Aralin 9: Mga Bagay na Dapat Gawin Upang Maiwasan ang Pagbaha
Aralin 9: Mga Bagay na Dapat Gawin Upang Maiwasan ang Pagbaha
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Natutukoy ang iba’t ibang mga paraan na dapat gawin upang maiwasan ang pagbaha;
Nakasusulat ng mga paraan na dapat gawin upang maiwasan ang pagbaha;
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang pagbaha. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, paano natin maiiwasan ang pagbaha?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga puno?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang paglilinis ng mga kanal at estero?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Narito ang mga dapat gawin ninyo upang maiwasan natin ang pagbaha.
a. Iwasan ang pagputol ng mga puno.
-Malaki ang kontribusyon ng mga puno sa pangangalaga sa lupa. Ang malalayong ugat ay humahawak sa lupa sa lugar at lumalaban sa pagguho. Ito din ay sumisipsip at nag-iimbak ng tubig-ulan, na nagpapababa ng pag-agos ng tubig kung may matinding ulan o bagyo.
b. Iulat ang mga illegal logger at kaingero.
-Mayroong dalawang paraan na maaari direktang maka impluwensya upang ihinto ang iligal na pagtotroso: sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng balita sa iyong komunidad, at sa pamamagitan ng pagtiyak na sinusuportahan mo ang isang grupong pampulitika na may magagandang patakaran sa kapaligiran.
c. Iulat ang iligal na pagtatayo ng mga palaisdaan at iba pang mga establisyimento sa mga daluyan ng tubig.
-Nararapat na siguraduhin natin na maiulat ang iligal na gawain ng mga tao kagaya ng pagtatayo ng palaisdaan at pagpapatayo ng mga establisyimento sa mga daluyan ng mga tubig.
d. Huwag magtapon ng basura sa mga estero at ilog.
-Iwasang magtapon ng anumang bagay tulad ng mga plastic wrapper kahit saan na maaaring makabara sa daluyan ng tubig. Ang pagtapon ng mga basura sa estero at ilog ay maaring magdulot ng maruming kapaligiran. Isa din ito sa pangunahing dahilan ng pagbaha dahil maaaring makabara ang mga basura sa daluyan ng tubig.
e. Tumulong sa paglilinis ng kapitbahayan.
-Isang napakagandang gawain ang tumulong sa mga gawain katulad ng paglilinis ng kapaligiran. Dito, masisigurado natin na ang tubig ay malayang makadaloy at maiwasan ang pagbaha.
f. Suportahan ang mga aktibidad ng komunidad na naglalayong upang mabawasan ang paglitaw ng baha.
Pakatatandaan ninyo ang kalahagahan ng maayos na kapaligiran upang maging ligtas tayo sa mga kalamidad at sakuna.
Gawain 2
Panuto: Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga dapat gawin upang maiwasan ang pagbaha. Lagyan ng tsek (/) sa loob ng kahon.
Gawain 3
Tanong: Bilang isang responsabling tao, ano ang mga bagay na maari mong gawin upang maiwasan ang pagbaha sa inyong lugar?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung kailan ang mga bagay na ito ay dapat gawin. Isulat ang "B" kung ito ginagawa ito bago ang baha, "K" naman kapag binalaan ng pagbaha, "H" kung ginagawa ito habang bumabaha at "P" kung ito ay pagkatapos bumaha.
________1) Pag-iwas sa mga lugar na napapailalim sa biglaang pagbaha.
________2) Paghahanda ng sapat na pagkain na nangangailangan ng kaunting pagluluto at pagpapalamig.
________3) Pag-alam sa mga sistema ng babala sa baha sa iyong komunidad at pagsigurado kung alam ito ng iyong pamilya.
________4) Pag-imbak ng inuming tubig sa mga lalagyan sakaling maputol ang serbisyo ng tubig.
________5) Pag-iingat sa mga kalsada at tulay na napapaligiran ng tubig.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. / 4.
2. / 5. /
3. /
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
1. T 3. M 5. M
2. T 4. T
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!