Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto
Mahalagang kasanayan na dapat mong matutuhan ang pagtatala ng datos mula sa napakinggan, nabasa, o napanood. Ito ay isang pamamaraan ng pagsusuri na hahasa sa iyong kritikal at mapanuring pag-iisip.
Sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang datos, maipakikita at mapatutunayan mong naunawaan mo ang iyong pinakinggan, binasa o pinanood. Maaari ding magamit ang mga naitalang datos o impormasyon para sa hinaharap at sa iba pang makabuluhang layunin.
Paano ba ang epektibong pagtatala ng datos mula sa binasa?
Ang pagtatala ng datos mula sa tekstong binasa ay mahalaga lalo pa’t kung ikaw ay inatasan na gumawa ng ulat pagkatapos ng pagbasa. Mahalagang alam mo kung ano ang iyong binabasa at kung ano ang iyong layunin sa pagbasa nito.
Tatlong yugto ng pagtatala ng datos
1. Panimulang paghahanap- sa bahaging ito tinitingnan ang pisikal na anyo ng teksto, ang pamagat, may-akda at maging ang haba nito.
2. Pagsusuri- suriin kung anong teksto ang iyong pagkukunan ng impormasyon kasama na ang wikang ginamit sa akda.
3. Pagbasa at pagtatala- basahin nang may pag-unawa at itala ang mahahalagang impormasyon. Kung kailangang basahing muli upang higit na maunawaan ang akda ay gawin ito. Balikan ang mga kahilingan nang sa ganoon ay maitala ang kakailanganing sagot o impormasyon. Siguraduhing wasto ang mga datos na natatala upang ito ay maging kapani-paniwala.
Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
· nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto. (F6SS-IIb-10)
Kayamanan ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamalaking populasyon. Ito ay itinuturing na isang kayamanan, ang yamang tao (human resources). Noong 1570, tinatayang kalahating milyon ang populasyon ng bansa na noo’y nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon namang 1591, naitala ang populasyon sa 667,612 batay sa bilang ng mga nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda. Tinatayang 1,502,574 ang naging populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng madla.
Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon sa ginawang census ng mga Kastila buhat noong taong 1877. Sa kabuoan, ang populasyong nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa bilis na kalahating bahagdan mula noong census ng 1887.
Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng nakararami. Napigilan ang pagkalat ng mga epidemya ng kolera, bulutong at salot nang itatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kuwarentenas. Ang mga mamamayan ay natuto ng wastong pangangalaga sa kalusugan at kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang 19,234,182 ang dami ng mga Pilipino. Lumaki ang populasyon ng Pilipinas habang lumilipas ang panahon. Mula noong 1970, ang populasyon nating 36.7 milyon ay umabot sa 48.39 milyon noong 1980. Ang antas ng pamumuhay noon ay tumaas din.
Mula sa: https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807
Gawain A.
Panuto: Itala ang mga datos mula sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag.
1. Itinuturing na kayamanan ng Pilipinas.
A. Yamang Tao (Human Resources)
B. Yamang Mineral
C. Yamang Kabuhayan
D. Yamang Kalikasan
2. Mga naitalang populasyon sa sumusunod na taon maliban sa isa:
A. 1570 -500,000 (tinantiyang kalahating milyon)
B. 1591- 667,612 (base sa nagsisingil buwis sa encomienda)
C. 1948 -19,234,182 (pag-alis ng mga Amerikano)
D. 1970-48,380,000 (ulat mula 1970 hanggang 1980)
3. Mga epidemyang kumalat at napigilan.
A. Kolera, Bulutong at Salot
B. Spanish Flu, Kolera, at Bulutong
C. Black Death, Kolera at Salot
D. Asian Flu, Bulutong at Kolera
4. Institusyong itinatag para mapigilan ang pagkalat ng mga epidemya.
A. Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kuwarentenas
B. Kagawaran ng Edukasyon
C. Departamento ng Turismo
D. Kawanihan ng Transportasyon
5. Ang natutuhan ng mga mamamayan matapos ang epidemya.
A. Wastong pangangalaga sa kalusugan (proper health care) at tamang kalinisan (hygiene)
B. Mag-ingat at huwag lumabas ng bahay
C. Magtrabaho at magsumikap
D. Maglinis ng paligid at kumain ng marami
Talambuhay ni Manny Pacquiao
Si Emmanuel “Manny” Pacquiao o Pacman, ay isinilang noong ika-17, ng Disyembre 1978, isang Pilipinong propesyonal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon. Nanalo ng sampung titulo at unang nakakamit ng Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon. Isang senador sa kasalukuyan na nagsimula noong Hunyo 30, 2016.
Emmanuel Dapidran Pacquiao ang buong pangalan na isinilang a Kibawe, Bukidnon. Anak nina Rosalio Pacquaio at Dionisia Dapidran. Jinkee Jamora Pacquiao naman ang pangalan ng kaniyang asawa at may limang anak na sina Emmanuel Jr, Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel. Kasalukuyang naninirahan sa Kiamba, Sarangani. Ngunit kilalang maraming bahay na nabili at naipatayo sa maraming lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Si Pacman ay binansagang Fighter of the Year noong taong 2000 ng Boxing Writers Association of America, at World Boxing Council. Naging Fighter of the Year din siya noong 2006, 2008, 2009 ng The Ring at BWAA. Best fighter ESPY Award noong 2009 at 2011.
