Aralin 10: Pagguho o Landslide
Aralin 10: Pagguho o Landslide
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Nakikilala ang mga uri ng pagguho o landslide;
Nakamumungkahi ng mga pamamaraan kung paano mapipigilan ang pagguho o landslide;
Nakasusulat nang sanaysay tungkol sa landslide.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa pagguho o landslide. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa pagguho o landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Paano nagkakaiba-iba ang mga uri ng pagguho o landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit nagkakaroon ng pagguho o landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Ang landslide ay ang malawakang paggalaw ng bato, burak at lupa pababa sa isang dalisdis dahil sa gravity o batak ng natural na magneto ng ating daigdig. Ito ay nangyayari kapag ang puwersang nagtutulak ay mas malaki kaysa sa puwersang lumalaban. Ito ay isang natural na proseso na nangyayari sa matarik na mga dalisdis. Maaari itong makaapekto sa mga lugar na malapit at malayo sa pinanggalingan.
Kailan may pagguho o landslide? Kadalasan, ang pagguho ay nangyayari kapag may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan at pagyanig mula sa lindol.
Ngayon, bakit may landslides? Dalawa ang pwersang naglalaban sa pagkakaroon ng landslide. Walang landslide kung ang pwersang pumipigil ay higit o katumbas ng pwersang tumutulak. Ngunit, kapag may pwersang pumipigil ay nahihigitan na ng pwersang tumutulak, dito na gumuguho ang mga bato at lupa.
Ang mga sumusunod ay mga uri ng landslides:
a. Paggapang ng lupa o “creep”.
b. Pagsalampak ng lupa o “slump”.
c. Pagdausdos ng bato o “rock slide”.
d. Pagkahulog ng bato o “rockfall”.
e. Pag-agos ng bato, lupa at iban pang bagay o “debris flow”.
f. Pag-agos ng putik o “mudflow”.
Mayroon ng maraming makabagong paaran ng pagpigil sa landslides. Ang mga ‘engineering measures’ na ito ay ginagamit upang pakapitin, saluhin, padaanin, bawasan, tapalan, at iiwas ang mga material na maaaring magdala ng landslide.
Gawain 2
Panuto: Unawain ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang _____________ ay ang malawakang paggalaw ng bato, burak at lupa pababa sa isang dalisdis dahil sa gravity.
a. baha
b. bagyo
c. pagguho
d. lindol
2. Ito ay nangyayari kapag ang puwersang nagtutulak ay mas malaki kaysa sa puwersang lumalaban.
a. baha
b. bagyo
c. pagguho
d. lindol
3. Nagkakaroon ng pagguho o landslides kung ______________.
a. ang pwersang pumipigil ay higit sa pwersang tumutulak
b. ang pwersang pumipigil ay katumbas ng pwersang tumutulak
c. ang pwersang pumipigil ay nahihigitan ng pwersang tumutulak
d. wala sa nabanggit
4. Ito ay uri ng pagguho na kung saan mayroong pag-agos ng bato, lupa at iban pang bagay.
a. creep
b. slump
c. debris flow
d. mudflow
5. Ito ay uri ng pagguho na kung saan umaagos ang mga putik.
a. creep
b. slump
c. debris flow
d. mudflow
Gawain 3
Panuto: Tingnan ang larawan. Paano mapipigilan ang pagghuo? Sa bawat bilang, magsulat ng isang paraan upang maiwasan ang pagguho.
Pagtataya
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagsasaad nang mga mungkahi o dapat gawin sa panahon ng pagguho o landslide sa kalahating papel. Isulat ito sa ibaba.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. C
2. C
3. C
4. C
5. D
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!
Pagguho o Landslide (Lesson Links)
Aralin 10: Pagguho o Landslide
Aralin 11: Mga Senyales ng Landslide
Aralin 12: Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Landslide