Aralin 4: Ang Bagyo at Kategorya Nito
Aralin 4: Ang Bagyo at Kategorya Nito
Layunin
Sa araling ito, inyong maipapakita ang mga sumusunod;
Naipamamalas ang kaalaman tungkol sa bagyo at kategorya nito;
Nakapagtatala ng mga katangian ng bawat kategorya ng bagyo.
Gawain 1
Panuto: Panuurin ang "KAALAM Video" tungkol sa bagyo at kategorya nito. Makinig nang mabuti at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Batay sa napanuod mo, ano ang bagyo?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Paano nagkakaiba-iba ang mga kategorya ng bagyo?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit kailangan alamin ang tungkol sa bagyo at kategorya nito?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtatalakay
Ang bagyo ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o hanggang 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan. Ito namamataan dahil pag-ikot ng mga ulap o meron nang circulation.
Ang PAR o Philippine Area of Responsibility ay ang lugar na itinakda ng World Meteorological Organization (WMO) sa PAGASA upang bantayan at magbigay ng impormasyon tungkol sa pamumuo ng sama ng panahon tulad ng bagyo sa local na lugar at sa internasyunal.
Ang isang bagyo o TROPICAL CYCLONE ay inuuri ayon sa lakas at maximum sustained winds malapit sa mata nito. May limang (5) klasipikasyon ang mga bagyo sa Pilipinas, ang una at pinakamahinang bagyo ay TROPICAL DEPRESSION. Ito ay may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61 kph malapit sa gitna, samantala ang TROPICAL STORM ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph.
Ang ikatlo ay SEVERE TROPICAL STORM, ito ay may lakas ng hangin sa pagitan ng 89 kph hanggang 117. TYPHOON naman ang tawag sa bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220. Ang pinakamataas na klasipikasyon ngayon sa Pilipinas ay tinatawag na Super Typhoon. Ang SUPER TYPHOON ay mga bagyong may dalang hangin na di bababa sa 220 kph.
Gawain 2
Panuto: Unawain ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang _____________ ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o hanggang 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan.
a. bagyo c. buhawi
b. lindol d. tsunami
2. Tinutukoy nito ang sakop na responsibilidad ng PAGASA. Makikita ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
a. Philippine Scope of Responsibility (PSR)
b. Philippine Place of Responsibility (PPR)
c. Philippine Area of Responsibility (PAR)
d. wala sa nabanggit
3. Ito ay kategorya ng bagyo na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61kph malapit sa gitna.
a. tropical depression
b. tropical storm
c. typhoon
d. severe tropical storm
4. Ito ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph.
a. tropical depression
b. tropical storm
c. typhoon
d. severe tropical storm
5. Ang lakas ng hangin sa uri ng bagyong ito ay nasa pagitan ng 89 kph hanggang 117.
a. tropical depression
b. tropical storm
c. typhoon
d. severe tropical storm
6. Kategorya ng bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220.
a. tropical storm b. severe tropical storm
c. super typhoon d. typhoon
7. Ito ang pinakamataas na kategorya ng bagyo na may dalang hangin na di bababa sa 220 kph.
a. tropical storm b. severe tropical storm
c. super typhoon d. typhoon
8. Isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nilikha upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo.
a. PHIVOCLS
b. PAGASA
c. DOLE
d. BFAR
Gawain 3
Panuto: Ipaliwanag ang dalawang paraan ng pagsukat ng lindol sa pamamagitan ng Venn Diagram batay sa kanilang pagkakaiba at pagkakapareho. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto tungkol sa mga kategorya ng bagyo at MALI kung hindi.
__________1) Ang bagyo ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o hanggang 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan.
__________2) Ang tropical storm ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph.
__________3) Ang pinakamataas na klasipikasyon ngayon sa Pilipinas ay tinatawag na Super Typhoon.
__________4) Ang una at pinakamahinang bagyo ay tropical depression na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 120 kph.
__________5) Typhoon naman ang tawag sa bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 89 kph hanggan 117 kph.
B. Panuto: Gamit ang mga salita, tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang.
Super Typhoon Tropical Depression Severe Tropical Storm
Tropical Storm Typhoon
__________1) Mga bagyong may dalang hangin na di bababa sa 220 kph.
__________2) Pinakamahinang bagyo na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61 kph malapit sa gitna.
__________3)May lakas ng hangin sa pagitan ng 89 kph hanggang 117.
__________4) Bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph.
__________5) Bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Gawain 2
1. A 5. D
2. C 6. D
3. A 7. C
4. B 8. B
Gawain 3 (Maaring magkakaiba-iba ang sagot)
Pagtataya
A. 1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Mali
B. 1. Super Typhoon
2. Tropical Depression
3. Severe Tropical Storm
4. Tropical Storm
5. Typhoon
Note: Maaring humingi ng tulong sa mga nakatatanda o inyong guro sa pagwawasto ng inyong mga sagot.
Congratulations!