Aralin 8: Mga Panuntunan sa Kaligtasan sa Baha
Aralin 8: Mga Panuntunan sa Kaligtasan sa Baha
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Natutukoy ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng baha;
Nakabibigay ng mga panuntunan na dapat gawin bilang paghahanda sa baha.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa panuntunan sa kaligtasan sa baha. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa panuntuhan sa kaligtasan sa baha?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang dapat gawin habang bumabaha?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang mangyayari sa isang taong walang kaalaman sa mga panuntunan sa kaligtasan sa baha?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Ang baha ay ang pag-apaw ng tubig sa natural nitong daluyan, tulad ng sapa, ilog at dagat dahilan upang malubog ang nakapalibot ditong lupa. Upang maging ligtas tayo sa baha, sundin nating ang mga panuntunan sa kaligtasan sa baha.
Bago ang baha:
a. Alamin kung gaano kadalas bahain ang iyong lokasyon.
b. Alamin ang sistema ng babala sa baha sa iyong komunidad at siguraduhing alam ito ng iyong pamilya.
c. Panatilihin ang kaalaman sa pang-araw-araw na kondisyon ng panahon.
d. Magtalaga ng evacuation area para sa pamilya at mga alagang hayop.
e. Magtalaga ng mga tagubilin at responsibilidad sa mga miyembro ng pamilya ayon sa plano ng paglikas.
f. Magtabi ng sapat na pagkain na nangangailangan ng kaunting pagluluto at pagpapalamig dahil maaaring maputol ang kuryente.
g. Panatilihin ang isang transistorized na radyo at flashlight na may mga ekstrang baterya, kagamitan sa pang-emerhensiyang pagluluto, mga kandila, posporo at first aid kit na madaling gamitin sakaling magkaroon ng emergency.
Kapag binalaan ng baha:
a. Abangan ang mabilis na pagtaas ng tubig baha.
b. Makinig sa iyong radyo para sa mga ulat at tagubilin.
c. Kung kailangan mong lumikas, lumipat sa isang ligtas na lugar.
d. Mag-imbak ng inuming tubig sa mga lalagyan sakaling maputol ang serbisyo ng tubig.
e. Ilipat ang mga gamit sa bahay sa itaas na lugar.
f. Dalhin ang mga hayop sa mas mataas na lugar.
g. Patayin ang kuryente sa main switch ng gusali bago lumikas at saraduhin din ang iyong bahay.
Habang bumabaha:
a. Iwasan ang mga lugar na napapailalim sa biglaang pagbaha.
b. Huwag subukang tumawid sa mga ilog at sapa kung ang tubig ay higit sa tuhod.
c. Mag-ingat sa mga kalsada at tulay na napapaligiran ng tubig.
d. Huwag lumangoy o mamangka sa mga ilog.
e. Kumain lamang ng lutong pagkain. Protektahan ang mga tirang pagkain laban sa kontaminasyon.
f. Uminom LAMANG ng malinis o pinakuluang tubig.
Pagkatapos ng baha:
a. Muling pumasok sa mga tirahan nang may pag-iingat gamit ang mga flashlight.
b. Maging alerto sa mga panganib sa sunog tulad ng mga sirang wire.
c. Huwag kumain ng pagkain at uminom ng tubig hangga't hindi sila nasusuri kung may kontaminasyon sa tubig baha.
d. Iulat ang mga sirang linya ng (kuryente, tubig, gas at telepono) sa mga naaangkop na awtoridad.
e. Huwag buksan ang main switch o gumamit ng mga appliances at iba pang kagamitan hanggang sa masuri sila ng isang electrician.
f. Huwag pumunta sa mga lugar ng kalamidad. Ang iyong presensya ay maaaring makahadlang sa pagsagip at iba pang mga emergency operations.
Ang baha ay pinalala ng mga salik na nagreresulta mula sa kapabayaan at kawalang-interes ng mga tao na karaniwan bago mangyari ang baha. Kaya dapat alam natin itong mga panuntunan upang maging ligtas sa baha.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay tama at isulat naman ang “M” kung ito ay mali.
_____1. Dapat alamin kung gaano kadalas bahain ang iyong lokasyon.
_____2. Hindi na kailangan ang kaalaman sa pang-araw-araw na kondisyon ng panahon.
_____3. Magtabi ng sapat na pagkain na nangangailangan ng kaunting pagluluto at pagpapalamig dahil maaaring maputol ang kuryente.
_____4. Abangan ang mabilis na pagtaas ng tubig baha.
_____5. Sumuong sa malakas na baha.
_____6. Kumain lamang ng lutong pagkain. Protektahan ang mga tirang pagkain laban sa kontaminasyon.
_____7. Ilipat ang mga mahahalagang gamit sa bahay sa sahig.
_____8. Patayin ang kuryente sa main switch ng gusali bago lumikas at saraduhin din ang iyong bahay.
_____9. Muling pumasok sa mga tirahan nang may pag-iingat gamit ang mga flashlight.
_____10. Maging alerto sa mga panganib sa sunog dulot ng mga sirang wire.
Gawain 3
Panuto: Magtala ng mga panuntunan sa kaligtasan sa baha. Isulat ito sa bwat bilang.
1. Bago ang Baha
a.
b.
c.
2. Kapag binalaan ng Baha
a.
b.
c.
3. Habang bumabaha
a.
b.
c.
4. Pagkatapos ng Baha
a.
b.
c.
Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung kailan ang mga bagay na ito ay dapat gawin. Isulat ang "B" kung ito ginagawa ito bago ang baha, "K" naman kapag binalaan ng pagbaha, "H" kung ginagawa ito habang bumabaha at "P" kung ito ay pagkatapos bumaha.
________1) Pag-iwas sa mga lugar na napapailalim sa biglaang pagbaha.
________2) Paghahanda ng sapat na pagkain na nangangailangan ng kaunting pagluluto at pagpapalamig.
________3) Pag-alam sa mga sistema ng babala sa baha sa iyong komunidad at pagsigurado kung alam ito ng iyong pamilya.
________4) Pag-imbak ng inuming tubig sa mga lalagyan sakaling maputol ang serbisyo ng tubig.
________5) Pag-iingat sa mga kalsada at tulay na napapaligiran ng tubig.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. T 6. T
2. M 7. M
3. T 8. T
4. T 9. T
5. M 10. T
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
1. P
2. B
3. B
4. K
5. H
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!