Modyul 2: Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan
Ang pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan ay isang mahalagang kasanayan na dapat matutuhan upang maunawaan ang mga tiyak na sitwasyong nagaganap sa paligid. Ito ay isang paraan ng komunikasyon na maaaring isagawa nang pasalita at pasulat. Isang halimbawa ng pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan ay ang mga madalas nating naririnig, nababasa, at napanonood sa radyo, telebisyon at pahayan.
Ang mga dapat isaalang-alang sa epektibong pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan
1. Tiyakin kung ano ang iyong layunin sa pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan. Maaaring ang layunin ay magbalita o magbigay impormasyon, magturo, magsabi ng katotohanan, mag-ulat, magkuwento, manlibang at iba pa.
2. Alamin ang kahalagahan ng pangyayaring nasaksihan na nais ibahagi.
3. Maging makatotohanan sa pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan.
4. Maging malinaw sa pagbabahagi o pagsasalaysay. Iwasan ang magdagdag ng mga detalye na hindi naman nasaksihan.
5. Bago magbahagi, tiyakin na tama at sapat ang mga detalye o impormasyong ibibigay.
Mga Pagsasanay
Layunin
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
· nakababahagi ng isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3.1)
Gawain A.
Panuto: Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga tanong.
Paghahanda, Mahalaga sa Kaligtasan
Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maayon, Capiz ang paghahanda para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa noong ika-31 ng Oktubre 2020.
Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)–Maayon ang paghahanda at pagpapalaganap ng impormasyon sa mga dapat gawin sa pananalasa ng bagyo sa pamamagitan ng pag-iikot sa munisipalidad.
Ayon kay Dennis Pabilico, SFO1, mainam na ihanda ang mga kakailanganing gamit sa inaasahang pananalasa ng bagyo tulad ng mga pagkain, tubig, damit, baterya, flashlight mga gamot at pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa mga ilog na maghanda sa maaaring paglikas.
Sinuri ng BFP-Maayon ang mga lugar na maaaring maging apektado ng pagbaha kung sakali mang maapektuhan ng bagyo ang Maayon.
Ipinahayag din ni Pabilico na para sa karagdagang impormasyong kakailanganin ng mga mamamayan ay maaaring bisitahin ang kanilang facebook page na BFP-Maayon.
Mga tanong:
1. Ano ang pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Maayon, Capiz?
A. Paparating na lindol
B. Pananalasa ng Bagyong Rolly
C. Pagputok ng bulkan
D. Pagtaas ng presyo ng bilihin
2. Anong ahensiya ang nanguna sa paghahanda at pagpapalaganap ng impormasyon na dapat gawin sa pananalasa ng bagyo?
A. Department of Education
B. Philippine Red Cross
C. Bureau of Fire Protection – Maayon
D. Department of Social Welfare
3. Ano-ano ang mga gamit na dapat ihanda sa paparating na bagyo?
A. Cellphone, kotse, payong
B. Pagkain, tubig, gamot, flashlight
C. Lobo, kandila, at damit ng bata
D. Tents, unan, ballpen
4. Bakit mahalaga ang maging handa sa mga pangyayaring gaya ng bagyo?
A. Upang makapagbakasyon
B. Upang makaiwas sa sakit
C. Upang mapanatili ang kaligtasan at makaiwas sa pinsala
D. Upang hindi mainip sa bahay
5. Bakit kailangang alam natin ang mga nangyayari o mahahalagang balita sa ating paligid?
A. Para hindi tayo mainip
B. Para may maipost sa social media
C. Para makaiwas sa kapahamakan at makapaghanda
D. Para makapagtalo sa ibang tao
6. Magbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan kaugnay sa binasa.
A. Pagdalo sa kasal ng kapitbahay
B. Pagbaha sa barangay matapos ang pananalasa ng bagyo
C. Paglalaro ng basketball sa plaza
D. Pagbili ng mga laruan
7. Sa iyong palagay, bakit mahalagang maghanda ang mga komunidad para sa mga sakuna tulad ng bagyo?
A. Para hindi mapagod ang mga tao
B. Para may dahilan sa pagliban sa klase
C. Para makapagpahinga ang mga opisyal
D. Para maprotektahan ang buhay at ari-arian ng bawat isa
8. Paano makatutulong ang balita sa pagtaas ng kamalayan ng mga tao sa kaligtasan?
A. Nagtuturo ito ng bagong sayaw
B. Nagbibigay ito ng impormasyon at babala
C. Nagtuturo ito ng pagluluto
D. Nagpapalabas ito ng pelikula
9. Kung ikaw ay isa sa mga residente ng Davao Oriental, ano ang iyong gagawin sa oras ng bagyo?
A. Manatili sa tabing-ilog
B. Maglakad sa ulan
C. Ipagpatuloy ang normal na gawain
D. Maghanda ng emergency kit at makinig sa balita
10. Ano ang kahalagahan ng mabilis na pagresponde ng lokal na pamahalaan sa ganitong sitwasyon?
A. Para makaiwas sa kapahamakan at matulungang ligtas ang mamamayan
B. Para makatanggap agad ng donasyon
C. Para masundan sa social media
D. Para masabing abala sila
.
