Aralin 12: Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Landslide
Aralin 12: Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Landslide
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Natutukoy ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng landslide;
Naipapakita ang wastong gagawin may landslide sa pamamagitan ng role play;
Nakakasulat nang maikling balita ukol sa pagguho o landslide.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng pagguho o landlside. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, paano natin maiiwasan ang pagguho?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang dapat gawin bago ang landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga malaman ang dapat gawin pagkatapos ng landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Bago maganap ang LANDSLIDE:
a. Pagmasdan at alamin ang kondisyon ng inyong kapaligiran at matyagan ang mga senyales ng landslide.
b. Makipag-ugnayan sa inyong barangay tungkol sa banta ng landslide sa inyong lugar.
c. Laging alamin ang taya ng panahon na galing sa PAGASA na maaring makuha sa radio, telebisyon, at pahayagan.
d. Kung ang inyong lugar ay may panganib sa landslide at nakaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan, humanda na sa paglikas sa lalong madaling panahon.
e. Siguraduhing may nakahandang survival kit ang pamilya.
f. Alamin ang pinakamabilis at ligtas na mga daan patungo sa pinakamalapit na evacuation center.
g. Ipaalam sa lahat ng miyembro ng pamilya kung paano at saan magkita-kita muli kung sakaling magkahiwa-hiwalay.
h. Tiyakin na may matatawagan o mahihilingan ng tulong sa panahon ng kalamidad.
i. Makilahok sa mga programa ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC).
Habang may LANDSLIDE:
a. Kung nasa loob ng bahay o gusali at wala nang pagkakataong lumikas, manatili na lang sa loob at magtago sa ilalim ng matibay na kasangkapan kagaya ng mesa.
b. Kung nasa labas ng bahay o gusali, mabilis na umiwas sa maaring daanan ng landslide at magtungo sa mataas at ligtas na lugar. Kung wala nang pagkakataong iwasan ang landslide, bumaluktot at bigyan proteksyon ang inyong ulo.
Pagkatapos ng LANDSLIDE:
a. Iwasan muna ang mga lugar na nakaranas ng landslide dahil sa banta ng muling pagguho at biglaang pagbaha.
b. Alamin kung may mga taong nawawala at ipagbigay alam sa mga kinauukulan para masimulan ang search and rescue operations.
c. Makibalita sa pinakahuling advisory at babala tungkol sa landslide.
d. Ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang linya ng kuryente at tubig.
e. Kapag ligtas na sa landslide, alamin kung may sira ang pundasyon at iba pang bahagi ng bahay o gusali at gawan ng nararapat na pagsasaayos.
Gawain 2
Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng dapat gawin kapag my landslide at ekis (X) kung hindi.
_______1. Kung ang inyong lugar ay may panganib sa landslide at nakaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan, humanda na sa paglikas sa lalong madaling panahon.
_______2. Kung nasa loob ng bahay o gusali at wala nang pagkakataong lumikas, manatili na lang sa loob at magtago sa ilalim ng matibay na kasangkapan kagaya ng mesa.
_______3. Hayaan na lang ang ahensya ang makadiskobre sa mga nasirang linya ng kuryente at tubig.
_______4. Huwag bigyang pansin ang mga balitang nagbabadya ng pagguho o landslide sa inyong lugar.
_______5. Makibalita sa pinakahuling advisory at babala tungkol sa landslide.
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng balita tungkol sa pagguho gamit ang mga impormasyong nakalagay sa loob ng kahon.
Landslide sa Maliao, Leon Walang naibalita na nasaktan
18 na mga bahay ang apektado dahil sa malakas na pag-ulan.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung mali.
_____1. Pagmasdan at alamin ang kondisyon ng inyong kapaligiran at matyagan ang mga senyales ng landslide.
_____2. Iwasang makipag-ugnayan sa inyong barangay tungkol sa banta ng landslide sa inyong lugar.
_____3. Laging alamin ang taya ng panahon na galing sa PAGASA na maaring makuha sa radyo, telebisyon, at pahayagan.
_____4. Siguraduhing may nakahandang survival kit ang pamilya.
_____5. Huwag makilahok sa mga programa ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC).
_____6. Tiyakin na may matatawagan o mahihilingan ng tulong sa panahon ng kalamidad.
_____7. Kung nasa loob ng bahay o gusali at wala ng pagkakataong lumikas, manatili na lang sa loob.
_____8. Kung wala nang pagkakataong iwasan ang landslide, hayaan mo nalang tumakbo.
_____9. Pumunta sa mga lugar na nakaranas ng landslide.
_____10. Kapag ligtas na sa landslide, alamin kung may sira ang pundasyon at iba pang bahagi ng bahay o gusali at gawan ng nararapat na pagsasaayos.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. O 4. X
2. O 5. O
3. X
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
1. T 3. T 5. M 7. T 9. M
2. T 4. T 6. T 8. M 10. T
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!
Pagguho o Landslide (Lesson Links)
Aralin 10: Pagguho o Landslide
Aralin 11: Mga Senyales ng Landslide
Aralin 12: Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Landslide