INTRODUCTION/REVIEW
Review: Ano ang natutunan mo sa first three lessons ( the three-legged stool)? Ano ag natutunan mo last week? Ano ang basehan o batayan ng Diyos sa pagtanggap sa'yo?
Maliligtas tayo hindi sa pamamagitan ng sarili nating gawa, kundi sa pamamagitan lang ng gawa ni Cristo para sa atin - by grace alone through faith alone in Christ alone.
Ilagay ang sarili sa karaniwang tao na nagsasabing Cristiano sila at sagutin ang tanong na: " Ano ang tunay na Cristiano?"
Ilan sa mga maaaring isagot sa tanong na'to: nagbabasa ng Bibliya, nagsisimba, nabinyagan o nabautismuhan, lumapit sa harapan ng "altar call" nagpray ng "prayer to receive Christ." Ngunit para kay Cristo, ano nga ba ang isang tunay na Cristiano? 'Yan ang pag - aralan natin ngayon at sa susunod na lesson.
A. SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO?
Basahin ang Mark 1:15. Ang isang tunay na Cristiano ay siyang kabilang sa Kaharian ng Diyos.
Ngunit paanong ang isang tao ay mapapabilang sa Kaharian ng Diyos? Sa pamamagitan ng; una, pagsisi sa kasalanan (repentance); at pangalawa, paniniwala sa Mabuting Balita ( faith). Ngayon tingnan natin kung ano ang tunay na pagsisisi o repentance.
B. ANO ANG PAGSISISI?
Ano ang maling klase ng pagsisisi? Tulad ng isang batang nahuli ng magulang na kumukuha ng candy sa garapon, matapos pagbawalan ng magulang. Maaaring mag-sorry na umiyak pa dahil sa takot na paluin o hindi na pagbigyan. Ang pag-iyak dahil sa takot na maparusahan ay hindi pagsisisi. It is more than feeling bad or guilty.
Basahin ang 2 Corinthians 7:10. Ano ang ipinagkaiba ng tunay na pagsisisi sa hindi tunay?
Basahin ang Mark 8:34-35. Ano ang ibig sabihin ng "krus" na dapat nating pansinin ( alalahanin ang kahulugan ng krus sa lesson 2)? Ano ang kinalaman nito sa sarili natin?
"Ang pagsisisi tungo sa buhay ay isang nakapagligtas na biyaya, kung saan ang isang makasalanan, dahil sa kanyang tamang pagkilala sa kanyang kasalanan, at pagkaunawa sa awa ng Diyos na nakay Cristo, ay tumalikod mula dito patungo sa Diyos, nang may buong layunin at kasunod na pagsisikap sa isang panibagong pagsunod" ( Westminster Shorter Catechiism).
#1 - SI CRISTO MUNA BAGO ANG SARILI KONG KAGUSTUHAN
Basahin ulit ang Mark 8:34-35. Ano ang panawagan dito ni Jesus? Sino dapat ang nasa unahan? Ano ang ibig sabihin nito?
Illustration: Tulad ng paglipat ng bahay. Ang paglipat ay minsanan lang. Katumbas nito ang panahon na tayo'y nagkaroon ng bagong buhay ( new birth/regeneration). Ngunit paglipat ng bahay, palagian at tuluy-tuloy ang renovation o pagsasaayos. Ganun din sa buhay ni Cristo, maraming bahagi ng buhay ang dapat ayusin (sanctification).
#2 - SI CRISTO MUNA BAGO ANG SARILI KONG AMBISYON
Basahin ang Mark 8:36-37. Ano ang ambisyon o pangarap mo sa buhay? Paanong nagiging masama ang mga ambisyong ito?
Ano ang kinalaman nito sa pagsunod kay Cristo? Maaari ring basahin ang 1 Timothy 6:10
#3 - SI CRISTO MUNA BAGO ANG SARILI KONG REPUTASYON
Paanong nakakahadlang sa pagtingin natin sa sarili nating repustasyon sa pagsunod kay Cristo? Ano ang warning ni Jesus tungkol dito sa Mark 8:38?
Sabi ni John Stott, "Either we are unfaithful in order to be popular, or we will look unpopular in order to be faithful. We can't be both." Ano ang pinagkakaintindi mo dito?
Ang pinamamahalaan ng kasalanan ay tumitingin unang- una sa sarili. Ang mga tunay na Cristiano, kay Cristo tumitingin. Review: Anu-ano ang natutunan natin sa Mark 8:34-38 tungkol sa pagsunod kay Cristo.
#4 - SI CRISTO AT HINDI SARILI ANG ITATAAS
Basahin ang Proverbs 16:18. Ano ang warning sa talatang ito?
Ayon sa Mark 9:43-48, ano ang kapahamakang naghihintay sa mga proud sa sarili nila at ayaw tumalikod sa kasalanan? Ano ang dapat na damdamin at response natin tungkol dito?
C. NAPAKAHIRAP BA NITO?
Basahin ang Mark 10:17-28. Ano ang problema ng lalaking mayaman sa kuwentong ito? Ano ang ipinagkaiba nito sa mga disciples ni Jesus?
CONCLUSION
Paano ako magiging isang tunat na Cristiano? Gagawin kong una sa Cristo sa aking...
Pagtalikod ( mula sa kasalanan)
Pagtiwala ( sa kanya)
Paglalakbay ( kasama siya)
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan..."( Mat. 11:28-29, Ang Biblia)
Ano ngayon ang response mo sa lesson na'to? Anu- among bahagi ng buhay mo ang nakahahadlang sa'yo sa lubos na pagsunod kay Cristo?