5.9 Magnitude na Lindol, Yumanig Sa Lalawigan Ng Oriental Mindoro
Isang lindol na may lakas na 5.9 magnitude ang yumanig sa bahagi ng Mindoro nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 18 kilometro hilaga ng Puerto Galera, bandang alas-8:23 ng umaga. May lalim itong 10 kilometro at tektoniko ang pinagmulan, na nangangahulugang dulot ito ng paggalaw ng mga fault line sa ilalim ng lupa.
Naramdaman ang pagyanig sa mga bayan ng Calapan, Naujan, at San Teodoro, kung saan ilang mga residente ang mabilis na lumabas ng kanilang mga bahay dahil sa takot. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Calapan, walang naiulat na nasugatan o nasawi, subalit may ilang pader at poste ang nagtamo ng bitak.
Pansamantalang sinuspinde ang klase sa mga pampublikong paaralan upang magsagawa ng istruktural na inspeksyon. Pinayuhan din ng pamahalaang panlalawigan ang mga mamamayan na manatiling kalmado ngunit laging handa sakaling magkaroon ng aftershocks.
Nagpahayag naman si Gobernador Marilou Dela Peña ng pasasalamat na walang malalang pinsala, at nanawagan ng kooperasyon mula sa publiko sa panahon ng sakuna.
Mga Tanong:
1. Ano ang lakas ng lindol na yumanig sa Oriental Mindoro?
A. 4.5 magnitude
B. 5.9 magnitude
C. 6.5 magnitude
D. 3.9 magnitude
2. Anong oras naganap ang lindol ayon sa ulat ng PHIVOLCS?
A. Alas-6:00 ng umaga
B. Alas-12:00 ng tanghali
C. Alas-8:23 ng umaga
D. Alas-9:15 ng gabi
3. Saang bahagi ng Oriental Mindoro ang naging sentro ng lindol?
A. 18 kilometro timog ng Calapan
B. 18 kilometro hilaga ng Puerto Galera
C. 10 kilometro silangan ng Naujan
D. 5 kilometro kanluran ng San Teodoro
4. Ano ang uri ng lindol ayon sa PHIVOLCS?
A. Bulkaniko
B. Artificial o gawa ng tao
C. Tektoniko
D. Likas na baha
5. Ano-anong bayan sa Mindoro ang nakaramdam ng pagyanig?
A. Roxas, Bansud, Bongabong
B. Calapan, Naujan, San Teodoro
C. Puerto Galera, Socorro, Pinamalayan
D. Bulalacao, Gloria, Pola
6. Mayroon bang naiulat na nasugatan o nasawi sa lindol? Ipaliwanag.
A. Oo, maraming nasugatan
B. Wala, ngunit may bahagyang pinsala
C. Oo, isang tao ang nasawi
D. Walang pinsala o takot na naramdaman
7. Ano ang naging tugon ng lokal na pamahalaan matapos ang lindol?
A. Nagpatupad ng curfew
B. Namigay ng relief goods
C. Sinuspinde ang klase at nagsagawa ng inspeksyon
D. Nagsagawa ng medical mission
8. Bakit sinuspinde ang klase sa ilang mga paaralan sa Calapan?
A. Dahil may kasunod na lindol
B. Para bigyang daan ang istruktural na inspeksyon
C. Upang maiwasan ang ulan
D. Dahil may holiday
9. Ano ang ipinayo ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan?
A. Mag-evacuate agad
B. Manatili sa labas ng bahay
C. Maging kalmado ngunit laging handa sa aftershocks
D. Magtungo sa city hall
10. Ano ang naging pahayag ng gobernador kaugnay ng insidente?
A. Naglabas siya ng babala sa paparating na bagyo
B. Nagpasalamat na walang malalang pinsala at nanawagan ng kooperasyon
C. Nais niyang alisin ang klase habang may lindol
D. Nag-utos ng forced evacuation