Aralin 6: Safety Precautionary Measures Before, During, and After Typhoon
Aralin 6: Safety Precautionary Measures Before, During, and After Typhoon
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Naipamamalas ang kaalaman sa maaaring gawin bago, habang at pagkatapos ng bagyo;
Nakasasabuhay ng mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng bagyo;
Nakabibigay ng mga panuntunan sa maaaring gawin bago, habang at pagkatapos ng bagyo.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa Safety Precautionary Measures para sa bagyo. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, bakit mahalaga ang safety precautionary measures?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang dapat gawin habang bumabagyo?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Sa tingin mo, ano ang mangyayari sa isang taong walang alam sa mga safety precautionary measures para sa bagyo?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Bago ang bagyo narito ang mga dapat nating gawin:
a. Maghanda ng sapat na pagkain na tatagal ng 3 araw
b. Makinig sa radyo o tv para sa mga update sa paparating na bagyo
c. Maghanda ng mga flashlight at dagdag na baterya kung sakaling maputol ang kuryente
d. Maghanda ng emergency kit.
e. Suriin ang poste ng kuryente upang maiwasan ang mga aksidente.
f. Putulin ang lahat ng sanga ng puno sa paligid ng iyong bahay na posibleng mahulog at makapinsala.
g. Mag-empake ng bag na may mga damit, de-bateryang radyo, flashlight, tubig, mga de-latang gamit at iba pang pangangailangan, kung sakaling kailanganin mong lumikas.
Habang bumabagyo:
a. Manatiling kalmado at maging alerto.
b. Manatili sa loob ng bahay. Kanselahin ang anumang mga plano ng paglalakbay.
c. Subaybayan ang mga ulat ng panahon. Suriin kung ano ang nangyayari sa paligid mo.
d. Kapag pinayuhan ka ng mga lokal na awtoridad na lumikas, gawin mo ito.
e. Maging handa sa paglikas kung kinakailangan.
f. Suriin kung ang iyong mga miyembro ng pamilya o mga kamag-anak na nananatili sa mga apektadong lugar ay nangangailangan ng tulong o iligtas.
Pagkatapos nang bagyo:
a. Linisin ang iyong bahay mula sa anumang mga labi ng bagyo.
b. Suriin ang anumang pinsalang dala ng bagyo. Ayusin kung kinakailangan.
c. Pakuluan ang iyong inuming tubig bago inumin para sa iyong kaligtasan.
d. Lumayo sa mga sirang poste.
e. Magboluntaryo sa mga relief operations.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay tama at isulat naman ang “M” kung ito ay mali.
_____1. Maghanda ng mga flashlight at dagdag na baterya kung sakaling maputol ang kuryente.
_____2. Putulin ang lahat ng sanga ng puno sa paligid ng iyong bahay na posibleng mahulog at makapinsala.
_____3. Hindi na kailangan maghanda ng sapat na pagkain na tatagal ng 3 araw.
_____4. Subaybayan ang mga ulat ng panahon. Suriin kung ano ang nangyayari sa paligid mo.
_____5. Manatiling kalmado at maging alerto.
_____6. Ipagpatuloy ang anumang mga plano ng paglalakbay.
_____7. Maging handa sa paglikas kung kinakailangan.
_____8. Linisin ang iyong bahay mula sa anumang mga labi ng bagyo.
_____9. Pakuluan ang iyong inuming tubig bago inumin para sa iyong kaligtasan.
_____10. Iwasan magboluntaryo sa mga relief operations.
Gawain 3
Panuto: Pumili ng dalawang kasama upang maging grupo. Pumili ng isang tanong sa ibaba at isadula ang dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng bagyo.
1) Ano ang gagawin ninyo kung nabalitaan ninyo sa radyo at telebisyon na may paparating na bagyo?
2) Ano ang gagawin ninyo kung bumabagyo at mayroong signal number na naibalita sa inyong lugar?
3) Ano ang gagawain pagkatapos ng bagyo na dumaan sa inyong lugar?
Note: Maaring humngi ng tulong sa mga nakakatanda kung ikaw ay nasa inyong bahay. Kung ikaw ay nasa loob ng paaralan, maaring humingi ng tulong sa inyong mga guro.
Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang BAGO kung ito ay paghahanda bago ang bagyo, HABANG kung ito ay ginagawa habang bumabagyo at PAGKATAPOS kung ito ay naganap pagkatapos ng bagyo.
__________1) Manatili sa loob ng bahay. Kanselahin ang anumang mga plano ng paglalakbay.
__________2) Mag-empake ng bag na may mga damit, de-bateryang radyo, flashlight, tubig, mga de-latang gamit at iba pang pangangailangan, kung sakaling kailanganin mong lumikas.
__________3) Suriin kung ang iyong mga miyembro ng pamilya o mga kamag-anak na nananatili sa mga apektadong lugar ay nangangailangan ng tulong o iligtas.
__________4) Magboluntaryo sa mga relief operations
__________5) Subaybayan ang mga ulat ng panahon. Suriin kung ano ang nangyayari sa paligid mo.
B. Panuto: Magbigay ng dalawang panuntunan sa maaring gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. T 4. T 7. T 10. M
2. T 5. T 8. T
3. M 6. M 9. T
Gawain 3 (Pagsasadula)
Pagtataya
A. 1. Habang 3. Pagkatapos 5. Habang
2. Bago 4. Pagkatapos
B. (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!