PAGKUWENTUHAN
[Tutupad kaya ang Diyos sa kanyang pangako? Ito naman ang kuwento ng Bagong Tipan/ New Testament]. Nakasulat sa aklat ng mga propeta na darating ang isang Tagapagligtas na mula sa lahi ni Abraham. Ipapanganak siya ng isang birhen sa bayan ng Betlehem. Siya ang aako sa kasalanan ng lahat at maghahari magpakailanman.
Makalipas ang ilandaang taon, nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria. Sabi ng anghel, "Magkakaroon ka ng isang anak na lalaki. Ang kaharian niya ay walang katapusan. Mabubuntis ka sa pamamagitan ng Espiritu. At siya'y tatawaging Anak ng Diyos."
Sinabi din niya na ang lalaking ito ang pinakahihintay na Hari at Tagapagligtas. Totoo nga, nagsilang si Maria sa Betlehem ang isang lalaki. Pinangalanan siyang Jesus, na ang ibig sabihin, "Ang Diyos na Nagliligtas."
Lumaki si Jesus na kinalulugdan ng Diyos at ng mga tao. Sa buong buhay niya, lagi niyang pinipiling sumunod sa gusto ng Diyos at laging gawin kung ano ang tama at mabuti sa paningin ng Diyos.
Pinatunayan ni Jesus na siya nga ang ipinangakong Tagapagligtas sa pamamagitan ng maraming mga himala tulad ng pagpapagaling sa mga maysakit. Sa pamamagitan nito, ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan bilang tunay na Diyos at Panginoong dapat sundin.
Nanawagan si Jesus sa mga tao, "Dumating na ang Kaharian ng Diyos. Magsisi kayo at maniwala sa Magandang Balita." May ilang nakinig at sumunod sa kanya.
Sa kabila ng mga ginawa niya, marami ang kumalaban sa kanya, lalo na ang mga pinuno ng relihiyon nila. Ipinadakip siya, binugbog, pinahihirapan at ipinako sa krus hanggang mamatay. Pero ito rin ang itinakdang paraan ng Diyos para iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ang buhay at kamatayan ni Jesus ang naging pantubos sa ating mga asalanan.
Namatay si Jesus, inilibing, at sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay. Sa pamamagitan nito, nagtagumapay siya laban sa kasalanan at sa kamatayan. Nasaksihan ito ng 500 katao.
Sabi ni Jesus sa mga tagsunod niya, "Puntahan n'yo ang lahat ng lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan n'yo sila at turuang sumunod sa lahat ng utos ko. Sasamahan ko kayo sa pamamagitan ng aking Espiritu." Pagkatapos, bumalik na si Jesus sa kanyang Ama sa langit. Kitang-kita ng mga tagasunod niya ang pag-akyat niay sa ulap.
Pagkaraan ng ilang araw, dumating nga ang Espiritu ng Diyos sa mga tagasunod ni Jesus. Siya ang magpapaalala sa kanila ang lahat ng itinuro ni Jesus,babago sa kanila para maging tulad ni Jesus, at magbibigay ng kakayahang mamuhay sa kagustuhan ng Diyos.
Ito ang simula ng Iglesiya (Church), isang komunidad o pamilya ng Diyos na sama-samang sumamba sa kanya, nagmamahalan sa isa't isa at pinagtutulungan ang misyong iniwan ni Jesus.
Inaanyayahan tayo ng Diyos na ang buhay natin ay maging bahagi ng napakagandang Kuwentong ito. Sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, ipinapakita natin ang pagsisisi, pagtitiwala at pagsunod natin kay Jesus.
Babalik si Jesus. Sa araw na iyon, ang lahat ng kasalanan, hirap, at kamatayan ay tulyan nang maglalaho. Masayang makakasama natin ang Diyos magpakailanman. Pero ang mga di nagtiwala kay Jesus ay tatanggap ng walang hanggang parusa.
Habang hinihintay natin ang pagbabalik niya, patuloy tayong mamuhay ayos sa kagustuhan ng Diyos. Patuloy din nating ikukuwento at ipapakita sa mga tao kung ano ang buhay na ang sinusunod ay ang Panginoong Jesus.
PAG-USAPAN
Ano ang nakita mong pagkakatulad ni Jesus sa Diyos? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kanya?
Paano namuhay si Jesus bilang tao? Ano ang pagkakaiba niya sa atin?
Ano ang kahalagan ng kanyang kamatayn sa krus at muling pagkabuhay?
Para makabalik tayo sa Diyos, ano ang dapat nating b maging tugon sa kanyang ginawa para sa atin?
Paano namumuhay ang isang tagasunod ni Jesus?
NATUTUNAN NATING
Si Jesus ay tunay na tao at tunay na Diyos. Siya ang nag-iisang Tagapamagitan sa Diyos at sa taing mga makasalanan. Wala siyang kasalanan kahit isa. Lahat ng utos ng Diyos ay sinunod niya. Siya ang katuparan ng ipinangakong Tagapagligtas,
Namatay siya sa krus para akuin ang parusa sa taing mga kasalanan. Muli siyang nabuhat sa ikatlong araw para pagtagumapayan ang kasalanan at kamatayan. Bumalik siya sa langit, at nangakong muling babalik sa mundo.
Ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos, at hindi sa pamamagitan ng ating mga gawa. Matatanggap nain ito sa pamamagitan ng pagsisi at pananampalataya kay Jesus.
Ang isang tagasunod ni Jesus ay sumunod sa pagpapabautismo sa tubig bilang pagpapahayag ng kanyang pananampalataya, kabilang sa iglesya bilang isang pamilya ng Diyos, at namumuhay ayon sa nais ng Panginoon. Ikinuwento niya rin sa ibang tao ang tungkol sa Mabuting Balita (gospel) ng pagliligtas ni Jesus, hanggang sa kanyang muling pagbabalik.
ROMA 3:21-25 ASD
Pero ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan na mismo at ang mga propeta ang magpapatotoo rito. 22 Ang tao'y itinuturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. At walang pinapaboran ang Dios. Kaya ang sinumang sumampalataya kay Jesu-Cristo ay itinuturing niyang matuwid. 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios. 24 Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Ito'y regalo ng Dios. 25 Isinugo ni Cristo-Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa gannoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sumampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong una'y nagtimpi siya at pinalambas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sana'y pinarusahan na sila.
TUGON
Naniniwala ka ba na totoo itong Mabuting Balita na nakasulat sa Bibliya - at lahat ng sinasabi nito tungkol sa Diyos, sa tao, kay Jesus, at kung paano tayo maliligtas?
Handa ka na bang pagsisihan ang mga kasalanan mo at humingi ng tawad sa kanya?
Nagtitiwala ka ba kay Jesus at sa kanyang ginawa para sa iyo at hindi na sa sarili mong gawa?
Gusto mo rin bang maging isa sa mga tagasunod ni Jesus?
[ Anyayahan mo silang manalagin nang tahimik, kausapin ang Diyos para ipahayag ang kanilang pagsisisi't pananampalataya. Pagkatapos ay ipanalangin sila.]