Telemedical Consultation on COVID19 comparing me what I underwent for myself

20apr1

Received this query in my Messenger: TCPerez

Has a situation almost similar as mine (comparing to what happened to me and what I went through re:COVID)

Hello Doc! Nasusundan ko po ang kwento nyo. Pwede po bang magtanong? Pwede bang ikwento ko muna Doc? Salamat po.

Ang anak ko po ay may co-teacher na nakasama pa nya sa classroom last March 13 po, yung co teacher nya namatay ang tatay last March 21 or 22 po ata dahil sa Covid.

Si co teacher po tinawagan lahat ng nakasama nya sa room kasama ang anak ko. Medyo nakaramdam daw ng konting sakit sa katawan si co teacher at dahil ang tatay nya namatay din sa covid pati pinsan nahawaan kaya po nagpa swab test po sya nung March 24 (wala pa pong result hanggang ngayon) nirecommend nya po ang anak ko for swab test kasi nung March 16 to 20 may cough and colds anak ko dahil may history naman po sya ng allergic rhinitis magkakasama pa po kami sa sala, sa bedroom pero wala naman pong nahawa.

Pero ng tawagan sya ng co teacher nya na namatay ang tatay nya saka lang sya humiwalay sa amin nun.

Tulad ng wife nyo inalagaan ko rin po anak ko at nawala po ang ubo at sipon nya. (Iniisip namin dahil sa allergy nya yun). Nauna lang po sya sa inyo ng 1 day na magquarantine. Wala na po syang ubo at sipon. Pwede na po ba namin syang palabasin sa room tulad nyo?

Pero sabi ng CESU Surveillance Unit mag extend pa ng 1 week till April 8 po. Kaming kasama nya e ok naman po. Ako lang po ang hindi dahil nagpapanic ako.

Thank you po kung mabigyan pansin msg ko Doc. Kahit hindi Slamat din po. Salamat din po sa Diyos at ok din po kayo.

My answer: Sundin na lang ang payo ng CESU. Huwag maapura. Safer.

ROJ@20apr1