng Diyos ang tao na lalaki at babae ayon sa wangis niya.
Sinabi niya sa knila, "Magpakarami kayo para kumalat ang lahi ninyo at mamahala sa buong mundo." Pinagpala ng Diyos ang unang mag-asawa.
Inilagay niya sila sa isang saganang hardin. Sa gitna nito, merong dalawang espesyal na puno- ang punong nagbibigay-buhay at ang punong nagbibigay ng kaalaman ng mabuti at masama. Sinabi ng Diyos kay Adan, "Pwede n'yong kainin kahit ano maliban lang sa bunga ng punong nagbibigay ng kaalaman ng mabuti at masama. Kung kakain kayo mula rito, mamamatay kayo."
Araw-naraw ay dumarating ang Diyos at nakikipag-usap sa kanila. Tinuturuan niya sila kung paano mamuhay nang may malapit na relasyon sa kanya. Masaya silang kasama ang Diyos.
Tiningnan ng Diyos ang lahat ng ginawa niya at lubos siyang nasiyahan. Sa ika-pitong araw, nagpahinga siya at naglaan ng isang araw sa linggo bilang araw ng pamamahinga para sa tao.
PAG-USAPAN
Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?
Paano isinalarawan ang lahat ng nilkha ng Diyos? Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos?
Ano ang kaibahan ng tao sa lahat ng nilikha ng Diyos? Paano mo dapat tingnan ang sarili mo at ang ibang tao?
Ano ang relasyon ng Diyos sa tao? Ng tao sa tao?
Para saan ang dalawang puno sa gitna ng hardin?
Ano ang magandang layunin ng Diyos para sa atin?
NATUTUNAN NATING...
Makapangyarihan at mabuti ang Diyos. Mabuti ang lahat ng kanyang ginawa.
Ang ltao ay nilikha na lalakit at babae ayon sa larawan ng Diyos. Mahalaga ang buhay ng bawat tao. Nilikha niya tayo sa malapit na relasyon sa Diyos at sa isa't isa, lalo na sa mag-asawa.
Nais niya na maranasan natin ang buhay na kasiya-kasiya at ayos sa kanyang kalooban.
Ang pagpapasya kung ano ang mabuti at masama ay dapat nating ipagkatiwala sa Diyos, at hindi sa sarili nating kagustuhan.
GENESIS 1:26-27 MBB
Pagkatapos sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayos sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit." Nilalang nga ang Diyos ang tao ayos sa kanyang larawan.
COLOSAS 1:1-15-16 MBB
Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.