Aralin 7: Ang Baha at Uri Nito
Aralin 7: Ang Baha at Uri Nito
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Natutukoy kung ano ang baha at ang mga uri nito;
Nakapagbibigay ng mga paraan kung paano mapigilan ang baha.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa baha at mga uri nito. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, ano ang baha?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang mga uri ng baha?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit kailangan alamin ang tungkol sa baha at uri nito?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Ang baha ay sobrang pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa. Sanhi nito ang matinding ulan na rumaragasa o bumubugso. Ang mga baha ay ang pinakamadalas na uri ng natural na sakuna at nangyayari kapag ang pag-apaw ng tubig ay lumubog sa lupa na karaniwang tuyo. Ang baha ay kadalasang sanhi ng malakas na pag-ulan o isang storm surge mula sa isang tropikal na bagyo o tsunami sa mga lugar sa baybayin.
Dalawang Uri ng Baha
1. Ayon sa tagal
2. Ayon sa lugar
Ayon sa tagal, mayroon tayong tinatawag na Flashflood at Sheetflood. Ang flashflood ay ang mabilis na agos ng tubig, kadalasang rumaragasa, at may kasamang putik, kahoy, bato at iba pa. Ito ay mabilis na dumadating at mabilis ding humuhupa. Kalimitan itong nangyayari sa lugar na may matirik na dalisdis at sanga-sangang sapa at ilog. Ang sheetflood naman ay may banayad o may kabilisan na pagtaas ng tubig na nagtatagal ng ilang araw. Ito ay sumasakop sa malawak na lugar at kalimitang nangyayari sa mga patag na lugar na may malawak na ilog.
Ang pangalawang uri ng baha ay ayon sa lugar. Ito ay ang Riverine Flood, Coastal Flood at Urban Flood. Ang Riverine Flood ay pagbaha sa kapatagan na may katabing ilog dahil sa pag-apaw ng tubig na higit pa sa kapasidad ng ilog. Ang Coastal Flood naman ay pagbaha sa dalampasigan at baybayin ng dagat o lawa dahil sa high tide o di kaya sa storm surge or tsunami. Panghuli ay ang Urban Flood. Ito ay ang pagbaha sa kalungsuran dahil sa kawalan ng lupain nagsisipsip ng tubig ulan, di sapat na disenyo ng drainage systems, at mga struktura at may mga basurang nagbabara ng natural na daluyan ng tubig.
Alam nyo ba? Ang baha ay hindi lamang dulot ng malakas na pag-ulan. Sa ating bansa, nangyari na ang mga pagbaha dahil sa tsunami, pagkasira ng dam, tidal change at ang pagtagas ng tubig mula sa bunganga ng bulkan.
Gawain 2
Panuto: Unawain ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang sobrang pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa ay tinatawag nating _______________?
a. baha c. bagyo
b. lindol d. pagguho
2. Ito at isang uri ng baha ayon sa tagal na kung saan mabilis ang agos ng tubig na kadalasang rumaragasa, at may kasamang putik, kahoy, bato at iba pa.
a. sheetflood c. mudslide
b. flashflood d. wala sa nabanggit
3. Ang __________________ naman ay may banayad o may kabilisan na pagtaas ng tubig na nagtatagal ng ilang araw.
a. sheetflood c. mudslide
b. flashflood d. riverine flood
4. Ito ang pagbaha sa kapatagan na may katabing ilog dahil sa pag-apaw ng tubig na higit pa sa kapasidad ng ilog.
a. sheetflood c. coastal flood
b. flashflood d. riverine flood
5. Ang _________________ naman ay pagbaha sa dalampasigan at baybayin ng dagat o lawa dahil sa high tide o di kaya sa storm surge or tsunami.
a. sheetflood c. coastal flood
b. urban flood d. riverine flood
6. Ito ay ang pagbaha sa kalungsuran dahil sa kawalan ng lupain na nagsisipsip ng tubig ulan, at di sapat na disenyo ng drainage systems.
a. sheetflood c. coastal flood
b. urban flood d. riverine flood
7. Ang _________________ ay kadalasang sanhi ng malakas na pag-ulan, mabilis na pagtunaw ng niyebe o isang storm surge.
a. baha c. bagyo
b. lindol d. pagguho
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa grupo?
a. riverine flood c. coastal flood
b. urban flood d. sheetflood
9. Ang mga sumusunod ay maaring maging epekto ng baha maliban sa?
a. pagkitil ng buhay
b. pagkasira ng mga pananim
c. paglago ng mga halaman
d. pagkasira ng mga kabahayan
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa grupo?
a. flashflood c. sheetflood
b. mudslide d. coastal flood
Gawain 3
Panuto: Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang paraan upang mapangalagaan ang ating kalikasan at para maiwasan ang pagbaha. (10 puntos)
Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang "T" kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama at "M" naman kung hindi ito ay mali.
________1) Ang urban flooding ay ang pagbaha sa kalungsuran dahil sa kawalan ng lupain nagsisipsip ng tubig ulan.
________2) Ang sheetflood ay may banayad o may kabilisan na pagtaas ng tubig na nagtatagal ng ilang araw.
________3) Ang Riverine flood ay ang mabilis na agos ng tubig, kadalasang rumaragasa, at may kasamang putik, kahoy, bato at iba pa.
________4) Ang dalawang uri ng baha ay ayon sa lugar at tagal.
________5) Ang baha ay sobrang pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa.
B. Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang pagbaha?
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
2. Bilang isang mamamayan, paano ka makakatulong upang maiwasan ang pagbaha sa inyong komunidad?
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. A 6. B
2. D 7. A
3. A 8. D
4. D 9. C
5. C 10. B
Gawain 3 (Pagguhit)
Pagtataya
A. 1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
B. (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!