SDCA Journal of Communication and Media Studies

Patnubay sa pagsasaling-wika

Romeo P. Gonzalvo Jr.

Independent Researcher

Abstract

Ang pagsasaling-wika ay isang uri ng pagtuturo ng lenggwaheng banyaga sa hangarin na ipahiwatig ang mensahe sa ibang wika sa pagitan ng orihinal at ng saling teksto upang makasiguro na ang kapwa teksto ay kayang makipagtalastasan habang patuloy na sinasalubong ang mga puwersang dapat bigyang pansin tulad ng mga kahulugang nakapaloob sa isang salita, ang mga batas pang-gramatika ng orihinal na wika (source language), ang pamamaraan ng pagsulat, at mga idyomang ginamit. Tinatalakay nito ang konsiderasyon ng pagsasaling-wika sa isang teksto upang pagtuunan ng pansin ang ritmo, mainam na istruktura ng pagkakabuo ng tula, at ang mensahe nito. Ipinapakilala din ang iba’t ibang teoryang linggwistik upang maunawaan ang ipinakitang pagsasaling-wika sa isang teksto.

Keywords: Pagsasaling-wika, Wikang Filipino, Source language, Target language.