PAGKUWENTUHAN
[Ang unang bahaging ito ay galing sa Lumang Tipan/Old Testament.] Ang Kuwentong ito ay galing sa Bibliya. Totoo ito dahil ito'y Salita ng Diyos. Ang Diyos ang Bida sa Kuwentong ito. Siya ay banal. At lahat ng kanyang ginagawa ay tama, mabuti at perpekto.
Sa pasimula, nilikha niya ang langit at mundo. Sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita, nalikha ang lahat sa loob ng anim na araw. Pinaganda niya ang mundo at pinuno ng halaman at hayop.
Sa ika-anim na araw, sinabi ng Diyos, "Likhain natin ang tao- lalaki at babae-ayos sa ating larawan." Nilikha niya ang tao para sambahin siya at mamuhay ayon sa nais niya.
Pinatira ng Diyos sina Adan at Eba sa isang hardin. Pinagpala sila ng Diyos at sinabi, "Magpakarami kayo at pamahalaan ang lahat ng nilikha ko sa mundo." Naging malapit ang relasyon nila sa Diyos.
Pero di nagtagal, pinili nilang magrebelde laban sa Diyos. Ginawa nila ang gusto nilang gawin, kahit na ito ay pagsuway sa utos ng Diyos. Magtuwid ang Diyos at di niya basta-basta babalewalain ang kasalanan. Kaya pinalayas sila sa hardin. Dahil nalayo sila sa Diyos, pumasok sa buhay ng tao ang pag-aaway, paghihirap, at kamatayan.
Pagkatapos nito, dumami nang dumami ang mga tao. Kumalat ang kasalanan sa mga anak nina Adan at Eba- hanggang sa mga sumunod na henerasyon. Kahit na ang tao'y nilikha sa larawan ng Diyos, pinili ng lahat ng tao a sumaway sa Diyos. Naging marahas sila sa isa't isa. Nagpatuloy ito sa mga sumunod pang ilang libong taon.
Sa kabila ng kasamaan ng tao, may plano ang Diyos na ayusin ang relasyon ng tao sa kanya. Nagsimula ito kay Abraham. Nagbitiw ang Diyos ng isang matibay na pangako sa kanya. Sinabi ng Diyos sa kanya, "Gagawin kitang ama ng isang malaking bansa. Ang buong mundo ay pagpapalain ko sa pamamagitan mo. Ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging akin."
Kahit matanda na si Abraham, naniniwala pa rin siya sa pangako ng Diyos na bibigyan siya ng anak. Dahil nagtiwala siya sa Diyos, itinuring siyang matuwid at may malapit na relasyon sa Diyos.
Nagkaanak si Abraham, at lumaki nang lumaki ang pamilya niya. Tinawag silang mga Israelita. Sila ang magpapakita sa lahat ng tao kung paano mamuhay ayos sa nais ng Diyos.
Binigyan sila ng Diyos ng isang malki at saganang lupain. Nagtagumapay sila laban sa mga kaaway nila. Lalo pa silang pinagpala ng Diyos bilang pagtupad sa mga pangako niya.
Di nagtagal, gianawa nila kung ano ang gusto nila. Nagrebelde sila, sumamba sa mga dios-diosan, at sumuway sa mga utos ng Dios. Dahil sa pagrerebelde nila, pinarusahan sila ng Diyos. Pinalayas sila sa lupain nila at inalipin ng mga bansang kaaway nila.
Pero hindi pa rin sila pinabayaan ng Diyos. Nagpadala siya ng mga mensahero sa kanila para bigyan sila ng babala tungkol sa bigat ng parusa ng Diyos, at hikayatin silang magbalik-loob sa Diyos.
Nangako ang Diyos na isa sa lahi nila ang darating para akuin ang mga kasalanan nila at ilapit silang muli sa Diyos. Hindi lang ito para sa lahi nila, kundi para sa lahat ng lahi sa buong mundo.
Ilandaang taon na hindi nagsalita ang Diyos sa kanila. Sa panahong ito, tinatawag na silang Judio. Nasa ilalim na sila ng pamamahala na kaharian ng Roma, at naghihintay sa darating na Tagapagligtas.
PAG-USAPAN
Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?
Ano ang nais ng Diyos para sa tao?
Ano ang naging problema ng tao?
Ano ang tugon ng Diyos sa problemang ito?
Kaya ba ng tao na bumalik sa Diyos?
Ano ang ginawa at ipinangako ng Diyos na gagawin niya para maibalik ang tao sa Diyos?
NATUTUNAN NATING....
Banal ang Diyos. Makapangyarihang lumikha sa lahat ng bagay at sa ating mga tao ayon sa kanyang larrawan. Nais niyang sambahin natin siya at sundin. Nais niyang magkaroon tayo ng magandang relasyon sa kanya at sa isa't isa.
Makasalanan tayong mga tao. Nagrebelde tayo at nahiwalay sa Diyos. Sumamba tayo tayo sa mga di tunay na diyos at ipinagpalit natin siya. Dahil matuwid at makatarungan siya, nararapat lang na parusahan tayo. Matindi ang parusa ng Diyos.
Wala tayong kakayahang sumunod sa Diyos, magbalik-loob sa kanya at iligtas ang ating mga sarili.
Nangako ang Diyos na siya ang maliligtas sa atin, at ipapadala niya ang isang Haring Tagapagligtas.