Ang mga titulong kampeon nito ay IBO World Junior Welterweight, kampeon ng WBC World Lightweight, kampeon ng The Ring World Junior Lightweight. kampeon ng WBC World Super Featherweight, kampeon ng The Ring World Featherweight. kampeon ng IBF World Junior Featherweight, at kampeon ng WBC World Flyweight. Kampeon rin sa WBC Emeritus, kampeon ng WBC Diamond, WBO Super Champion. Kinilala rin siyang Pambansang Kamao at bayani ng mga Pilipino.
Sariling Akda Susan J. Quistadio
Gawain B.
Panuto: Itala ang mga datos mula sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag.
A. Jinkee Jamora Pacquiao
B. Emmanuel Dapidran Pacquiao
C. Rosalio Pacquaio
D. Dionisia Dapidran Pacquaio
E. Emmanuel Jr
F. Michael Stephen
G. Mary Divine Grace
H. Queen Elizabeth
I. Israel
J. kampeon sa IBO World Junior Welterweight,
K.kampeon ng WBC World Lightweight,
L .kampeon ng The Ring World Junior Lightweight.
M.kampeon ng WBC World Super Featherweight.
N. kampeon ng The Ring World Featherweight.
O. kampeon ng IBF World Junior Featherweight.
P.kampeon ng WBC World Flyweight.
Q. Kampeon rin sa WBC Emeritus,
R. kampeon ng WBC Diamond,
S. WBO Super Champion.
T. kampeon ng WBO Mega Champion
I. Ibigay ang buong pangalan ni Manny Pacquiao
II. Pangalan ng asawa ni Manny Pacquiao
III. Pangalan ng magulang Ni Manny Pacquaio
IV. Isa-isahin ang mga anak ni Manny Pacquiao
V. Itala ang mga titulong napanalunan ni Manny
Gawain C.
Panuto: Itala ang mga datos mula sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag.
Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang marka sa Matematika noong nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre ang marka niya sa Hulyo 85, Agosto 87, Setyembre 90, Oktubre 90, Nobyembre 92 at Disyembre 95.
I. Asignaturang binanggit sa talata
A. Filipino
B. English
C. Matematika
D. Araling Panlipunan
II. Batang tinutukoy
A. Alma
B. Liza
C. Maria
D. Rose
III. Buwang 90 ang marka si Liza.
A. Hulyo at Agosto
B. Setyembre at Oktubre
C. Nobyembre at Disyembre
D. Hunyo at Hulyo
IV. Buwang siya may pinakamababa na marka.
A. Hulyo
B. Agosto
C. Oktubre
D. Disyembre
V. Buwang siya ay may pinakamataas na marka.
A. Nobyembre
B.Oktubre
C. Disyembre
D. Setyembre
Gawain D.
Panuto: Basahin ang teksto at itala ang mga datos ng makikita rito ayon sa kahilingan
Benepisyo ng Luya
Luya, isang halamang may halong dilaw at berde na kulay ngunit mas kilala sa ugat nito o ginger root sa Ingles ay karaniwang ginagamit bilang sangkap sa pagluluto. Kilala ito sa kakaibang binibigay na lasa at pantanggal ng lansa sa pagkain. Subok din ang luya sa usaping pangkalusugan. Ito’y hinihiwa ng pinongpino upang gawing tsaa o salabat. Ayon sa United States Department of Agriculture National Nutrient Database, mayaman sa carbohydrates, fiber, at protein ang luya. Maliban dito taglay rin nito ang potassium, magnesium, phosphorus, at sodium. Kasama pa ang bitamina C, B5 at folate. Marami rin itong anti-inflammatory at antioxidants.
Nakatutulong ang luya sa paggamot ng sakit tulad ng ubo, sipon, at makating lalamunan. Sa panahon ngayon ng pandemya na dala ng COVID-19 ito’y sinusubok ng karamihan. Sa kadahilanang inaatake ng virus ang respiratory system kabilang ang ilong, lalamunan, at hanggang baga na may sintoma ng ubo, sipon at makating lalamunan. Bagama’t maraming nagsasabing ito ay nakatutulong sa paggamot o paglaban sa naturang virus, hindi pa ito napapatunayan scientifically.
Sariling akda: Susan J. Quistadio
A. Makating Lalamunan
B. nagbibigay ng lasa
C. kumukuha ng lansa
D. carbohaydrates
E.fiber
F. potassium
G. magnesium
H. phosphorus
I. Benepisyo ng Luya
J. sodium
K. Vit. C
L. B5
M. folate
N. anti-inflammatory antioxidants
O. ubo
P. sipon
Q. kanser
R. Protein
_______________________ Pamagat
I. Gamit ng luya sa pagluluto
A. ___________________________
B. ___________________________
II. Taglay ng luya ayon sa United States Department of Agriculture National Nutirents Database A. ___________________________
B. ___________________________
C. ___________________________
III. Maliban sa natuklasan ng USDA/NND, itala ang iba pang taglay ng luya.
A. __________________________
B. __________________________
C. __________________________
D. __________________________
E. __________________________
F. __________________________
G. __________________________
H. __________________________
IV. Karamdamang ginagamot ng luya
A. ____________________________
B. ____________________________
C. ____________________________