INTRODUCTION/REVIEW
Ano ang layunin ng pag-aaral natin?
Nakakasihurado ka bang mapupunta ka sa langit kung sakaling mamamatay ka ngayon din? Bakit oo, o bakit hindi, o bakit hindi mo alam?
Ano ang natutunan mo sa Week 1 study natin ('unang paa")? Week 2 ("ikalawang paa")? Week 3 ("ikatlong paa")?
Meron ka bang mga tanong sa Mark chapters 11-16?
Sa susunod na tatlong lessons (Week 4-6), sasagutin natin ang tanong na, "Paano makasisigurado na meron akong buhay na walang hanggan (eternal life)? o "Paano ako makasisiguradong ako nga ay isang tunay na Christian?"
A. KALIGTASAN: DAHIL BA SA BIYAYA (GRACE), O SA MGA GAWA?
Kung sakaling mamamatay ka mamayang gabi at magbibigay ng pagsusulit ng buhay mo sa paghatol ng Diyos, paano mo ipagtatanggol ang sarili mo? Paano mo masasabing karapat-dapat ka sa harapan niya?
Dalawa lang ang posibleng sagot dito:
(1) sa pamamagitan ng sarili nating kabutihan o pagiging matuwid (righteousness) ( kung ano ang ginawa natin); at
(2) sa pamamagitan ng kabutihan o pagiging matuwid ng iba ( walang iba kundi si Jesus!).
Ang dalawang sagot na'to ay nag-rerepresent sa dalawang klase ng relihiyon sa buong mundo;
(1) relihiyong nagsasabing: "Para maligtas ka, ganito ang gawin mo, ganito ang 'wag mong gawin..."
(2) relihiyong nagsasabi : "May gumawa na, Tapos na." Christianity lang, yung totoong biblical version ng pagiging Christian, ang kabilang sa pangalawang category. "Nagawa na" ito ni Cristo sa krus, wala na tayong maaaring gawin upang matanggap ng Diyos. Si Jesus, si Jesus lang, ang paraan para tayo'y matanggap at makalapit sa Diyos.
Tignan natin ngayon kung bakit mali ang unang sagot, at pagkatapos naman ay kung bakit tama ang ikalawang sagot...
B. ANG MALING SAGOT - KUNG ANO ANG GINAWA KO
Ano ang batayan o basehan ng Diyos sa kanyang pagtanggap sa atin? AAng maling sagot dito ay sa pamamagitan ng mga nagawa natin - kung anu- ano ang mga ginawa mo o hindi mo ginawa. Wala kang magagawa para gawing matuwid sa harapan ng Diyos.
Bakit mali, hindi sapat, at hindi katanggap-tanggap sa Diyos na ang kaligtasan natin ay batay sa mga ginawa o hindi natin ginawa? Dahil sa sukatan ng Diyos ay 100%. Wala dapat dungis o kalikuan ( basahin ang Matthew 5:48 at 1 Peter 1:16). Kung 'yan ang sukatan o standard, lahat tayo ay bagsak, bagsak na bagsak ( basahin ang James 2:10 at Galasians 3:10). Ang listahan ng mga kasalanan natin ( illustration sa Week 2), gaano man kalaki o kaliit, ay naghihiwalay sa atin nang pangwalang-hanggan sa Diyos na perpekto sa kanyang kabanalan ( holiness) at katarungan (justice).
Basahin ang Mark 7:20-23. Ipinaliwanang ni Jesus ang kasalanan ay hindi lamang tungkol sa mga ginagawa o sinabi natin, o kahit sa mga iniisip na maling bagay. Mas malala pa doon ang sakit natin. Ang kasalanan ay likas na sa atin, nasa puso natin, at ito ang naglalarawan sa ating pagkatao. Tayo'y gumagawa ng kasalanan dahil tayo'y likas na makasalanan ( We sin because we are sinners by nature). Lahat tayo ( basahin ang Roma 3:23)
Measles/ band-aid illustration...
Lumapit ka sa doktor upang gamutin ang tigdas ( measles) mo. Nilagyan niya lang ng band-aid 'yung mga spot na may pangit tignan. Bakit yun hindi epektibong solusyon?
Ganun din sa kasalanan. Ang problema natin ay hindi lang ang ginagawa natin kundi ang puso nating parang terminal cancer na ang sakit. Hindi natin pwedeng takpan ang kasalanan ng mabubuting gawa. Dapat lumapit tayo sa tunay na makagagamot nito.
C. ANG TAMANG SAGOT - KUNG ANO ANG GINAWA NI JESUS
Ano ang batayan o basehan ng Diyos sa kanyang pagtanggap sa atin? Ang tamang sagot ay hindi ito nakasalalay sa mga gawa natin, kundi sa kung sino at kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin.
Basahin ang Ephesians 2:8-9. Itinuturo ng Bibliya na tayo'y naligtas hindi sa pamamagitan ng naipon nating mga mabubuting gawa, kundi sa pag-ibig at kagandahang - loob ( grace) ng Diyos.
Ang "grace" o "biyaya" ay ang kabutihan ng Diyos na hindi natin karapat-dapat tanggapin. Sa biyaya ng Diyos, ang dapat para sa atin ay hindi natin tinanggap. Kabaligtaran pa nito ang tinanggap natin. At ito ay dahil sa (1) awtoridad ni Jesus bilang Diyos, (2) kamatayan niya, at (3) ang kanyang muling pagkabuhay.
Ito ay libreng regalo ng Diyos. Napawalang-sala tayo dahil lang sa biyaya ng Diyos ( by grace alone) sa pamamagitan lang ng pananampalataya ( by faith alone) kay Cristo lang ( in Christ alone). Basahin ang Romans 3:28 at 10:9.
Ang pananampalataya ito, kung tunay, ay nagbubunga ng gawang mabuti (tignan ang Ephesians 2:10 at Titus 2:11-14). Ang kaligtasang regalo ng Diyos ay hindi excuse o license na gumawa ng kasalanan, kundi motivation pa nga para sumunod sa kalooban ng Diyos.
CONCLUSION
Hindi lang tama o maling sagot ang nakasalalay dito. Ang una ay tungo sa kapahamakan. Ang pangalawa naman ay tungo sa buhay na walang hanggan. It is a matter of life and death. Eternity is at stake here.
Ang kaligtasan ni Cristo at ang kaharian ng Diyos ay dapat tanggapin bilang regalo; hindi ito mapagtratrabahuhan sa pamamagitan ng gawa ng tao. Mkakapasok lang dito ang mga taong kinikilalang sila'y makasalanan at walang magagawa para iligtas ang kanilang sarili, at tumalikod sa sarili at nagtitiwala kay Cristo. Sa pamamagitan nito matitiyak nating tayo ay may buhay na walang hanggan. Dahil ito ay regalo, dapat itong tanggapin, hindi bayaran. Ito ang biyaya ng Diyos, regalo ng Diyos.
Sa susunod na dalawang lessons, pag- aaralan natin kung paano tanggapin ang libreng regalo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsisisi sa kasalanan, at pagtitiwala kay Cristo.