Aralin 1: Ano ang Lindol?
Aralin 1: Ano ang Lindol?
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Naipamamalas ang pag-unawa tungkol sa lindol;
Nakapagbibigay ng dalawang paraan ng pagsukat ng lindol sa pamamagitan ng Venn Diagram;
Nakabibigay ng maaring pinagmulan ng lindol at nakaguguhit ng maaaring idulot ng lindol.
Gawain 1
Panuto: Panuorin ang "KAALAM Video" tungkol sa lindol sa itaas. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa napanuod mo, ano ang lindol?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit nakararanas tayo ng lindol?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Paano sinusukat ang lakas ng isang lindol?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Ang lindol ay isang mahina hanggang sa malakas na pagyanig ng lupa na dulot ng biglaang pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Itong natural na kalamidad ay maaring magdulot ng pagguho ng mga gusali, bahay, pagkabitak-bitak ng lupa at kahit na pagkitil ng buhay ng mga tao.
Nagmula ang mga lindol sa tectonic plate boundary. Ang focus ay isang punto sa loob ng lupa kung saan nagsimula ang lindol, kung minsan ay tinatawag na hypocenter, at ang punto sa ibabaw ng lupa na nasa itaas mismo ng focus ay tinatawag na epicenter.
Mayroong dalawang paraan kung paano natin masusukat ang lakas ng isang lindol: magnitude at intensity. Ang magnitude ay proporsyonal sa enerhiya na inilabas ng isang lindol sa focus. Ito ay kinakalkula mula sa mga lindol na naitala ng isang instrumento na tinatawag na seismograph. Ito ay kinakatawan ng Arabic Numbers (hal. 4.8, 9.1).
Ang intensity sa kabilang banda, ay ang lakas ng isang lindol na nakikita at nararamdaman ng mga tao sa isang partikular na lokalidad. Ito ay isang numerical na rating batay sa mga relatibong epekto sa mga tao, bagay, kapaligiran, at istruktura sa paligid. Ang intensity ay karaniwang mas mataas malapit sa epicenter. Ito ay kinakatawan ng Roman Numerals (hal. II, IV, IX). Sa Pilipinas, ang intensity ng isang lindol ay tinutukoy gamit ang PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS).
Gawain 2
Panuto: Unawain ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang mahina hanggang sa malakas na pagyanig ng lupa na dulot ng biglaang pag-galaw ng fault sa ibabaw ng bahagi ng mundo?
a. bagyo c. tsunami
b. baha d. lindol
2. Ang _____________ ay isang punto sa loob ng lupa kung saan nagsimula ang lindol.
a. epicenter c. focus
b. magnitude d. intensity
3. Ito ang punto sa ibabaw ng lupa na nasa itaas mismo ng focus.
a. focus c. magnitude
b. epicenter d. intensity
4. Ang focus ay tinatawag din nating ______________.
a. hypocenter c. megacenter
b. epicenter d. intensity
5. Ito ay natural na kalamidad na maaring magdulot ng pagguho ng mga gusali, bahay, pagkabitak-bitak ng lupa at kahit na pagkitil ng buhay ng mga tao.
a. bagyo c. tsunami
b. baha d. lindol
6. Ito ay isang paraan sa pagsukat ng lakas ng lindol sa pamamagitan ng proporsyonal na enerhiya na inilabas ng isang lindol sa focus.
a. epicenter c. instrument
b. magnitude d. intensity
7. Ang ______________ ay isang instrumento na ginagamit upang makita at maitala ang mga lindol.
a. seismograph c. instrument
b. barometer d. thermometer
8. Ito ay ang lakas ng isang lindol na nakikita at nararamdaman ng mga tao sa isang partikular na lokalidad.
a. epicenter c. instrument
b. magnitude d. intensity
9. Ito ay ang pambansang institusyon sa Pilipinas na nakatutok para magbigay-alam sa mga kilos at kalagayan ng mga bulkan, lindol at mga tsunami.
a. PHIVOLCS c. DOH
b. DEPED d. DPWH
10. Ano ang tawag sa instrumento na ginagamit dito sa Pilipinas upang tukuyin ang intensity ng isang lindol.
a. PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS)
b. PHIVOLCS Earthquake Intensity Tool (PEIT)
c. PHIVOLCS Earthquake Intensity Survey (PEIS)
d. wala sa nabanggit
Gawain 3
Panuto: Ipaliwanag ang dalawang paraan ng pagsukat ng lindol sa pamamagitan ng Venn Diagram batay sa kanilang pagkakaiba at pagkakapareho. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi ito wasto. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
___________1) Ang lindol ay ang pagyanig ng lupa.
___________2) Ang lindol ay nagmula sa kalawakan.
___________3) Ang epicenter ay ang punto sa ibabaw ng lupa na nasa itaas mismo ng focus.
___________4) Magnitude at intensity ang dalawang paraan ng pagsukat sa lakas ng lindol.
___________5) Nagkakaroon ng lindol dahil sa ginagawa ng mga tao.
B. Panuto: Gamit ang bidyo na ipinakita, gumuhit ng maaaring idulot ng pagyanig ng lupa o lindol. (10 puntos)
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. D 6. B
2. C 7. A
3. B 8. D
4. A 9. A
5. D 10. A
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
A. 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali
B. (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!
Lindol o Earthquake (Lesson Links)
Aralin 2: Mga Bagay na Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol