Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Sanhi – ito ang dahilan o pinag-ugatang pangyayari kung bakit nangyari ang isang aksiyon, pangyayari, o kalagayan.
Bunga – ito ang resulta o epekto ng pangyayaring sanhi.
Halimbawa: Dahil sa banggaan sa kanto, maraming tao at may pulis.
Dahil sa banggaan sa kanto
Ang bahaging ito ng pangungusap ay nagsasaad ng dahilan ng pagdami ng tao at pagkakaroon ng pulis. Ito ang sinasabing sanhi ng isang pangyayari.
Maraming tao at may pulis
Ang bahaging ito naman ay nagsasaad ng resulta o epekto ng pangyayaring pinaguusapan. Ito ang sinasabing bunga ng pangyayari.
Pagsasanay
Layunin
Pagkatapos inaasahang taglay ang kasanayang:
• nakatutukoy ng sanhi at bunga ng mga pangyayari;
• nakapagbibigay ng angkop na bunga/sanhi ng mga pangyayari; at
• napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F6PB-lllb-6.2)
Gawain A.
Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga. Pagtambalin ang sanhi ng mga pangyayari sa Hanay A sa posibleng bunga nito sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. mataas na lagnat A. maruming paligid
2. hindi nagsisipilyo B. bumangga sa poste
3. marami ang itinanim C. napaso ang dila
4. walang kuryente D. uminom ng gamot
5. pagtapon ng basura kahit saan E. luntiang paligid
6. hindi marunong lumangoy F. sirang baga
7. labis na paninigarilyo G. mainit at madilim
8. inaawit ang Lupang Hinirang H. sira ang ngipin
9. nawalan ng preno ang taxi I. tumayo nang tuwid
10. mainit na sopas J. may aanihin
K. gumamit ng salbabida
Gawain B.
Basahing mabuti ang pangungusap. Tukuyin ang Sanhi at Bunga sa bawat pahayag
1. _________Magsuot palagi ng face mask.
__________Maiwasan nating mahawa ng COVID-19.
2. _________Palagi siyang nagkakasakit.
__________Mahilig kumain ng mga sitserya si Donald.
3. _________Hindi nakapagplantsa si Lea ng kaniyang damit.
_________Nagmamadali siyang umalis.
4. _________Nakalimutan ni Aling Diday ang kaniyang pitaka.
__________Hindi siya nakabili ng gatas.
5. _________Uminom siya nang maraming tubig.
_________Uhaw na uhaw si Lino.
Gawain C.
Panuto: Tukuyin ang Sanhi at Bunga. Pagtambalin ang sanhi ng mga pangyayari sa Hanay A na angkop na bunga nito sa Hanay B.
Hanay A
1. Sinisiguro ni Allan na palagi siyang malinis.
2. Gustong proteksiyonan ni Gilda ang sarili sa nakahahawang virus.
3. Mahigpit na pinapatupad ng mga pamilihan ang social distancing.
4. Paboritong kainin ni Jun ang mga prutas na mayaman sa bitamina C.
5. Si Angela ay palaging may positibong pananaw sa buhay.
Hanay B
A. Palagi siyang masaya.
B. Naliligo siya araw-araw.
C. Naghuhugas siya ng kamay bago at pagkatapos kumain.
D. Nagsusuot siya ng face mask kapag lalabas ng bahay.
E. Malakas siya at hindi madaling mahawaan ng sakit.
F. Walang siksikan
Gawain D.
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Piliiin ang maaaring maging bunga o sanhi sa pangyayari.
1. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring ibubunga nito?
A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
B. Mapapasayaw ang mga pasahero.
C. Hindi makababa ang mga pasahero.
D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
2. Mahirap ang buhay ng mag-anak Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang kaniyang maybahay ay nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya ang kanilang pamilya. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang sanhi ng talata?
A. Masaya ang kanilang pamilya.
B. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
D. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.
3. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa pagtatapon ng kanilang mga basura maliban pa sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang pinakamalapit na epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa inyong lugar?
A. Yayaman ang mga basurero
B. Lilipat ng tirahan ang mga tao.
C. Mangangamoy basura ang paligid.
D. Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran.
4. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
A. Pumunta sina Daisy sa palaruan.
B. Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
C. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
D. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
5. Tumatakbo nang mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
A. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
B. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
C. Magsusuka ang mga tao.
D. Maluluha ang mga tao.
Panuto:Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat kalagayan.
6. Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Sanhi: ____________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
7. Malaking problema ang kakulangan sa pagkain kaya nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng trabaho.
Sanhi: ____________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
8. Nanahi si Aling Vicky ng mga face mask sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital.
Sanhi: ____________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
9. Naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba kasi tinatakpan natin ang ating bibig kapag umuubo at bumabahing tayo.
Sanhi: ____________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
10. Pahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners kaya dapat huwag lumabas at manatili na lamang sa bahay.
Sanhi: ___________________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________________
Gawain E.
Panuto: Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Dahil sa determinasyon at masipag na pag-aaral, nakamit ni Maria ang kanyang pangarap na maging guro kaya’t nagbigay siya ng inspirasyon sa kanyang mga mag-aaral.
A. Sanhi: inspirasyon sa mag-aaral, Bunga: determinasyon at masipag na pag-aaral
B. Sanhi: determinasyon at masipag na pag-aaral, Bunga: nakamit ang pangarap at naging inspirasyon
C. Sanhi: naging guro si Maria, Bunga: natuto ang mga mag-aaral
2. Dahil sa walang habas na pagputol ng mga puno at pagtatapon ng basura sa ilog, lumala ang pagguho ng lupa at mga pagbaha sa kanilang lugar.
A. Sanhi: pagbaha, Bunga: pagputol ng puno at pagtatapon ng basura
B. Sanhi: pagguho ng lupa, Bunga: walang habas na pagputol ng puno
C. Sanhi: walang habas na pagputol ng puno at pagtatapon ng basura, Bunga: pagguho ng lupa at pagbaha
3. Dahil sa pagsusuot ng mask at paghuhugas ng kamay nang madalas, nabawasan ang pagkalat ng COVID‑19 sa komunidad kaya mas maraming tao ang naging ligtas.
A. Sanhi: pagkalat ng COVID‑19, Bunga: pagsusuot ng mask
B. Sanhi: pagsusuot ng mask at paghuhugas ng kamay, Bunga: nabawasan ang pagkalat at mas maraming tao ang naging ligtas
C. Sanhi: mas maraming tao ang naging ligtas, Bunga: nagsuot ng mask at naghugas ng kamay
4. Dahil sa sobrang pagputol ng puno at pagtatapon ng basura sa ilog, nagkaroon ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.
A. Sanhi: nagkaroon ng pagbaha; Bunga: pagputol ng puno at pagtatapon ng basura
B. Sanhi: pagputol ng puno at pagtatapon ng basura; Bunga: nagkaroon ng matinding pagbaha
C. Sanhi: nakatira sila sa lugar; Bunga: matinding pagbaha
5. Kung hindi siya lumiban nang madalas sa trabaho, hindi siya natanggal sa kanyang posisyon.
A. Sanhi: hindi siya lumiban nang madalas; Bunga: hindi siya natanggal sa trabaho
B. Sanhi: natanggal siya sa trabaho; Bunga: lumiban siya nang madalas
C. Sanhi: madalas lumiban; Bunga: hindi natanggal