KAALAM Website
Maraming tao ang naapektuhan ng mga pandaigdigang sakuna, na nagreresulta sa pagkawala ng buhay at pagkawasak ng mga ari-arian. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas matamaan ng mga natural na sakuna. Ito rin ang pangatlong bansang may pinakamaraming sakuna na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong pagkalugi sa ekonomiya (Aronsson & da Costa, 2017). Ang pagpapatatag ng isang komunidad ay higit na kailangan upang maiwasan ang panganib sa sakuna. Kaugnay dito ang edukasyon na ikinakalat sa pamamagitan ng mga programa ng kamalayan at pagsasanay.
Base sa naobserbahan sa ikatlong quarter ng national simultaneous earthquake drill para sa taong 2022, napag-alaman na maraming mga nag-aaral ang nakalimot sa earthquake drill. Higit pa dito, nagpapakita rin sila ng mahinang pag-unawa sa mga konsepto at terminolohiya ng DRRM.
Ang kamalayan sa pagbabawas at pamamahala ng panganib sa kalamidad at ang pangangailangang mabigyan ang ating mga mag-aaral at guro ay higit na kailangan upang maisawan ang matinding epekto ng mga sakuna sa ating lipunan. Ito ay maari sa pamamagitan ng paglikha ng Information, Education and Communication (IEC) materials. Dahil dito, nabuo ang KAALAM website upang matulungan ang mga mag-aaral na matuto at malinang ang kanilang kaalaman tungkol sa mga natural na kalamidad at sakuna gamit ang teknolohiya.
Naglalayon ang KAALAM na matugunan ang problema sa kaalaman hinggil sa mga natural na sakuna at kalamidad. Naniniwala kami na kapag ang isang bata ay may alam, siya ay magiging handa at kaya niyang harapin ang ano mang sakuna na darating.
Kaya halina't pag-aralan natin ang mga leksyon tungkol sa mga natural na kalamidad at sakuna gamit ang KAALAM website!
Produce quality learning materials related to Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) which are accessible to all;
Improve learners’ level of awareness of natural hazards such as earthquakes, typhoons, floods, and landslides;
Disseminate the DRRM learning package among other learners, teachers, parents, and stakeholders.
Aralin 2: Mga Bagay na Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol
Aralin 3: Duck, Cover, at Hold
Aralin 4: Ang Bagyo at Kategorya Nito
Aralin 5: Tropical Cyclone Warning System (TCWS)
Aralin 6: Safety Precautionary Measures Before, During and After the Typhoon
Aralin 7: Ang Baha at Uri Nito
Aralin 8: Mga Panuntunan sa Kaligtasan sa Baha
Aralin 9: Mga Bagay na Dapat Gawin upang Maiwasan ang Pagbaha
Aralin 10: Pagguho o Landslide
Aralin 11: Mga Senyales ng Landslide
Aralin 12: Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Landslide
About me
I am Japhet S. Tendoy, a teacher from Isian Norte Elementary School, District of Leon I, Schools Division of Iloilo. I am the person behind the KAALAM project. Currently, I am teaching Grade 5 learners. Also, I am the School DRRM Coordinator and District Innovation focal person.