Aralin 5: Tropical Cyclone Warning System (TCWS)
Aralin 5: Tropical Cyclone Warning System (TCWS)
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Naipamamalas ang kaalaman tungkol sa warning system ng isang bagyo;
Nakapagtatala ng mga pinsala na maaaring idulot ng tropical cyclone warning signal.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa Tropical Cyclone Warning System (TCWS). Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa TCWS?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang mangyayari kung ang inyong komunidad ay napasailalim sa kategoryang "Super Typhoon"?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang posibilidad na mangyari kung napasailalim ang lugar inyo sa kategoryang "Typhoon"?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Bakit may TCWS?
Ang TROPICAL CYCLONE WARNING SIGNAL (TCWS) ay babala na inilalabas ng PAGASA upang ipaalam sa publiko ang mga maaring epekto ng dalang hangin ng isang bagyo. Mayroong limang (5) TROPICAL CYCLONE WARNING SIGNAL na inilalabas ang PAGASA; una na dito ang TCWS # 1, kung ang hanging dala ng bagyo ay mula 30kph hanggang 60 kph na inaasahan sa loob ng 36 oras. Ang epekto ng hangin ay pweding makabali ng sanga ng maliliit na puno. Maaaring mabali o tuluyang mahugot ang ilang puno ng saging. Maaaring matanggalan ng bubong ang ilang bahay na di gawa sa matibay na materyales. Mababaw o halos walang pagkasirang magaganap sa apektadong lugar. Malaking pinsala ang maaaring matamo ng palay na nagsisimula pa lang umusbong.
Samantala ang TCWS # 2 kung ang dalang hangin ng bagyo ay mula 61 kph hanggang 120 kph na inaasahan sa loob ng 24 oras. Dito, maaaring bumaluktot o tuluyang mabali ang mga puno ng niyog. Maaaring mabunot ang ilang malalaking puno. Maaaring bumagsak ang maraming puno ng saging. Apektado ang mga palayan at iba pang mga pananim. Matatanggalan ng bubong ang maraming bahay na gawa sa di-matibay na materyales. Maaaring matanggal ang mga lumang bubong na yari sa yero. Sa pangkalahatan, maaaring magdulot ng mababaw hanggang katamtamang pagkasira sa mga tinamaang komunidad.
TCWS # 3 naman kung ang dala na hangin ng bagyo ay mula 121 kph hanggang 170 kph na inaasahan naman sa loob ng 18 oras. Sa warning signal na ito, mababali ang maraming puno ng niyog. Babagsak ang halos lahat ng puno ng saging at mabubunot ang malaking bilang ng iba pang puno. Matindi ang pinsala sa mga palayan at iba pang pananim. Matatanggalan ng bubong o tuluyang mawawasak ang karamihan sa mga bahay na gawa sa di-matibay na materyales.
May bahagyang pagkawasak sa mga estrukturang di-matibay hanggang sa di-gaanong matibay ang konstruksiyon. Magkakaroon ng pagkasira sa serbisyo ng komunikasyon at kuryente. Sa pangkalahatan, katamtaman hanggang sa matinding pagkasira ang mararanasan partikular na sa agrikultural at industriyal na sektor.
TCWS # 4 naman kung ang inaasahang hangin ng bagyo sa susunod na 12 oras ay nasa pagitan ng 170 kph hanggang 220 kph. Ang pinakamataas na warning ay TCWS. Ang epekto ng hangin ay pagkasira sa mga taniman ng niyog. Maaaring mabunot ang maraming malalaking puno. Malaking pinsala ang sa mga palayan at iba pang taniman. Matinding pagkasira sa karamihan ng mga gusaling residensiyal at institusyonal na iba-iba ang klase ng konstruksiyon. Matinding pagkasira sa mga serbisyo ng komunikasyon at kuryente. Matinding pagkasira sa mga apektadong lugar.
TCWS # 5 or tinatawag nating Super Typhoon naman kung saan ang dalang hangin ng bagyo ay higit sa 220 kph na inaasahan sa loob ng 12 oras. Dito, halos lubos na pagkasira sa mga estrukturang gawa sa magagaang materyales, lalo na sa mga napakalapit sa dalampasigan. Lubusang matatanggalan ng bubong ang maraming gusali. Matindi at malawakang pinsala sa mga bintana at pinto.
Malubhang pinsala sa karamihan ng mga residensiyal at institusyonal na gusali. Mapuputol ang mga linya ng kuryente at komunikasyon. Tutumba ang lahat ng mga signboard at malalaking karatula. Lubos na pagkasira sa mga taniman ng saging. Karamihan ng mga matataas na puno tulad ng buko ang mabubuwal, mababali, o makakalbo. At napakakaunting halaman at puno lamang ang makalalampas sa bagyo.
Ang signal number sa isang lugar ay nakabatay sa tindi, laki ng sirkulasyon, direksiyon, at bilis ng isang bagyo sa sandaling inilabas ang isang Public Storm Warning Signal. Nakabatay rin sa mga ito ang pagbabago ng Public Storm Warning Signal ng isang lugar.
Gawain 2
Panuto: Unawain ang mga tanong nang mabuti at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay mga babala na inilalabas ng PAGASA upang ipaalam sa publiko ang mga maaring epekto ng dalang hangin ng isang bagyo.
a. Tropical Strom Signal Warning
b. Tropical Cyclone Warning Signal
c. Tropical Cyclone System Warning
d. Tropical Storm System Warning
2. ____________________________ kung ang hanging dala ng bagyo ay mula 30 kph hanggang 60 kph na inaasahan sa loob ng 36 oras.
a. TCWS #1 c. TCWS #3
b. TCWS #2 d. TCWS #4
3. ____________________________ kung ang dalang hangin ng bagyo ay mula 61 kph hanggang 120 kph na inaasahan sa loob ng 24 oras.
a. TCWS #1 c. TCWS #3
b. TCWS #2 d. TCWS #4
4. Tropical cyclone warning signal na kung saan ang dala na hangin ng bagyo ay mula 121 kph hanggang 170 kph na inaasahan naman sa loob ng 18 oras.
a. TCWS #1 c. TCWS #3
b. TCWS #2 d. TCWS #4
5. ___________________________ kung ang inaasahang hangin ng bagyo sa susunod na 12 oras ay nasa pagitan ng 170 kph hanggang 220 kph.
a. TCWS #2 c. TCWS #4
b. TCWS #3 d. TCWS #5
Gawain 3
Panuto: Magtala ng maaring epekto ng bawat warning signal ng isang bagyo. Isulat ang sagot sa bawat bilang.
Signal No. 1 - a.
b.
c.
Signal No. 2 - a.
b.
c.
Signal No. 3 - a.
b.
c.
Signal No. 4 - a.
b.
c.
Signal No. 5 - a.
b.
c.
Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga epekto ng bagyo na nasa hanay A at paghambingin ito sa kung anong Tropical Cyclone Warning System sa hanay B. Isulat ang titik sa sagutang papel.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. B
2. A
3. B
4. C
5. C
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
1. E
2. A
3. C
4. B
5. D
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!