Modyul 10: Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Iba’t ibang Sitwasyon
Modyul 10: Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan, Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa Iba’t ibang Sitwasyon
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagpapalinaw sa isang usapan, diyalogo o pangungusap.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Halimbawa: Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.
Ang pariralang nang mahigpit sa pangungusap ay nagbibigay-turing sa pandiwang sasalubungin. Ang nang mahigpit ay halimbawa ng pang-abay sapagkat naglalarawan ito sa paraan ng pagsusulubong sa nanay.
Iba’t ibang uri ng Pang-abay
1. pang-abay na panlunan
2. pang-abay na pamanahon
3. pang-abay na pamaraan
Pang-abay na panlunan ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa: Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
Tanong: Saan magtatrabaho ang nanay doon? Sagot: Sa panaderya magtatrabaho ang nanay.
Ang sa panaderya ay halimbawa ng pang-abay na panlunan.
Pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan nangyari ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na kailan?
Halimbawa: Sa susunod na Linggo, uuwi na ang nanay mo anak.
Tanong: Kailan uuwi ang nanay niya? Sagot: Sa susunod na Linggo uuwi na ang nanay niya.
Ang sa susunod na Linggo ay halimbawa ng pang-abay na pamanahon.
Pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na paano.
Halimbawa: Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.
Tanong: Paano niya sasalubungin ang kaniyang nanay?
Sagot: Sasalubungin niya nang mahigpit na yakap ang kaniyang nanay.
Kaya ang nang mahigpit ay nasa pang-abay na pamaraan.
Mga Pagsasanay
Layunin:
Pagkatapos ng iyong pag-aaral, ikaw ay inaasahang:
· nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. (F6L-IIF-j-5)
Gawain A.
Panuto: Gamitin ang uri ng pang-abay sa pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot.
1. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamaraan
C. Pang-abay na Pamanahon
D. Pang-abay na Pamilang
2. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa kaniyang mga kaklase. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamaraan
C. Pang-abay na Pamanahon
D. Pang-abay na Pang-agam
3. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa ina. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?
A. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pamilang
4. “Sa Lunes ka na magsisimula sa iyong bagong trabaho,” sabi ng manedyer kay Roland. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Pamaraan
B. Pang-abay na Panang-ayon
C. Pang-abay na Panlunan
D. Pang-abay na Pamanahon
5. “Doon tayo mamamasyal sa plasa ng Panay dahil balita ko nagagandahan ang mga parol doon,” sabi ni Robert. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
6. “Nakita kong mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng aking kapatid,” kuwento ni Rose. Anong uri ng pang-abay ang ginamit?
A. Pang-abay na Pamaraan
B. Pang-abay na Panang-ayon
C. Pang-abay na Pamanahon
D. Pang-abay na Panlunan
7. “Mag-eehersisyo tayo tuwing umaga para lalo pa tayong lalakas!” yaya ni Nida sa kaibigang si Liza. Anong uri ng pang-abay ang ginamit?
A. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pang-agam
8. “Inay, bakit patayo kang nagdarasal?”, tanong ni Lynlyn sa ina. Ang salitang patayo sa pangungusap ay halimbawa ng:
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pang-agam
D. Pang-abay na Pamaraan
9. “Narinig kong sa bagong resort idaraos ang kaarawan ni Kristine.” Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
10. “Kailangan, araw-araw ay nagsisipilyo ka ng ngipin mo anak,” paalaala ni Aling Martha sa bunsong anak. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamaraan
C. Pang-abay na Pang-agam
D. Pang-abay na Pamanahon
Gawain B.
Panuto: Gamitin ang uri ng pang-abay sa pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot.
1. Mabagal na sumunod si Mary sa kaniyang kapatid.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
2. Nagkita sa simbahan ang magkakaibigan.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
3. Si Marie ay umuwi na sa kanilang lugar kahapon.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
4. Sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho niya ang tatay.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
5. Pabulong na nag-uusap ang magkakapatid upang hindi magising ang ina.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
Maagang nagising si Aling Tess para maghanda ng mga lulutuin niya nang pumasok sa kusina ang kaniyang anak na si Heaven.
Heaven : Magandang umaga po Nanay!
Aling Tess: Magandang umaga rin anak. Mamayang hapon ay may kaunting salo-salo tayo bilang pasasalamat sa pagkapanalo mo.
Heaven : Wow! Salamat po nanay.
Aling Tess: Walang anoman anak. Talagang pinaghandaan namin ng itay mo ito. Kunin mo muna sa kuwarto ang aking pitaka at may ipabibili ako sa iyo.
Heaven : Sige po nanay.
Aling Tess: Dahan-dahan sa pagpasok sa kuwarto anak, natutulog pa nang mahimbing ang iyong kapatid.
Heaven : Gabi na po ba dumating ang kuya?
Aling Tess: Oo anak. Nahirapan daw siyang mag-abang ng sasakyan.
Heaven : A, kaya pala. Heto na po ang iyong pitaka inay.
Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera. Bumili ka ng isang kilong asukal sa tindahan ni Aling Merly. Mag-ingat ka sa pagtawid sa kalye.
Sariling katha ni Gemma Obsiana
Gawain C.
Basahin ang usapan. Tukuyin ang mga ginamit na mga pang-abay kung pamaraan, panlunan, at pamanahon.
1. Mamayang hapon
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
2. sa kuwarto
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
3. Dahan-dahan
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
4. nang mahimbing
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
5. gabi
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
6. sa tindahan
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
Gawain D.
Punan ng tamang uri ng pang-abay ang sumusunod na mga sitwasyon.
A. pabulong B. dahan-dahan C. magaling D. sa resort E. sa palengke F. maaga
1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harapan ng altar at _________ siyang nagdarasal.
2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina Ariel. Nagplano silang ipagdiwang ito sa _______________.
3. Maaga pa, gumigising na si Lory para samahan ang kaniyang ina na pumupunta ________________ upang mamili.
4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak niya kay Liza. _____________ pa lamang sinusundo na niya ito sa bahay ng ina.
5. Mahimbing ang tulog ni Aling Rita. Sinilip siya ng bunso sa kuwarto at _________ pumasok.
Gawain E.
Panuto: Gamitin ang uri ng pang-abay sa pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot
1. Maagang nagising ang kapatid ko upang maglinis ng bahay.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
2. Sa bahay naghanda kami ng pagkain para sa kaarawan ni Ate Riza.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
3. Mabilis na naglakad ang bata papunta sa plasa.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
4. Malakas ang agos ng tubig dulot ng walang tigil na pag-ulan.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi
5. Pupunta bukas ang mga kasali sa paligsahan.
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pananggi