Aralin 11: Mga Senyales ng Landslide
Aralin 11: Mga Senyales ng Landslide
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Naibibigay ang mga senyales ng landslide;
Naibabahagi ang mga opinyon at saloobin ukol sa paksa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa mga senyales ng landslide. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa mga senyales ng landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan tayo maging alerto at mapagmasid sa mga nangyayari sa palibot?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang mangyayari sa isang taong walang kaalaman sa mga senyales ng landslide?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Tinalakay natin na ang pagguho o landslide ay ang malawakang paggalaw ng bato, burak at lupa pababa sa isang dalisdis dahil sa gravity o batak ng natural na magneto ng ating daigdig. Ngayon, ating alamin paano natin malalaman na mayroong nagbabadyang pagguho?
Narito ang mga senyales ng nagbabadyang landslide.
1. Mapapansin natin ang bitak na lupa, kalsada o sahig.
2. Nakatabingi mula sa kinatatayuan ang mga bakod, poste, pader, at punong kahoy.
3. Bumukol, nag alon-alon o hagdan-hagdan na lupa.
4. Baluktot o putol na mga tubo ng tubig na nakabaon sa lupa.
5. Biglang paglabas ng tubig na parang bukal sa lupa.
6. Paglabo ng tubig sa ilog.
7. Nakahiwalay na pader, hagdan, at iba pang dugtungan ng bahagi ng bahay.
8. Mahirap buksan na mga pinto at bintana dahil wala na sa linya ang mga hamba.
9. Malakas na ugong habang papalapit na ang landslide.
Ang panganib ng landslide ay maaring mapigilan o mabawasan sa pamamagitan ng mga ‘structural mitigating measures’ na naglalayong pakapitin, saluhin, padaanin, bawasan, tapalan o iiwas ang mga material na madala ng landslide. Ngunit ang mga paraang ito ay may kamahalan at may limitasyon din.
Mag-ingat tayo dahil ang landslide ay nakamamatay at nakapipinsala. Alamin ang posibilidad ng landslide sa inyong lugar. Ipaalam sa mga awtoridad kapag may kakaibang napansin na sensyales ng nagbabantang landslide.
Gawain 2
Panuto: Magbigay ng limang senyales ng pagguho o landslide. Isulat ito sa mga patlang.
1.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
2.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
3.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
4.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
5.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Gawain 3
Panuto: Bumuo ng isang grupo na may tatlong miyembro. Pagkatapos nito, basahin ang balita tungkol sa isang landslide. Ibahagi ang inyong mga opinyon higgil sa balitang naba. Isulat ito sa isang buong papel.
Patay sa baha, landslide sa Maguindanao nasa 53 na
Umakyat na sa 53 ang namatay sa Maguindanao dahil sa mga pagbaha at landslides dulot ng bagyong Paeng, ayon sa provincial disaster management office ngayong Linggo.
Nasa 22 rin ang naiulat na nawawala, kaya magpapatuloy umano ang search and retrieval operations ngayon araw.
May apat na tulay sa lalawigan ang hindi naman madaanan matapos masira at pag-overflow ng mga ilog.
Sinimulan na ng local government unit ang pag-repack at pamimigay ng ayuda sa mga taong nasa evacuation centers.
- Ulat ni Chrislen Bulosan (ABS-CBN News) Source
Pagtataya
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng senyales ng landslide at MALI kung hindi.
_______1. Malakas na ugong habang papalapit na ang landslide.
_______2. Nakahiwalay na pader, hagdan, at iba pang dugtungan ng bahagi ng bahay.
_______3. Maraming mga isda ang naglalabasan sa dagat.
_______4. Mahirap buksan na mga pinto dahil wala na sa linya ang mga hamba.
_______5. Paglabo ng tubig sa ilog.
_______6. Mapapansin natin ang bitak na lupa, kalsada o sahig.
_______7. Nakatabingi mula sa kinatatayuan ang mga bakod, poste at punong kahoy.
_______8. Mararanasan ang matinding init.
_______9. Baluktot o putol na mga tubo ng tubig na nakabaon sa lupa.
_______10. Makikita ang mga ilog na walang tubig.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
1. Tama 6. Tama
2. Tama 7. Tama
3. Mali 8. Mali
4. Tama 9. Tama
5. Tama 10. Mali
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!
Pagguho o Landslide (Lesson Links)
Aralin 10: Pagguho o Landslide
Aralin 11: Mga Senyales ng Landslide
Aralin 12: Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Landslide