Mga Tanda, Mga Kababalaghan at mga Himala.
Isang Tanda sa buong mundo na ang Diyos ay buhay sa kasalukuyan...
Katunayan na Siya ay lubhang makapangyarihan. Kaya Niyang gawin ang anomang bagay na hindi kayang magawa ng mga doktor, natamo man nila ang lahat ng kanilang mga pagsasanay,.... Katunayan na kaya Niyang gawin kung ano mang bagay na hindi kayang gawin ng mga namumuno sa buong mundo, na kasama ang kanilang malakas na puwersa sa kanilang likuran,... Katunayan na kaya Niyang gawin ang isang bagay na HINDI kaya anomang kapangyarihan!
Katibayan na ang kapahiran ng Diyos ay nasa isang lalake, o babae, o isang ministeryoso.
Mga Tanda, Mga Kababalaghan at Mga Himala!
OO, ako'y naniniwala sa mga himala! Ako'y nagkaroon ng tanging karapatan na ipatong ang aking mga kamay sa hindi mabilang na libo-libong nilalang sa buong mundo.... at makita ang mga bulag ng mga mata na nangabukas, mga paang pilay na nakalakad, mga taingang bingi na nakaring at mga labi na nakapagsalita...
Ako'y nanalangin sa mga tao na sumulat sa akin na nagsasabing mayroon silang mga suliranin sa pananalapi... at narinig na sila'y nakatanggap ng malaking mga halaga na sa tseke mula sa hindi inaasahang pinanggalingan!
Simula pa noong 1970's, nang ang mga ipinagbawal na gamot ay unang naihayag bilang sakit ng buong mundo na katulad sa kasalukuyan, isinumpa ko ang mga demonio na nagpahirap sa mga "teen-agers" at gumapos sa mga kabataan at iniutos ko ang kalayaan para sa kanila... at marami, maraming pagkakataon, aking nakita ang MADALING mga pagbabago at panghabang-buhay ng mga bunga!
Sa loob ng mga apatnapung taon, ako'y nakapangaral sa buong mundo-- sa lahat ng dako-- mula sa mga palasyo ng mga pangulo hanggang sa malaking istadyum, sa maliliit na mga kubo, sa isang naihiwalay na kagubatan. Sa tuwina, ang mensahe ay hindi nagbabago:
KUNG IKAW AY MAY PANGANGAILANGAN, AY MAARI KANG MAGTAMO NG HIMALA!
Pentecostal na simulain, ang kapangyarihan ng Buhay na Diyos, at paanong matatanggap ang kapahiran at mga pagpapala ng Diyos .... datapuwa't ikaw din ay magtataglay ng matatag na kaalamang kumikilos mula sa katuruan ng BUONG BIBLIA!
1.
UNANG KABANATA
Marcos 16, KATIBAYAN NG MINISTERYOSONG KRISTIYANO
ISAIAS 8:18
18 NARITO AKO AT ANG MGA ANAK NA IBINIGAY NG PANGINOON SA AKIN AY MGA PINAKATANDA AT PINAKA KABABALAGHAN SA ISRAEL NA MULA SA PANGINOON NG MGA HUKBO, NA TUMATAHAN SA BUNDOK NG SION.
MARCOS 16:14-20
14 AT PAGKATAPOS SIYA'Y NAPAKITA SA LABINGISA SAMANTALANG SILA'Y NANGAKAUPONG NAGSISIKAIN; AT PINAGWIKAAN SILA SA KAWALAN NILA SA PANANAMPALATAYA AT KATIGASAN NG PUSO, SAPAGKAT HINDI SILA NAGSIPANIWALA SA MGA NANGAKITA SA KANIYA PAGKATAPOS NA SIYA'Y MAGBANGON.
15 AT SINABI NIYA SA KANILA, MAGSIYAON KAYO SA BOONG SANLIBUTAN, AT INYONG IPANGARAL ANG EVANGELIO SA LAHAT NG KINAPAL.
16 ANG SUMASAMPALATAYA AT MABAUTISMUHAN AY MALILIGTAS; DATAPUWA'T ANG HINDI SUMASAMPALATAYA AY PARURUSAHAN.
17 AT LALAKIP ANG MGA TANDANG ITO SA MAGSISIMPALATAYA MANGAGPAPALABAS SILA NG MGA DEMONIO SA AKING PANGALAN; MANGAGSASALITA SILA NG MGA BAGONG WIKA;
18 SILA'Y MAGSISIHAWAK NG MGA AHAS, AT KUNG MAGSISIINOM SILA NG BAGAY NA MAKAMAMATAY, SA ANOMANG PARAAN AY HINDI MAKASASAMA SA KANILA; IPAPATONG NILA ANG KANILANG MGA KAMAY SA MGA MAY-SAKIT, AT SILA'Y MAGSISIGALING.
19 ANG PANGINOONG JESUS NGA, PAGKATAPOS NA SILA'Y MANGAKAUSAP NIYA, AY TINANGGAP SA ITAAS NG LANGIT, AT LUMUKLOK SA KANAN NG DIOS.
20 AT NAGSIALIS SILA, AT NAG