SDCA Journal of Education

Ang bisa ng problem-based learning sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga dayuhang mag-aaral ng De La Salle College of Saint Benilde

Evangeline C. Siat

Imelda L. San Diego

School of Arts, Sciences, and Education, St. Dominic College of Asia, Bacoor, Cavite

Abstract

Ang Problem-Based Learning (PBL) ay isang pamamaraan na humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral na matuto sa pagkatuto (learn to learn), magkakatuwang na paggawa ng mga mag-aaral sa pagtugon sa napapanahong problema ng mundo. Upang maunawaan ang PBL, napili ang apatnapu’t dalawang (42) dayuhang mag-aaral pagbuo ng mga gawaing lulutas sa nabuong problema tungkol sa leksyon o paksa. Ayon sa resulta, nakatutuwang isipin na ang mga mag-aaral ay kinakitaan ng interes sa pagkatuto gamit ang Problem-Based Learning. Dahil dito, iminungkahi ng pag-aaral na ito na gamitin at higit pang pauunlarin at palalawakin ang paggamit ng PBL bilang isang teknik sa pagtuturo ng Filipino.

Keywords: Problem-based learning, Filipino, dayuhang mag-aaral, De La Salle College of Saint Benilde.