Modyul 12: Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
Pang-uri -mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
Mga halimbawa:
1. Preskong–presko ang pakiramdam ko.
2. Payapa ang aking kalooban sa malawak at luntiang bukiring aking natatanaw.
3. Pagod na pagod ako sa paglalaro.
4. Basang-basa man ako ng pawis, napakasaya ko naman at kaysarap ng aking pakiramdam.
5. Nakatutuwang balikan ang nakaraan.
Pang-abay -mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Mga Halimbawa:
1. Tunay na matamis ang saging mula sa aming sagingan.
2. Naaalala ko pa ang mga hinog na bunga ng kaimito na aking matiyagang inaakyat.
3. Palagi akong pinapaalalahanan ng aking mga tiyo na huwag kong akyatin dahil baka ako’y mahulog.
4. Palihim ko pa ring inaakyat ang puno habang wala sila.
5. Sadyang laging nangingiti at naluluha pa rin ako kapag naaalala ko iyon.
Sa pangungusap na: Tunay na matamis ang saging mula sa aming sagingan. Inilalarawan ng salitang tunay ang matamis. Ang tawag sa matamis ay salitang naglalarawan o pang-uri.
Sa pangungusap na: Naaalala ko pa ang mga hinog na bunga ng kaimito na aking matiyagang inaakyat. Inilalarawan ng salitang matiyagang ang inaakyat. Ang tawag sa inaakyat ay salitang kilos o pandiwa.
Sa pangungusap na: Sadyang laging nangingiti at naluluha pa rin ako kapag naaalala ko iyon. Inilalarawan ng salitang sadyang ang laging. Ang tawag sa salitang laging ay pang-abay.
Mga Pagsasanay:
Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahang taglay mo ang kasanayang:
· nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang uri at pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya
Gawain A.
Panuto: Tukuyin ang gamit ng salitang may salungguhit sa bawat pahayag.
1. Masigasig ang mga mag-aaral sa klase tuwing Lunes, kaya agad nilang naintindihan ang bagong aralin.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Pang-abay D. Pangngalan
2. Walong basong tubig ang iniinom ko araw‑araw.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Pang-abay D. Pangngalan
3. Totoo ang mga balitang kumalat tungkol sa kanyang pag‑alis sa kumpanya.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Pang-abay D. Pangngalan
4. Tahimik ang mga bata sa silid‑aklatan.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Pang-abay D. Pangngalan
5. Laging malinis gumawa ng kaniyang trabaho si Marco.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Pang-abay D. Pangngalan
Gawain B.
Panuto: Punan ng angkop na pang-abay at pang-uri ang patlang sa bawat bilang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.
A. Totoong B. patakbo C. madaling-araw D. dahan-dahan E. mabilis
1. Binuksan ng lola ang pinto nang _____________.
2. _____________ tumakbo ang kuya ni Leynel.
3. _____________ siya’y may malubhang sakit.
4. _____________ siyang lumapit sa akin.
5. Siya ay umaalis sa bahay nang ____________.
A. magagalang B. tahimik C. masarap D.mapurol E.matangkad
6. Pinahiram niya ako ng ____________na kutsilyo.
7. _____________ palang babae ang kapatid niya.
8. _______________ ang buhay sa nayon.
9. ______________ ang mga bata.
10. Isang ____________ na pananghalian ang iniluto ni nanay.