Aralin 2: Mga Bagay na Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol
Aralin 2: Mga Bagay na Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Naipamamalas ang pag-alala sa mga dapat gawin bago, habang nagaganap at pagkatapos ng lindol;
Nakasasabuhay ang mga dapat gawin bago, habang nagaganap at pagkatapos ng lindol;
Natutukoy ang mga dapat gawin bago, habang nagaganap at pagkatapos ng lindol.
Gawain 1
Panuto: Panuorin ang "KAALAM Video" tungkol sa mga bagay na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa lindol?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan nating maghanda sa mga sakuna katulad ng lindol?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang gagawin mo habang lumilindol?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Bago ang lindol:
1. Alamin ang mga maaring maidulot na panganib ng lindol sa inyong lugar.
2. Siguraduhing matibay ang pagpapagawa sa mga bahay at gusali.
3. Itali o ikabit ang mabibigat na kagamitan sa dingding.
4. Tiyaking na matatag ang pagkakabitin ng mga bagay tulad ng bentilador o chandelier.
5. Itago o ilagay sa pinakababa at ligtas na parte ng mga istante ang mga babasagin, mga nakakalasong kemikal, at mga bagay na madaling magliyab.
6. Maghanda ng emergency supply kit tulad ng first aid kit, pagkain, tubig, damit, kumot, radyong de baterya, flashlight at iba pa.
7. Regular na magsagawa at makilahok sa earthquake drill.
Habang nagaganap ang lindol:
1. Maging mahinahon. Kung nasa loob ng isang matibay na gusali o bahay, manatili sa loob nito. Gawin and Duck, Cover, Hold.
2. Magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at humawak sa paanan nito. Kung walang mesa, takpan ng mga kamay ang ulo at batok.
5. Kung nasa labas, pumunta sa isang ligtas na lugar. Lumayo sa mga puno, poste ng kuryente, pader at iba pang istruktura, na maaring bumagsak o matumba.
6. Lumayo sa gilid at dalisdis ng mga bundok na maaring gumuho.
7. Kung nasa tabing dagat, at nakaramdam ng malakas na paglindol, mabilis na lumikas sa mas mataas na lugar.
8. Kung nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan. Huwag magtangkang tumawid sa tulay, overpass o flyover dahil maaring mapinsala ito ng lindol.
Pagkatapos ng lindol:
1. Suriin ang sarili at mga kasama kung nagtamo ng pinsala.
2. Suriin ang mga linya ng tubig at kuryente kung nagkaroon ng sira.
3. Suriin ang natapong nakalalason at madaling magliyab na mga kemikal.
4. Suriin kung may sunog, at agad itong kontrolin at puksain.
5. Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe na nakasaad ang lugar ng patutunguhan. Dalhin ang emergency supply kit.
6. Patuloy na makinig sa mga anunsyo at babala gamit ang radyong de baterya.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay tama at isulat naman ang “M” kung ito ay mali.
_____1. Patuloy na makinig sa mga anunsyo at babala gamit ang radyong de baterya kung may lindol.
_____2. Ang pag-alam sa maaring maidulot na panganib ng lindol sa inyong lugar ay hindi na kailangan.
_____3. Tiyakin na matatag ang pagkakabitin ng mga bagay tulad ng bentilador o chandelier.
_____4. Siguraduhing matibay ang pagpapagawa sa mga bahay at gusali.
_____5. Itago o ilagay sa pinakamababa at ligtas na parte ng mga istante ang mga babasagin, mga nakakalasong kemikal, at mga bagay na madaling magliyab.
_____6. Mataranta at umiyak habang lumilindol.
_____7. Suriin ang mga linya ng tubig at kuryente kung nagkaroon ng sira.
_____8. Huwag makilahok sa earthquake drill dahil nakakapagod ito.
_____9. Maghanda ng emergency supply kit tulad ng first aid kit, pagkain, tubig, damit, kumot, radyong de baterya, flashlight at iba pa.
_____10. Manatili sa mga babasaging bintana kung lumilindol.
Gawain 3
Panuto: Pumili ng tatlong kasama sa grupo. Pagkatapos, pumili ng sitwasyon sa ibaba na gusto ninyong isabuhay. Basahin ang pamantayan sa pagmamarka.
Sitwasyon 1: Namamasyal kayo sa parke ng naramdaman ninyo na yumayanig ang lupa. Ano ang gagawin ninyo?
Sitwasyon 2: Narinig mo sa radyo na may napapabalitang mangyari na lindol at malapit sa inyong lugar ang focus nito. Ano ang gagawin ninyo?
Sitwasyon 3: Pagkatapos ng pagyanig ng lupa na naranasan ninyo, ano ang maaari ninyong susunod na gawin?
Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat bilang at tukuyin kung kailan ginagawa ang bawat pangungusap. Lagyan ng "B" kung ito ay dapat gawin bago ang lindol, "H" naman kung habang lumilindol at "P" kung pagkatapos ng lindol.
_____1. Suriin kung may sunog, at agad itong kontrolin at puksain.
_____2. Tiyaking na matatag ang pagkakabitin ng mga bagay tulad ng bentilador o chandelier.
_____3. Mag-ingat sa maaring bumagsak na mga bagay. Maging alerto at mapagmasid sa kapaligiran.
_____4. Suriin ang sarili at mga kasama kung nagtamo ng pinsala.
_____5. Maghanda ng emergency supply kit tulad ng first aid kit, pagkain, tubig, damit, kumot, radyong de baterya, flashlight at iba pa.
_____6. Alamin ang mga maaring maidulot na panganib ng lindol sa inyong lugar.
_____7. Regular na magsagawa at makilahok sa earthquake drill.
_____8. Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe na nakasaad ang lugar ng patutunguhan. Dalhin ang emergency supply kit.
_____9. Siguraduhing matibay ang pagpapagawa sa mga bahay at gusali.
_____10. Magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at humawak sa paanan nito. Kung walang mesa, takpan ng mga kamay ang ulo at batok.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. T 6. M
2. M 7. T
3. T 8. M
4. T 9. T
5. T 10. M
Gawain 3 (Pagsasabuhay)
Pagtataya
1. P 6. B
2. B 7. B
3. H 8. P
4. P 9. B
5. B 10. H
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!
Lindol o Earthquake (Lesson Links)
Aralin 2: Mga Bagay na Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol